It was an Autumn wedding in the late afternoon. The area faced a breathtaking sunset. At the end of seated aisle, lavender scented candles hung by the naked tree. White flowers was scattered on the floor a little moist, so they wouldn't crack when you stepped on. Small group of people, a close family and friends to witness Narda and Regina's nuptial.
Hindi kayo kundi sila ang nagtakda ng magaganap ngayong araw. After a very long engagement, both of the women finally decide which month and season they would prefer to have their wedding happen.
A preparation under pressure dahil sa sobrang daming suggestion ng mga nasa paligid nila ay hindi na nila alam kung alin ang uunahin at susundin, pero despite all of the chaos finally it's going to happen.
Nervousness was all written on Regina's face. She walks back and forth, breathing harshly.
'I can't breathe', she said. 'Cal-cal, I need Mama's necklace', she exclaimed, as if her life depends on it.
Her maid of honor's head turn and gaze at her.
'Regina huminga ka', she said.
'I can't breathe Cal. I need her necklace so i can breathe properly', she said nervously.
'Kumalma ka. Ipapahanap ko pa', she answered as she was dialing some numbers on her phone.
The necklace she was wearing is the one that her father gave her a few weeks ago. It was her mother's heirloom, the one she also wore the day they got married. She was used to wearing it, not taking it off until today before they did her make-up.
'Hindi makita nila Crof yung necklace mo.
Cali's voice interrupts all the thoughts in her mind.
'Ha? No. No. No', she said, walking back and forth again. 'I can't walk down the aisle without it', her eyes watering.
'Regi, Regi', mahinang tawag nito. 'You can walk down the aisle without it. You will get married today with or without Mama Lia's necklace.
'I can't Cal', she's starting to cry.
'Ssshhh', Cali said. 'Come on', aya nito.
Nagpaubaya siya. Iniabot ang kamay sa nakalahad na palad nito. Tumungo sila sa bintana ng inookupa nilang kwarto, kung saan tanaw ang pagdadausan ng kanilang minimithing kasal.
'Look', turo ni Cali sa kanya. 'Ready na lahat. Nasunod lahat ng gusto niyo ni Narda para sa araw na 'to. Small crowd as you wish kahit gusto ni Narda'ng ipangalandakan sa buong mundo kung sino ang pakakasalan niya', she said that made them chuckled. 'Hindi porket wala yung necklace ni Mama eh hindi ka na magpapakasal. Regina, hahayaan mo bang hindi matuloy ang pag-iisang dibdib niyo ni Narda dahil lang hindi mo suot ang necklace ni Mama?
Umiling siya. Pangarap niya ito eh. Aatras nga ba siya?
'Konting oras na lang Custodio ka na. Alam ko namang mahalaga sayo yung kwintas ni Mama, and as much as i can hahanapin ko yon para maibigay sayo mamaya. Pero for the meantime pwede bang ito muna', sabay lahad nito ng kamay.
Napatingin siya sa nakalahad na palad nito. A round emblem was on her hand with her mother's face engraved on it.
'Cal', paiyak na salita niya.
'Mamaya ko pa sana ibibigay pero you really need it right now. Akina yang bouquet mo', sabay kuha nito at inilagay ang emblem dito. 'Oh ayan kasama mo na si Mama mamaya paglakad mo.
'Thank you', salita niya sabay singhot para pigilan ang luha niya.
Iniikot niya paharap ang bulaklak at pinagmasdan mabuti ang emblem na inilagay ni Cali. Bahagyang hinaplos ito at inilapit sa dibdib niya. Saka siya muling humarap kay Cali at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto kung nasaan sila.
Sa kabilang banda. Tatawa-tawa si Narda habang isinusuot ang tuxedo'ng puti na request ni Regina. Both of them will wears tuxedo for their wedding day. While all of their guest wears any colors they want. No specific color, just what their hearts desire.
'Ina ano pogi na ba?, nakangiting tanong niya.
'Gwapong-gwapo', nakangiti ring sagot nito. 'Hay mag-aasawa na talaga ng bunso ko. Narda ha, ang mga bilin ko. Habaan mo pa ang pasen---
'sya ko kay Regina', pagtutuloy niya sa sinasabi nito. 'Mahalin ang Misis ko ng buong puso. Palaging i-validate ang nararamdaman niya lalo na sa mga panahong feeling niya ay hindi siya perpekto para sa akin. Piliin siya palagi lalo na sa mga oras na mahirap na siyang intindihin. And lastly, palagi kong babalikan kung paano kami nag-umpisa kapag nakakaramdam akong bitawan ang relasyong meron kami', saad niya. 'Opo Ina, palagi ko pong tatandaan ang lahat ng mga bilin ninyo.
'Aba'y mabuti naman at kabisado mo na. Naku kapag ikaw ay nagloko ikaw mismo kakalimutan kong anak ko at si Regina ang pipiliin ko pati ang apo ko.
'Kuuuuu, ikaw naman Edna eh tapat pa sa tapat yang anak mo kay mana sa akin', biglang singit ng Ama.
'Sa akin mana at hindi sa iyo', sagot naman ng Ina.
Natatawa naman si Narda'ng pinagmamasdan ang mga magulang na nagbubuskahan. Tila kay swerte niya na sa mga oras na ito ay kaya pa siyang ihatid ng mga ito sa araw na pinaka-ispesyal para sa kanya.
'Mahal na mahal ko kayo Ina, Ama', madamdaming saad niya.
Napalingon sa kanya ang mga magulang saka siya niyakap ng mahigpit.
'Mahal na mahal ka din namin Narda.
It is happening. It is really happening. As Narda walks down the aisle with her parents, nervousness rushes into her chest. She needed to pause for a moment to breathe properly and held her mother's hand tight as if she were gaining some strength to overcome some fears she was starting to feel.
A genuine smile appeared on her mother's face, as if telling her to go on. She started to walk again, clinging to both of her parents arms. She smiled widely on her way near the priest.
A moment later, Regina came with her father. She is also wearing a tuxedo. A black one with white inner polo that matches Narda's suit. Both of them smiled when their eyes met.
A lavender scent was all over the place. As the sunset arrives on the cue of Regina's time to walk down the aisle, a song plays. An 'Ikaw at Ako' piano rendition played by Athena herself.
Before she could go on, Riri approached and put her mini veil on her head. Crof gave her the necklace she was looking for earlier.
'Mama Lia still wants to be part of your special day, Regina', she whispered. 'We found your necklace inside Jude's pocket. Medyo maloko din yung anak mo eh', natatawang saad nito habang isinusuot sa leeg niya ang nasabing alahas.
Hinaplos niya ang kwintas matapos makapagpasalamat kay Crof. She saw Jude smiling ear to ear as he walks down also in the aisle together with Liam and Zoe hand in hand.
Nagsimula siyang humakbang habang nakaabrisete sa ama na panay ang punas ng luha.
'Papa pumapayag ka ba talagang maikasal ako ke Narda?
'Oo naman', sagot nitong humihikbi pa.
'Eh bakit parang ayaw mo kong ihabilin ke Narda sa iyak mo? Papa, sure ka na ba talaga?, sagot niya na bahagyang huminto pa at humarap sa ama.
'Masaya lang ako anak', sagot nito at ikinulong sa mga palad ang mukha niya. 'Ikaw ang isa sa bumuo ng buhay namin ng Mama mo, at ngayong bubuo ka nadin ng sarili mong buhay punong-puno ng galak ang puso ko. Medyo nalulungkot lang ako anak kasi hindi na inabot ng Mama mo.
'Papa', mahinahong salita niya. Katawan lang ni Mama ang wala pero alam kong andito ang presensya niya. Sabay niyo kong ihahatid sa paborito niyong manugang', nangingiti niyang sabi. 'Mahal na mahal ko kayo Pa, Mama', sabay baling sa emblem na nakasabit sa bulaklak niya.
Isang mahigpit na yakap ang inihandog sa kanya ng ama ng makalapit sila sa kinaroroonan ni Narda.
Buong kagalakang tinanggap ni Narda ang kamay niya matapos iabot ng kanyang ama kasabay ng mumunti nitong bilin na pakamahalin siya.
BINABASA MO ANG
Bougainvillea
FanfictionA story that teach you how to love freely, selfless and unconditionally.