'I'm sorry Rej'
Iyon ang mga salitang paulit-ulit at tila naka-tatak na ata sa pandinig ko ani Regina. Napatingin ako sa unang gamit ko, basa na naman. Hay. Kailan ko ba hindi makikitang basa ng luha ang unan ko. Kelan ba ko titigil kakaiyak?
Anim na buwan na mula ng tapusin namin ni Narda ang sampung taong relasyon binuo naming dalawa. Anim na buwan pero bakit yung sakit parang kahapon lang? Paano ko ba tuturuan ang puso kong mag-hilom mula sa sakit ng paghihiwalay namin?
Wala namang iba sa pagitan namin pareho na lang ata kaming napagod sa relasyong unti-unting nanlalamig sa pagdaan ng mga taon. Mahirap talaga ang ldr, para kang mababaliw kakaisip kapag hindi ka mareplayan at matawagan man lang.
Pareho naman kaming nag-desisyong tapusin pero yung sakit pala dimo maiilagan sa huli. We've been trying to works things out, she even try to win me back after our talk pero ako na ang kusang lumayo.
Sabi nga namin pareho maghilom muna kami ng magka-hiwalay at sana kapag nag-kita kaming muli eh ready na kaming pag-usapan kung ano ba talagang nangyari sa amin. Pero paano? Heto nga ako iniiyakan siya gabi-gabi pero ako naman 'tong umayaw kahit pa sinubok niya ko muling bawiin.
Isang ring mula sa cellphone ang nagpaangat muli ng ulo ni Regina mula sa pagkakayukyok.
'Hello Ina?, sagot niya habang pilit pinasisigla ang tinig niya.
'Anak, okay ka lang?, tanong nito mula sa kabilang linya.
Napalunok ito saka muling nagsalita.
'Aba'y oo naman Ina. Kagigising ko lang ho kasi, bakit nga po pala kayo napatawag?
'Ikaw ba'y hindi dadalaw dine sa amin sa Indang?, muling tanong nito.
Araw-araw, walang palya ito palagi ang tanong ng Ina ni Narda. Oo, tama kayo Nanay nga ni Narda ang kausap niya.
'Eh Ina hindi pa din ho ako nakakauwi ng Cavite. Busy ho masyado sa opisina eh', pagsisinungaling niya.
'Aba'y dalawang buwan ka ng hindi nadadalaw eh. Ika'y miss na miss na namin ng Ama mo pati ng mga inaanak mo. Si Narda nama'y hindi rin nauuwi dito.
Mapait itong napangiti bago muling nagsalita. 'Hayaan ho ninyo Ina kapag ako'y nakauwi kila Papa ay dadalawin ko ho kayo diyan sa Indang. Busy lang ho talaga ako.
'Pangako iyan ha? Mahal kita anak.
'Mahal din kita Ina.
Malungkot itong napangiti ng matapos ang tawag. Paano ba naman kasi niya titigilang kausapin ito kung wala naman itong alam na matagal na silang hiwalay ni Narda. Muli itong napaiyak bago nag-desisyong tumayo at nag-asikaso sa papasok.
Sa kabilang dako tahimik na nakamasid si Narda sa dalampasigan. Nakatulala sa hampas ng alon habang sumisimsim nang mainit na kape.
Limang taon na siyang coast guard, at dito sa probinsya ng Quezon siya naka-assign. Malayo sa nakasanayang buhay sa Cavite. Napayuko siya ng muling maalala ang dating kasintahan, at kung paanong natapos ang sampung taong relasyong kanilang iningatan.
Flashback,
It was their 10th year anniversary, pagod siya mula sa ilang oras na biyahe. Sa Tagaytay Heights ang diretso niya, may naka-book na staycation kasi doon si Regina.
'Baby', masayang sambit nito ng pagbuksan siya ng pinto kasabay nang mahigpit na yakap na palagi nitong salubong sa kanya.
Niyakap niya ito pabalik at sumiksik sa leeg nito. Mga ilang minuto silang ganoon ng magpasya itong kumalas sa pagka-kayakap niya.
'May problema ba?, masuyo nitong tanong.
One thing that she likes about Regina is mabilis itong makaramdam. Alam agad nito kapag may bumabagabag sa kanya.
'Wala', tugon niya. 'Napagod lang siguro ako sa biyahe.
Hindi na siya muling kinulit nito. Magka-hawak kamay silang naglakad papasok sa kwarto. Dinatnan niya ang mga pagkaing nakahain na halos lahat ay paborito niya. Isang bungkos ng rosas, wine at maging ang kanyang damit na maayos na nakatupi sa ibabaw ng kama.
I feel guilty seeing all the things she prepared for me, samantalang ako maski sampaguita ay wala man lang akong dala para sa kanya.
'Happy anniversary baby', masuyo nitong sabi sabay abot ng bulaklak.
I saw some glint in her eyes, she somehow teary eyed. I hug her, really tight 'I'm sorry Rej' iyon na lang ang nasabi ko. She hugged me back. Inalo lang niya ako ng inalo hanggang sa mapagod akong umiyak.
End of flashback.
That was six months ago. Regina let me go when i ask her to free me. Alam kong nasasaktan siya noong mga oras na yon pero mas pinili niyang pakawalan ako.
I was taken aback when i realize na hindi ko kayang wala siya. I even try to call her and win her back para muling bawiin ang mga salitang binitawan ko.
Pero gaya nga ng iba napagod na ata si Regina'ng intindihin ang mga pagkukulang ko. Natigil lamang ako sa pag-iisip ng marinig kong nagsalita ang kasama ko sa kampo.
'Bok may sulat na dumating para sayo.
Agad akong tumayo at pumasok sa opisina ko.
Any thoughts mga bibi 😁
BINABASA MO ANG
Bougainvillea
FanfictionA story that teach you how to love freely, selfless and unconditionally.