15th #TGWTGD

62 1 0
                                    

Noong natapos ko ang pagluluto ko ay pumunta akong sala para ayain na sila kumain. Sila Ate Rosanna at Ate Marla ang nag-ayos sa hapag tapos si Ate Doris ang naghugas ng mga ginamit ko. Sa isang oras na paghahanda ay nakasalamuha ko sila.

Bata palang si Kaia ay nagtatrabaho na sila dito. They said, this house is full of kind people. Noong nabubuhay pa ang Lolo at mga magulang ni Kaia, masaya ang ere sa bahay na ito. Pero ngayon, lagi na raw tahimik. At ang saya ni Kaia ay 'di na nagbalik.

"Lola, Kaia, kain na tayo." Sabi ko.

Natawa si Kaia.
"You forgot to take off your apron."

'Di ko na namalayan iyon at ngayon lang din napansin. Agad ko na rin tinanggal yun at napakamot na lang sa batok.

Inalalayan namin si Lola sa paglalakad hanggang sa makaupo ito sa kabisera.

Pumunta ulit akong kusina para isabit doon ang apron at para maghugas ng kamay. Pumasok din si Kaia para tignan siguro ang kusina, dahil nasa hapag naman na ang mga naluto namin.

Nakita kong nilapitan ni Kaia ang hinubad kong polo kanina bago ako mag-umpisang magluto at kinuha niya iyon.

"Isasampay ko lang ito, Avo. Baka mamantsahan kung narito lang ito sa kusina."

"Sure. Thank you." Sabi ko bago pa siya umalis ng kusina.

I chuckled to myself. I am just wearing my white t-shirt. Now I am glad I took off my polo.

Paglabas ko ng kusina ay mauupo na sana ako sa kaliwa ni Lola nang pigilan niya ako.

"Avo, doon ka sa tabi ni Kaia." ani Lola, tinuro ang kanyang kanan.

I chuckled. "Opo, Lola."

Wala pa si Kaia kaya sa sunod na upuan ako umupo.

Nang dumating si Kaia ay diretso siyang umupo sa tabi ko.

I thought she will hesitate to do so. Kasi katabi ako. I sighed of relief when she didn't.

Pinagmasdan ko sila nang mag-umpisa na kaming kumain at tumikim na sila sa aking naluto. Nakita kong tumango-tango si Lola kaya napangiti ako.

"It's delicious, Avo! I am glad marunong kang magluto. Most boys your age do not know how to cook." ani Lola.

I chuckled at that.

"I live alone, Lola so it's a need."

"Gano'n ba? Saan ka ba nakatira ngayon?"

"Sa Makati po ako nakatira ngayon."

"Saan ngayon ang pamilya mo?"

"They're in Laguna, Lola. My hometown."

"Oh, it must be lonely." ani Lola sa isang malungkot na tono.

"I miss my parents and my sibling but I really don't feel lonely. May mga kaibigan po akong madalas na bumisita doon."

"It's good then, that you have a companion." aniya at ngumiti.

"Bakit sa Makati ka tumira, hindi dito sa Manila?" Si Kaia ang nagtanong. "I mean, it's nearer in our school kung dito ka tumira."

"Si Mommy ang nagdesisyon no'n. Iyon na lang ang pinagbigyan ko kasi ayaw niya akong mag Maynila sana."

Natawa ng bahagya si Lola bago nagtanong.

"May business ba ang mga magulang mo doon sa Laguna at ayaw ka sana malayo?"

"Opo, Lola. May engineering firm po si Daddy doon. My mom is a veterinarian. Not that they didn't want me to study here in Manila because of the business. Mamimiss lang daw po ako ni Mommy kapag ganoon."

The Girl With The Green DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon