13 - Resty's Revenge

428 11 1
                                    

PAGKATAPOS magkape ni Resty ay umalis na ito agad kaya hindi na naabutan sa bahay ni Aling Mika. Meika simply told her Trina and her mother that she already rejected Resty and her reason for that.

Ibinalik din niya sa binata ang bucket ng fried chicken na dala nito kaya dumeretso silang mag-nanay ng tulog noong gabing iyon.

Two weeks passed by without getting any news from Nesty. Kaya naman inisip ni Meika na tapos na ang anumang interaksiyon sa pagitan nilang dalawa.

Maybe, Resty realized that she was right—he wasn’t sure about his feelings for her so that might mean he wasn’t in love with her at all.

Or maybe, Resty confirmed that he really was in love with her. But since she already rejected him, he decided to keep things that way and refused to pursue her further.

It was already July. Ilang araw nang maulan kaya naman mga sopas o ulam na may sabaw ang madalas na menu sa karinderya nina Meika. Para na rin makaiwas sa hassle na biyahe kada umaga, maramihan na ang mga sangkap na binibili ni Meika. Iyong sasapat para maipang-stock sa loob ng isang linggo nang hindi nabubulok o nasisira. Dahil dito, napakarami niyang dalang plastik pagbaba mula sa jeep. Mabuti na lang at kahit makulimlim ay hindi pa bumabagsak ang ulan, dahil wala siyang pangatlong kamay na magagamit panghawak ng payong.

Nilakad niya ang kalsada papasok sa kanilang barangay hanggang sa marating ang tapat ng pinto ng kanilang payak na bahay. Nilingon niya muna ang karinderya at nang makitang naroon sina Aling Mika at Trina na mukhang maayos na nakakakilos, lumapit na siya sa pinto. Natigilan lang siya nang sumulpot mula sa kaniyang likuran ang nakababatang kapatid—si Mickey. He was already thirteen, second year in high school. He wore an oversized black T-shirt and a loose green basketball shorts.

There was this sharpness in the shape of his eyes. Unlike Meika’s pouty lips, his’ were thin, narrow. His skin had a deeper shade of brown, thanks to his basketball playing hobby. Pareho sila na matangos ang mga ilong at itim ang unat na buhok. Nauuso sa taong 2006 ang emo-style ng buhok kaya ganoon ang pagkaka-istilo ng mahabang buhok ni Mickey na itim na itim at may side bangs na tumatakip sa kaliwang mata nito. Nabibiktima ang kapatid niya ng libreng pagupit ng patilya tuwing unang araw ng buwan sa eskuwelahan, pero matigas pa rin ang ulo nito at panay ang pahaba sa buhok. Kung hindi lang ipinagbabawal sa eskuwelahan nito ay nagpa-red o purple highlights na rin ang binatilyo.

“Ako na riyan, ate,” ako nito sa pagbibitbit sa ilan sa kaniyang mga pinamili.

“Mabuti naman at naisipan mo akong tulungan. Aba, kanina pa kita hinahanap para samahan akong mamalengke!”

“Sorry na, ate. Naunahan ka nila Jeric, e. Niyaya na nila ako mag-basketball sa covered court bago mo pa ako niyaya.”

“Wow, naunahan pa nila ako sa lagay na ito? E, ’di alas-kuwatro pa lang pala ng madaling-araw nasa basketbolan na kayo?”

Pinagbuksan siya ni Mickey ng pinto ng bahay bago ito naunang pumasok kasama ang ilan sa mga plastic bag. “Siyempre, kung alas-sais pa kami pupunta ro’n, marami na kaming kaagaw sa covered court na mga naglalaro at mga nagpapaaraw ng sanggol.”

Nakasunod lang siya kay Mickey patungo sa maliit nilang kusina na konektado lang din sa sala. Bago pa siya nakasagot sa itinuran ng kapatid ay naunahan na naman siya nito.

“Dapat kasi sinagot mo ’yong manliligaw mo. E, ’di siya sana tagabitbit ng mga pinamalengke mo!” natatawa nitong biro.

“Ay wow! Tagabitbit lang ang kailangan ko, e, bakit kailangang boyfriend-in ko pa ’yon? Puwede namang ikaw na kapatid ko na lang ang tagabitbit ko,” ganti niya ng pang-aalaska rito.

Nginisihan lang siya ni Mickey pagkalapag ng mga plastic bag sa mesa nila na berdeng linoleum na nilagyan ng thumb tacks ang cover. “Sige, ’te, pang-hapon na ang pasok ko sa school kaya magre-ready na ’ko.”

ScoopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon