Mabilis lumipas ang araw at dumating ang annual celebration ng Allegre Firm. Sa mismong main building ginanap ang event. Malaki ang bulwagan ng buong building at kayang umokupa ng ilang daang katao kaya doon mas pinipili nina Dad na ipagdiwang iyon kada taon.
Hindi katulad noon, hindi kami sabay sabay na apat papuntang Laguna. Si Colin ay kahapon pumunta dahil may umuwing kamag-anak nila galing ibang bansa. Kahapon din umuwi si Vincent pero iyon ay dahil gusto lang nina Tita Judith. Kami ni Finn ay dalawang subjects lang ang papasukan at diretso na ang alis.
Dapat kahapon rin ang punta ko pero nagkaroon ng kaunting problema. Ang isang major exam nila Louiella next week ay nailipat ngayong sabado. No one asked me to wait for her but I did. Alam ko rin namang gusto rin ni Mommy na hintayin ko na rin siya pero 'di niya isinatinig iyon.
"Hijo, thank you so much. We don't want to bother you pero dahil sa parte si Carlos ng kompanya, kailangan ay maaga kami roon." Si Tita Romana, in a phone call
"Don't mention it, Tita. Mas okay nang kami ang mahuli kaysa sa inyo." I chuckled.
"Okay, hijo. Thanks again. I will hung up. Ingat kayo sa byahe mamaya."
"Opo, we will. Ingat din po kayo."
Pagkalabas namin ni Finn ng room matapos ng pangalawa subject ay nagtanong siya tungkol sa amin ni Louiella.
"Anong oras ba ang tapos ng klase niya?"
"Alas dos daw ang tapos ng klase nila pero sabi niya tatapusin nya raw agad ang test para bago ang dismissal ay makaalis na kami."
Napatingin siya sa kanyang relo.
"It's still eleven A.M. gusto mo hintayin ko na kayo?"
Napangisi ako. "That's your choice, bro."
Napabuntong-hininga siya.
"Try and ask her out, tol. Kilala naman natin kahit papaano si Louie." Sabi ko.
"Oo, kilala din natin siya na ayaw muna sa isang relationship."
Yeah. Finn likes Louiella. And because Louiella doesn't want to enter a serious relationship, he's afraid to ask her out.
Gusto niya rin sanang magsuggest na siya na ang maghihintay kay Louiella, pero iniisip niya na baka ma-awkward si Louiella sa kanya.
"Graduating naman na si Louie." Sabay tawa ko.
"I'm still scared." Finn said.
Nagdesisyon si Finn na sumabay na lang sa amin pero hiwalay ng kotse. And because of that, I got a better idea.
Nang mag alas dose na ay umakyat kami ni Finn sa room kung saan ang kanila Kaia.
"Hindi kayo kumpleto?" Si Halaina nang makasalubong namin. Tumingin pa siya sa likod namin para mas lalong makasiguro.
"Yeah. May dadaluhan kaming event. Nauna lang yung dalawa." Sagot ko.
"Ba't di kayo sumabay?"
"Uh, may hihintayin lang kami." Si Finn.
"Sino? Si Montero?"
Natawa ako.
"No, why do you think Kaia will be with us?""E 'di ba nililigawan mo yun?"
Hindi na ako nagulat kung maraming may alam ng tungkol doon. And I'm not even courting her but I did not correct it because I was almost always seen waiting for her. Pero mas inaasahan kong alam nila ay si Azurin ang mas may chance para kay Kaia dahil matagal na niyang gusto iyon. And now, I don't know why she thinks Kaia will be with me.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Green Dress
Teen Fiction"The moment I first saw her, I fell. And I know if I keep seeing her, I will fall deeper and deeper until no one can reach me. Only her. Only the girl with the green dress." -A. Allegre 1st | Girls Series, 20 parts [ March, 2019 ]