Author's Note:
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa.
Gaya ng mga nakaraang story, available po ang podcast ng short story na ito sa YouTube. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.
YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=yLQpLDkOhKo&ab_channel=PedroPekyan
Merry Christmas, Happy New Year & happy reading! 😊
***
"Sa susunod na taon, hindi ako magtataka kung isa sa mga Tino ay mabubuntis nang hindi inaasahan; iyong isa magko-cope nang parang tanga dahil dalawang beses mapa-prank ni Kupido; iyong isa magdadrama nang parang tanga; at, iyong isa magiging OA nang buong taon dahil sa mga sinabi ko na ito." – Mang Usga, noong nakaraang Pasko
***
"Magnus, ano nangyari sayo?" huminto sa pagba-brush ng buhok si Margaret dahil kanina pa niya naobserbahan sa salamin ng tokador nila si Magnus, na patanda na nang patanda ang mukha.
"Naalala ko iyong sinabi ni Elias noong nakaraang Pasko. Iyong tungkol sa may mabubuntis nang hindi inaasahan; iyong may mapa-prank ni Kupido; may magdadrama; at, may magiging OA."
"Magnus, lasing na lasing na si Elias nun. Nagkakatapon-tapon na 'yung beer nya nun. Wala yun. Baka hindi na nga nya naaalala yun."
"Margaret, alam mo ako. Hindi ako basta nagpapaniwala sa kung anu-ano. Pero, alam nating dalawa na may kakaiba kay Elias." Pumikit si Magnus, huminga nang malalim, at tumingin nang diretso kay Margaret sa salamin. "Sa tingin mo ba si Marney iyong tinutukoy na buntis?"
Nabilaukan si Margaret sa wala. "Ano ba yan, Magnus! Hindi! Ba't naman magkakaganun? Wala namang boyfriend yun."
"Pero matatapos na iyong taon. Dalawa lang naman ang anak nating babae. Hindi naman buntis si Marie. Kung tama si Elias gaya ng laging nangyayari, si Marney na lang ang posibleng tinutukoy niya."
Napahinto si Margaret. "Palagay ko nagkamali na si Elias. Matatapos na yung taon, wala pang nagkakatotoo sa mga sinabi niya. Wala namang nagbuntis nang hindi inaasahan ngayong taon. Sabi mo nga dalawa lang naman ang anak nating babae. Parehong walang boyfriend. Alangan naman na ako ang tinutukoy, Magnus. Singkwenta na tayo. Ano yun!" Napailing si Margaret. "Pero bigla kong naalala, balita ko kay Matt, si Marie may boyfriend na daw. Pero, hindi buntis yun. Kasama natin si Marie. Kung buntis yun, nagsabi na. Hindi maglilihim nang ganun satin yun."
"Ano? Si Marie may boyfriend na?" parang na-cancel ang Pasko ni Magnus.
"Magnus, 27 na si Marie. Hindi na bata yun. Ba't ganyan ang hitsura mo?"
"Alam kong hindi na bata si Marie. Nagkausap-usap kasi iyong faculty noong Christmas Party. Napaalala sa akin ng isa sa mga kasamahan kong titser na tumatanda na iyong mga bata."
"O, ngayon?"
"Bigla akong nalungkot. May nagtanong kasi sa akin kung excited na ako na umalis sa poder natin iyong mga bata. Natulala ako kasi hindi ako excited."
Naramdaman ni Margaret na tila may kakaiba sa dibdib niya. Umikot siya at humarap kay Magnus. "Magnus, ano ba yan. Oo, aalis yung mga bata someday, pero nandito pa sila. 27 pa lang si Marie. 21 pa lang si Matt."
"Alam ko. Pero nagi-guilty ako. Bakit hindi ako masaya? Hindi ba dapat masaya ako bilang ama kung napalaki natin sila nang tama at naihanda natin sila para makapagsarili?"
Nang marinig ni Margaret ang mga sinabi ni Magnus at makita ang mukha nito, pakiramdam niya kulang sa hangin ang kuwarto. "Magnus, ano ba yan!"
"Ilang araw na akong nagbabasa dito sa www.PekyanFinds.com kung ano ang gagawin. Wala namang naitulong. Lalo lang akong nalungkot. Puro post ng mga magulang na nalulungkot din ang nabasa ko. Alam mo ba, iyong ibang magulang pala, kahit may okasyon, hindi na nakikita iyong mga anak nila. Sabi ng isang magulang doon, kapag may isang nawala na, sunod-sunod na iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi tayo kumpleto ngayong Pasko. Nawawala na si Matt," huminga nang malalim si Magnus at nahiga.
YOU ARE READING
Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)
Short StoryAno ang "Parang Tanga?" Iyon bang may pumitik ng kulangot na pagkalaki-laki tapos tumapal sa talukap ng mata mo. Iyon bang nagshu-shoot ka ng piping baso ng pinagkikiaman sa basurahan ng masungit mong titser, kaso humarang iyung ulo niya. May podcas...