"Baby boy, sasabay ako ngayon sa'yo. May imi-meet ako malapit sa España." Si Ate habang nag-aalmusal kami kinabukasan.
Tumaas ang kilay ko kaya naman inirapan niya ako.
"Give me a break, it's about work, tss." She said.
Napangisi ako.
"Okay then. Saan kita ibababa?""I want to see your university. Can I go with you? As in pati pagpasok?"
"You can. Then ihatid na lang ulit kita palabas."
"Hindi na. Ako na lang mag-isa, malapit lang din kasi talaga sa university mo yung meeting place namin."
"Hmm... okay, if that's what you want." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Why don't you just wear a dress or something? It's really hot outside for a corporate attire."
"This client is really important. I need to just please him by wearing something... corporate?" She explained.
I grinned. "Him, huh?"
Umirap na naman siya. Pero hindi niya na pinatulan ang pang-aasar ko.
Nang makarating kami sa unibersidad ay sabay kaming lumabas. Sa parking lot palang ay pansin kong ang dami ng tumitingin kay Ate.
Ako na ang kumuha ng mga folder na dala niya.
"Maaga pa naman masyado, baby boy. Punta muna tayo sa cafeteria?"
Sinunod ko na lang ang gusto niya at pumunta kami doon para magpalipas ng oras.
I texted Vincent, Colin and Finn to go straight here in cafeteria. Pagkarating nila ay umingay dahil sa kanilang batian kaya mas lalong dumami ang nakatingin sa amin lalo na kay Ate.
"Who's that girl?" Madalas na naririnig kong bulungan nila.
I never mind their mumbling and whispering. Pero nang makita ko sa 'di kalayuan si Kaia at Louie ay natigilan ako.
Nagkatinginan kami ni Kaia ngunit lumipat ang tingin niya kay Ate na katabi ko. May sinabi siya kay Louie at saka umalis. Sinundan naman siya ni Louie.
Dumaan din ang iilang miyembro ng team namin sa basketball kaya naman nawala ang atensyon ko sa umalis na Kaia.
"Avo, ang ganda ah? Pakilala mo kami." Biro nila.
"She's off limits, bro." ani Vince.
Umalis din naman si Ate nang mag-umpisa na ang klase namin. Buong oras ng lecture ay lumilipad ang isip ko sa itsura ni Kaia kanina habang nagkatitigan kami.
Nang maglunch break ay inaya kami ni Finn pumunta sa cafeteria dahil andoon daw sila Louie at Kaia.
Kinabahan naman ako.
"Hi, guys," bati ni Louie. Si Kaia ay nakatuon lang sa pagkain ang pansin.
Hindi sana ako tatabi sa kanya dahil ninenerbyos ako pero naunahan na ako nila Vincent sa ibang upuan kaya ang natira ay ang sa tabi niya.
Umupo na lang ako at nilabas na lang ang notes para sa exam mamaya.
"Tol, 'di ka kakain?" Sabi ni Finn sa akin.
"Hindi, busog ako."
"Sige, maiwan muna namin kayo, bibili lang kami." aniya at tumayo silang tatlo including Louie. Ngayon ko lang napansin na wala pa pala siyang pagkain, si Kaia lang ang meron.
Naiwan kaming dalawa. Nagbabasa ako ng notes pero 'di naman pumapasok sa utak ko dahil panay tingin ko sa kanya.
Biglang umilaw ang phone ko na nasa tabi ng notes ko dahil sa isang message ni Ate.
Baby boy, I'll text you later na lang ah? I'll be very busy today.
Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng reply.
Nilapag kong muli ang phone ko at pinagmasdang muli si Kaia.
"You didn't tell me," Kaia said that's why I'm startled.
"W-What... do you mean?"
"I mean, you didn't tell me that you have someone now." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"May bago ako?" Bakit 'di ko alam?
"That's why umuwi ka ng maaga kahapon, right? Kasi dumating siya."
Naguluhan ako.
"Wait, Kaia. What are you talking about?"
"I understand you had a change of heart. Kasi ang tanging ginawa ko lang sayo ay pagtabuyan ka. That's why I am sorry. I am sorry. Kung ganoon, kahit pagkakaibigan na lang?" Ngumisi siya pero kabaliktaran ko ay nakakunot ang noo ko.
"I don't understand."
"The girl you are with kanina, bago mo siya 'di ba?"
Umuwang ang bibig ko nang may mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya. What!?
"I hope we still can be friends, Avo." Tumayo siya at iniwan akong nakatulala dahil sa nangyari.
"Oh? Nasaan si Kaia?" Si Louie nang dumating sila at nakitang ako na lang mag-isa ang nasa mesa.
"Bakit hindi alam ni Kaia na si Ate yung kasama ko kanina?" Tanong ko sa kanila. "Finn? 'Di mo sinabi na si Ate ang darating kaya ako umuwi ng maaga kahapon? Akala ko naipaliwanag n'yo na?"
Tumikom ang bibig nila at nagkatinginan sa isa't isa.
"Louie? Kilala mo naman si Ate, bakit 'di mo sinabing kapatid ko yung kasama ko kanina?"
Hindi sila nagsalita kahit isa. This is frustrating!
"Hindi n'yo sinabi? We had a misunderstanding. Akala niya iba ko ang Ate ko!"
"Eh may misunderstanding pala kayo? Anong ginagawa mo dito? Sundan mo!" Si Louie.
Dahil sa bigla ay nakalimutan kong sundan si Kaia. Tumayo agad ako para habulin siya.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Green Dress
Teen Fiction"The moment I first saw her, I fell. And I know if I keep seeing her, I will fall deeper and deeper until no one can reach me. Only her. Only the girl with the green dress." -A. Allegre 1st | Girls Series, 20 parts [ March, 2019 ]