5 - Invitation

479 17 0
                                    

MAY isang bahay sa Marikina na tatlo ang palapag at may rooftop na maraming mga halaman at chicken wire na bakod. Dikit na dikit ito sa dalawang kalapit-bahay na isa at dalawa lang ang mga palapag dahil sinagad ng mga may-ari ang pagsakop sa espasyo ng lupain nila sa isang subdivision. Dahil makitid, wala nang iba pang paraan para mapaluwag ang bahay kundi ang magdagdag ng dalawa pang palapag dito.

Nasa unang palapag ang isang maliit na gate patungo sa hagdan na ginagamit para marating ang dalawang mas mataas na mga palapag. Narito din ang isang de-aircon at de-sliding door na salon. Nasa ikalawang palapag naman ang sala, banyo, at kusina. Sa ikatlong palapag ng bahay na ito matatagpuan ang isa sa mga silid tulugan na powder blue ang theme color mula sa mga unan at bedsheet, hanggang sa mga gamit na naka-setup sa study table nito.

Ang silid na ito ay pagma-may-ari ng isang dose anyos na dalagita—si Reka.

She has beautiful black hair, silky and straight. Alagang-alaga ito lalo na at libre itong nakakapagpa-salon sa beauty salon sa unang palapag ng bahay. Hindi naman ginagamitan ng harsh chemicals ang buhok ni Reka, lalo na at hindi naman kailangan, kaya walang dapat ipag-alala. Her skin was smooth and brown. She has a round body shape—chubby, not stout—that wore a pale blue pajamas and a loose scoop neck white shirt with powder blue neck and sleeve rings. The roundness of her delicate face with thin, bow-curved brows, pouty pinkish lips, and sleepy-looking eyes made her look more delicate and baby-faced.

Kasalukuyang nakaupo sa tabi ng saradong dark-tinted na sliding window si Reka Fondejar. Nakasuot siya ng purple cat-ear headphones na umiilaw-ilaw at nakikinig sa isang ballad song habang sinasabayan ito ng pagkanta.

. . . and if I wait, will it even matter? If I wait, will it be worth it? If I wait to be saved . . . will I ever taste this freedom that’s in my hands right now?” Her mouth suddenly dropped open. Natanaw niya kasi ang pagguhit ng dalawang linya ng liwanag mula sa bandang kaliwa ng kalsada.

Unti-unting lumaki ang ilaw at humalili rito ang isang itim na kotse. All at once, Reka knew that her father has arrived.

In-on ni Reka ang hawak na smartphone at nabasa mula sa screen nito na mag-a-alas-dose na ng gabi. Her father arrived early. Kadalasan kasi ay inaabot na ito ng madaling araw mula sa biyahe. Tuwing Biyernes kasi, pagkatapos nito mag-broadcast sa studio tuwing gabi ay naghahapunan pa ito bago bumisita sa kaniya.

Naihilig ni Reka ang ulo at ini-pause agad ang music player. Ibinaba niya ang mga paa na nakapatong sa cushioned bench sa tabi ng bintana. Tatayao na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto.

Reka rushed to the door and opened it. Bumungad sa kaniya ang kaniyang Mommy Trina. Nakasuot ito ng itim na tank top at bulaklaking shorts na halos kumikiskis ang mga dulo sa tuhod nito. Tinutuyo pa nito ng tuwalya ang basang mahabang buhok.

“Reka, abangan mo na sa ’baba ang daddy mo,” nagmamadaling bilin nito sa kaniya. “Huwag mong paghintayin at alam mo namang uuwi rin agad iyon pagkatapos ninyong magkita.”

She nodded in response and closed the door of her bedroom. Lumabas siya sa isang pinto, bumaba sa hagdan at binuksan ang pinto para sa ikalawang palapag. Pagkarating sa sala at napaungot siya. Nakalimutan niya kasing buksan ang gate. Hindi naman kasi ipinaalala iyon sa kaniya ni Mommy Trina. Lumabas tuloy uli siya at bumaba ng hagdan hanggang marating ang gate. Habang binubuksan ito ay tumayo sa harap nito, mula sa labas, ang malaking bulto ng isang lalaki. He was wearing a black hoodie, but Reka could already tell that it was his father.

Bahagyang nagyuko siya ng ulo nang mabuksan ang gate. She stepped aside so that her father could get in. He stepped in quickly and climbed the stairs ahead. Nagmamadali tuloy na ini-lock ni Reka ang gate para masundan agad ang ama sa sala.

ScoopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon