***
Author's Note:
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa.
Gaya ng mga nakaraang story, available po ang podcast ng short story 3 sa YouTube. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.
YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=qqVFNGUm2Z0&ab_channel=PedroPekyan
Happy reading! 😊
***
Bata pa lang si Mang Usga, magaling na siyang manghusga. Tao, bagay, situwasyon, kahit na ano, kahit na saan, kakaiba ang kanyang abilidad na makaintindi. Maraming natutuwa sa kanya dahil laging tumatama ang judgment niya; ngunit, marami rin ang naiinis. Tingin ng iba, judgmental siya dahil mahilig siyang manghula on the spot, ng mga magaganap, at kung bakit naganap ang mga naganap na.
Para kay Mang Usga, hindi siya judgmental. Sinasabi niya lang ang tingin niyang nangyari o mangyayari. Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin ng iba. Kahit kailan, hindi niya pinagsisihan ang kahit anong hinusgahan niya hanggang ang nakaharap niya ay ang Eksperto, Electric Fan, at Band-aid.
Nagsimula ang istorya nang, isang umaga na lang, pinihit ni Mang Usga ang switch ng electric fan nila sa salas at hindi ito umandar.
"Ay! Parang tanga! Elsa! Elsa!"
Nangangaykay na dumating si Aling Usga sa salas. "Bakit? Bakit? Elias ano nangyari?"
"Hindi ba kabibili mo lang nito nung isang linggo?" inginuso ni Mang Usga ang electric fan.
"Sira na? Teka," suminghot-singhot si Aling Usga. "May umaamoy, Elias! Parang amoy sunog! Ano yun?"
Nanlaki ang mata ni Mang Usga at mabilis hinugot ang electric fan. Kumunot ang noo nito nang masulyapang may itim-itim na sa likod nito, kung saan nandoon ang motor. "Elsa, kaya umaamoy na! Nasunog na nang parang tanga yung motor."
Lumapit si Aling Usga at nagulat na mukhang ganoon na nga ang nangyari. "Ay! Ano ba yan! Kabago-bago nyan! Kabibili ko lang nyan last week."
"Yun nga rin ang alam ko. Di ako magtataka kung kay Dinna mo na naman 'to binili."
"Elias, sabi kasi ni Dinna matibay at mahusay daw yan. Galing pa sa abroad. Mabentang-mabenta nga raw. Tas, mura lang kaya binili ko."
Umiling si Mang Usga. "Elsa, ibalik mo na lang 'to. Papalitan mo kay Dinna. Ano ba yang binebenta niya. Di naman Sulit. Sulit Tindahan pa naman." Bad trip na umupo si Mang Usga sa sofa. Magsasapatos na sana siya kaso ayaw niyang makulob ang paa niya nang parang tanga lang dahil basa pa ito. "Ayan! Basa pa yung paa ko! Pano na 'ko magsasapatos nyan!"
"Pa, ayan ka na naman!" Lumapit si Aling Usga at pinatag ang mga maliliit na burol sa pagitan ng kilay ni Mang Usga at napangiti ito. "Ikukuha na lang kita ng bimpo."
Walang ilang minuto, iniabot ni Aling Usga ang bimpo at mabilis na nakapagpatuyo ng paa at nakapag-sapatos si Mang Usga.
"Bye, Pa." Niyakap ni Aling Usga at hinalikan si Mang Usga sa pisngi. "Ako na bahala sa electric fan. Dadalin ko kay Dinna. Wag mo nang intindihin yun. Ano lagi kong sinasabi? Flat ang noo...?"
"Huwag ang labi," sagot ni Mang Usga bago manawa-nawang sumakay sa kotse.
Pagtalikod ni Mang Usga, napugik si Aling Usga dahil para sa kanya napakagaling at napakatalino nito pero wala itong pasensya sa maliliit na bagay tulad ng sirang electric fan at bimpo.
***
Kinabukasan, pupungas-pungas pa nang bumaba si Mang Usga sa hagdan para mag-agahan.
"Hello, Pa!" bati ni Justice. Nang hindi siya napansin ng tutulog-tulog na papa niya, nagtinginan sila ni Junior at nagpugikan.
YOU ARE READING
Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)
Short StoryAno ang "Parang Tanga?" Iyon bang may pumitik ng kulangot na pagkalaki-laki tapos tumapal sa talukap ng mata mo. Iyon bang nagshu-shoot ka ng piping baso ng pinagkikiaman sa basurahan ng masungit mong titser, kaso humarang iyung ulo niya. May podcas...