3rd #TGWTGD

91 2 0
                                    

We have a championship game in basketball. Sa semi-finals ay nanalo ang aming department at ang department nina Azurin. See why students assume we have some sort of competition? I just don't get it.

Kaya naman inaasahan kong manonood si Kaia dahil gusto niya si Azurin. I've already accepted it. She really likes him. And it's fucking sad why I have to like a woman who already likes another man.

It's my first time liking someone. Why does it have to be like this?

Kaya siguro may iba na mas gusto na lang na huwag magkagusto sa isang tao dahil ganito ang nararamdaman nila t'wing hindi sila gusto ng gusto nila?

Nandito pa kami sa locker room dito sa gym habang hinihintay ang oras namin.

Tumabi sa akin si Vincent at tinapik ang balikat ko.

"Andoon daw si Kaia ah? Kaya mo bang maglaro?" Asar nya at humalakhak pa.

"I can. And I've accepted that she really likes Azurin. But still, I can show her who's better?" I smirked.

Vince laughed.
"Tol, paano mo mapapakita kung hindi naman nakatingin?"

Nanatili lang ang ngisi ko. Let's see then.

Ako at si Vincent lang ang kasali sa basketball team. Hilig naman nina Colin at Finn ang basketball pero ayaw nila sumali sa team dahil dagdag daw ito sa schedule nila.

Nang dumating na ang oras ay kami na ang sumalang sa gym.

The team of College of Medicine is the first one to get out. I can almost hear the screams of Kaia. Tss. And I can almost taste the bitterness to my words.

Nang natawag naman ang team namin ay mas malakas ang sigawan ng mga estudyante sa paligid. Is it really or is it only part of my illusion?

Alam ko kung nasaan si Kaia. Pero may hawak siyang banner kung saan naroon nakalagay ang sinusuportahan niya. I don't wanna look at her because I might see it and I might lose interest in the game.

Pinaghilera muna kami at nang patugtugin ang national anthem ay tumahimik ang buong gym.

Nang mag-umpisa ay talo kami sa first quarter. Pinagsasabihan na ako ng coach namin na kumilos na ako dahil sa buong first quarter, wala akong naitira.

Pinasok si Vincent sa second quarter.

"Pre, anong plano mo?" aniya.

Inilingan ko lang yo'n.

Rinig na rinig ang friction ng aming mga sapatos sa gym. Rinig ko rin ang sigawan ng mga estudyanteng sinisigaw ang pangalan ko at ang department namin.

Nang sa wakas ay natignan ko si Kaia ay may hawak nga siyang kartolinang may nakalagay na pangalan ni Azurin. Napatingin ako kung saan siya nakatingin at nang makitang si Azurin na naman ay bahagya akong nainis.

Tumakbo ako kung nasaan ang bola at nasa kalaban iyon. Nang nagtagumpay akong makuha iyon ay tumakbo ako papunta sa ring namin pero noong nasa bandang half court pa lang ako, tumalon ako para mai-shoot ang bola.

Narinig ko pa ang sigaw ni Vincent at ni Coach sa pangalan ko. Kulang na lang ay murahin na nila ako sa tono ng pagsigaw nila.

Ngumisi ako nang pumasok ang bola at dumagundong ang sigawan sa buong gym.

Napatingin ako kay Kaia. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

Well, not bad. Kahit ganyan ang ekspresyon mo, at least nakuha ko ang atensyon mo.

Napangiti ako sa naisip ko. Keep watching me, please.

Hanggang sa nag fourth quarter, ang Faculty of Engineering ang nanalo.

Sa akin binigay ang trophy dahil ayon sa kanila, ako ang nagdala ng buong game.

Nakita ko si Kaia na nakatingin sa grupo nina Azurin na papasok na ng locker room ng gym.

Binigay ko muna saglit kila Vincent ang trophy bago ako maglakad palapit sa kinaroroonan niya.

Ang kaibigan niyang nasa tabi niya ay nanlaki ang mata nang makitang papalapit ako samantalang siya ay nasa kinaroroonan pa rin nina Azurin nakatingin.

Saka niya lang ako natignan nang nasa harap niya na ako.

"Sa kan'ya ka pa rin nakatingin kahit siya na ang talo?" Mapaglaro ang aking tinig at ngiti.

Kumunot na naman ang kan'yang noo.
"Bakit? Sino ba dapat ang tignan ko? Ikaw?"

Tumawa ako.
"I didn't say that, though... I want it."

Nanatili ang kunot ng kanyang noo. Umirap siya sa akin at walang paa-paalam ay umalis siya, hatak hatak ang kaibigan niya.

Sa pag-alis niya ay ang daming lumapit sa akin para i-congratulate ako. Nagpasalamat ako bago na bumalik kila Vincent.

"Ano? Napasagot mo na?" aniya at tumawa.

Umiling ako habang nakangiti.

I never thought I would say this but fuck, Azurin is freaking lucky. Damn it!

The Girl With The Green DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon