This is Avo. I'm already home. Thank you for tonight. :)
I texted Kaia when I got home. Ilang segundo ay nagreply siya.
Buti naman. Thank you too for tonight. Good night!
She replied back.
Sobrang lawak naman ng ngiti ko nang magreply din ako.
Alright. Good night.
Napangiti ako. Ibababa ko na sana ang phone ko para makapagbihis na nang biglang tumawag si Ate. Sinagot ko kaagad.
"Oh? Kakauwi mo lang?" Bungad niya sa akin nang makita sigurong naka-uniform pa ako.
"Yeah, Ate. You need anything?"
"Can I stay in your condo for five days? Para lang sa work. Naka base kasi kami ngayon sa Makati. I'll go there this Thursday."
Tumango ako.
"Yeah, no problem, Ate. Why are you asking permission? You can stay here whenever you want." I chuckled."Of course, it's your condo! It's a decency!"
I chuckled. "Yeah, alright. Anything else, Ate? Magbibihis na ako."
"Bakit ngayon ka lang nakauwi? Saan ka galing?"
"I went to Kaia's house. I already met her Lola." Ngumiti ako, naalala na naman ang nangyari kanina.
Nanlaki ang kanyang mata at nagsisisigaw sa kilig.
"Oh my gosh, oh my gosh," sigaw niya pa. "E ano yan? Bilang manliligaw o bilang kaibigan?
"Bilang kaibigan."
Doon siya natahimik. I laughed at her reaction.
"Avo, don't you think it's time to give up? Kung 'di ka niya gusto, huwag mo ng pilitin. Nasasaktan ka lang dahil dyan sa ginagawa mo."
"Ate, I'm just doing this because she's my friend."
"She's my friend, my ass. Ang sabihin mo, kahit alam mong may ibang gusto, umaasa ka pa rin." Ngumisi siya. "Ang sabihin mo, dahil mahal mo."
Mahal ko? Isn't it too early to say I love her? Yes, I so like her. I've never been this way to a girl. Vincent, Finn and Colin can attest to that. But then, what if this is just an infatuation?
Well, find out in the future, Alvaro. If you're still like this.
"What will I do? Kahit pagkakaibigan na nga lang, Ate, papatusin ko na."
"Okay, bahala ka na nga. Wala naman akong magagawa sa mga gusto mo. I'll hung up. Sa Thursday ang punta ko dyan, ah? You know what I want when it comes to my bed."
"Yeah. Goodnight."
"Goodnight, baby boy."
Kinabukasan ay nagpasya ako na pagkatapos ng klase ko ay pupunta ako sa mall para bumili ng extra mattress. My condo has three rooms. One is my room. The other is my study room, and the other one is an extra room. May bed frame na sa extra room pero walang mattress iyon. Kaya naman bibilhan ko para doon ako. Hindi pa masyadong maayos ang kwarto na iyon, ayaw kong doon si Ate magstay kaya sa kwarto ko siya.
Nasiyahan naman ang tatlo sa nalaman dahil sa balitang mananatili si Ate rito sa Makati ng limang araw.
"Punta kami sa condo mo sa thursday kung gano'n." Si Colin.
Naglalakad kami sa open field papuntang building namin. Hindi ko na hinintay si Kaia dahil ang sabi niya'y huwag ko na siyang hintayin dahil baka nahuhuli na raw ako lagi sa first subject. Sinunod ko na lang, baka magalit pa.
"May exam tayo kinabukasan." Pagpapaalala ko.
"Chill lang tayo, walang inom. Tsaka alam natin na magiging busy si Ate sa limang araw na stay nya dito, hindi rin namin mabibisita." Si Finn.
"Alright. Punta na lang kayo doon, I'll tell Ate."
Bago pa kami tuluyang makaakyat ay nakita ko si Gael, may hawak na pumpon ng mga rosas. Napakunot ang noo ko. I wanted to ignore it, but before we entered the building, he called me.
"Allegre, pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya.
"Una na kami, pre. Sunod ka na lang." Si Vincent. Tinapik lang nila ang aking balikat.
Nang hinarap ko si Gael ay lumayo kami unti sa mga tao saka ako nagsalita.
"'Wag mong sabihing akin mo ibibigay yan?" I smirked.
Ngumisi siya. "Hindi, ibibigay ko kay Kaia,"
Nawala ang ngisi ko.
"What do you want to talk about?"He paused for a second, but then he began to talk.
"I know you know that... me courting Kaia isn't genuine."
Kumunot na ang noo ko. What the fuck?
"I knew it!" Galit na sabi ko sa kanya.
"Before you burst out your anger, I wanna tell you Kaia is a wonderful woman. She deserves respect. That's why I am going to apologize to her today. I am doing this to have her forgiveness. And I will tell her the truth."
"Bakit mo sinasabi sa akin 'to ngayon?"
"Because you know I wasn't genuine, and this time, I'm genuinely giving this to her."
"If you wanna have Kaia, then don't waste this chance. Ikaw lang ang hinihintay niya."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na lang ako.
Damn it! This is the end. Gusto niya na rin si Kaia at wala na akong laban doon.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Green Dress
Teen Fiction"The moment I first saw her, I fell. And I know if I keep seeing her, I will fall deeper and deeper until no one can reach me. Only her. Only the girl with the green dress." -A. Allegre 1st | Girls Series, 20 parts [ March, 2019 ]