15 - Ticket

286 10 1
                                    

NAKAKAWIT ang braso ni Meika kay Trina habang naglalakad sa gilid ng kalsada.  Papunta sila sa kabilang barangay kung saan nakatira ang best friend niya dahil mayroong inuman bilang selebrasyon ng kaarawan ni Mami Karl. It wasn’t that big or too formal, so she did not bother dressing up that much. Kung naka-tokong jeans at tank top si Trina na napapatungan ng oversized yellow basketball jersey, siya naman ay naka-itim na bulaklaking shorts lang at spaghetti-strapped tiered ruffle top na kulay pink. Nakalugay ang itim niyang layered na buhok na may side fringe.

It was already September. Makalipas ang lagpas isang buwan ay nakaraos kahit papaano sina Mami Karl at Trina mula sa trahedyang hatid ng pagkakasunog ng bahay at beauty parlor ng mga ito. Kaya naman talagang dapat mag-celebrate ang mga ito para sa ipinagkaloob ng Diyos na ikalawang buhay at panibagong taon sa buhay nila, lalo na ni Mami Karl.

Nang marating ang maliit na up-and-down na bahay ay masisilip na sa loob ng beauty parlor sa ibaba nito ang mga bisita ni Mami Karl. Bukas ang transparent glass sliding door nito kaya rinig na rinig ang kanilang halakhakan. Nagmistulang isang mamahaling sala ang maliit na waiting lounge ng parlor kung saan prenteng nakaupo sa mga leather sofa at ilang monobloc chair ang mga tao rito. Nagsiksikan ang mga ito sa isang sulok dahil nakatalaga ang kabilang sulok ng espasyong iyon para sa pupuwestuhan ng maliit na videoke machine na nirenta at hinihintay na lang na maidala sa parlor.

Ang ikinabigla ni Meika ay ang presensiya roon ni Resty. Nakaupo sa arm rest katabi nito si Mami Karl. Para bang anak nito si Resty kung subuan ng isang stick ng isaw o inihaw na bituka ng manok habang tuwang-tuwang naghalakhakan at nagtilian ang tatlo pang bakla na mga staff nito sa beauty parlor na kanilang kasama.

Ang tatlong parlorista ay sina Beki, Nini, at Diyosa. Mala-krema ang kulay ng balat ni Nini. Ang makinis nitong kutis din ang paborito nitong parte ng katawan kaya mahilig mag-short shorts at spaghetti top ang bakla katulad ng suot nito sa pagkakataong ito na denim short shorts at yellow spaghetti tank top. Unat na unat ang itim nitong buhok. Her lips were tinted red and her eyebrows were thin and sharp, making her look strict. Personality na nito ang magtaray-tarayan bilang pagbibiro.

Mahinhin naman si Diyosa. Tahimik at laging talaga ‘I second the motion’ sa mga sinasabi ng mga kaibigan nitong parlorista. Naka-jeans ito at fitting graphic T-shirt na pink. Naka-bob cut ang blond nitong buhok at walang makeup sa mukha. His upper lip protruded a bit because her upper teeth were big. Bilugan at maamo ang mga mata nito, at malinis ang pagkaka-pluck ng manipis nitong kilay.

Si Beki naman ang pinakamasayahin sa tatlo. Ito rin ang pinakamadaldal. Hindi ito mapirmi sa puwesto kaya palaging may ginagawa kapag nakadadaupang-palad. Gayunpaman, palagi itong nagme-make time para makipagdaldalan. Naka-short shorts ito at puting crop top shirt kaya minsan ay sumisilip ang pusod nito. Malaki ang mga mata at ilong nito at malapad ang manipis na mga labi. Katulad ni Diyosa ay morena ang balat nito at makinis pero maikli ang buhok nito, kapareho lang ng hair cut ng kay Resty.

Bago nasunugan ng bahay, si Mami Karl at Trina lang ang tumatao sa beauty parlor. Ngunit dahil sa kakulangan ng maipangpupuhunan, at nagkataon na nasunugan at kailangan din ng mapagkakakitaan, naging magkakasosyo ang apat na bakla para maipatayo uli ang beauty parlor.

“Huwag kayong mga malisyosa! Anak ko na ’tong si Resty, ’no?” natatawang panlalaki ng mga mata ni Mami Karl sa nanunuksong mga kaibigan ito. Sa okasyong ito, naka-shorts at may kaluwagang orange T-shirt lang si Mami Karl. Pang-emo ang hair cut ng bagsak nitong itim na buhok na may mahabang side fringe na halos tumakip sa kaliwa ng mukha nito kaya inipit nito ang fringe para makakita nang maayos gamit ang isang pink na headband.

“May pasubo pa kasi ng isaw, e, binata na iyang junakis mo!” halakhak ng isa sa mga bisita.

When Meika glanced at Trina, she caught her friend rolling her eyes.

ScoopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon