This story is dedicated to my friend, this story is for you, Chiya. Love lots! <3
Paalala: Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad ng pangalan ng tao, lugar o pangyayari ay nagkataon lamang. Pagpapala!
HAMPAS ng hangin ang natatamasa ko ngayon mula sa nakababang wind shield ng Van na aking sinasakyan. Papunta ako ngayon sa isang makasaysayang lugar sa Pilipinas. Isa ring lugar na puno ng mga alaala ang iniwan ko sa lugar na iyon.
Nang huminto ang Van, binuksan ko ang pinto, agad na bumungad sa akin ang lumang simbahan ng Lungsod ng Las Piñas. Ang estilo ng arkitektura nito ay isang earthquake baroque style. Ito ay tinaguriang 'National Cultural Treasure of the Philippines' noong taon 2003. The Parish of St. Joseph Bamboo Organ Church of Las Piñas City.
Una kong pinuntahan ang istatwa ng mga padre, may nakasulat rito na Padre Diego Cera. Gamit ang camera na nakasukbit sa leeg ko, kinunan ko ito ng litrato. Atsyaka ako bumaling sa 'Bamboo Museum' at kinunan din ito ng litrato. Pumasok ako ro'n, may ilang mga tao rito na gaya ko ay kumukuha ng litrato. Kinunan ko ng litrato ang isang frame ng litrato ni Padre Diego Cera, ang bumuo ng simbahang ito. Marami pang mga bagay rito, ang iba ay mga paintings, lumang litrato, malaking kampana, mga lumang bamboo pipes, giant bellows, priestly chairs, at iba pang gamit na gawa naman sa kawayan. Lahat ay makaluma, ramdam ko ang pagiging makasaysayan ng lugar na ito at masarap balik-balikan.
Nakatingala naman ako ngayon sa tapat ng simbahan, mula rito rinig ko ang musikang inililikha ng simbahang ito. May nagpapatugtog sa loob. Sa ganitong Oras? Sa pagkakaalam ko ay walang misa ngayon.
Pumasok ako sa loob at sa pagpasok ko, maraming instrumentong yari sa tubo ng kawayan at tubo ng bakal, nasa gilid ng simbahan makikita, doon nagmumula ang musika na patuloy na tumutugtog. Kakaiba ang tunog nito, iba sa lahat ng musikang naririnig natin sa araw-araw o sa t'wing Linggo sa ating pagsisimba. Para kang diwata na nagbabantay sa isang gubat, kung saan maririnig mo ang awiting kalikasan.
Kinunan ko ng litrato ang lalaking nagpapatugtog mula sa itaas, nakatalikod ito sa perspektibo ko. Sunod na humarap ako sa simbahan, naglakad ako papalapit. Isang imahe ni Saint Joseph ang nasa itaas, sa ibaba nito ay ang panginoong Jesus na nakapako sa krus. Kinunan ko ito ng litrato, gayundin ang altar at priest chair.
May maliit na hagdan sa harapan ko, tatlong hakbang bago makaakyat sa altar. Humakbang ako. Unang hakbang napahinto ako sa paghinto ng musika. Masyadong payapa pakinggang ang musika kaya bakit itinigil?
Lumingon ako sa itaas kung saan may lalaking nakatayo at tila titig na titig sa akin. Namangha naman ako sa pagkakasunod-sunod na pagbukas ng mga chandelier. Muli kong tinignan ang lalaki, pinagmasdan ko ito nang mabuti hanggang sa unti-unti kong natamo kung sino ito. Napatigil ako.
Hindi ko lubos matanggap kung paano ito nangyari. Kung ganun, ang lalaking nagpapatugtog ng musika ay ang taong naging parte na ng buhay ko.
Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko, may namuong luha sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na muli ko siyang makikita matapos ng sampung taon. Sampung taon na ang nakalipas no'ng una ko siyang nakilala. Sa sadlit na panahon na iyon, binigyan niya ako ng masasayang alaala. Alaala na akala ko ay madali lang limutin.
He gave me the best memories but I gave him worst, I vanished.
BINABASA MO ANG
Our Best Memories (UNDER REVISION)
Teen Fiction*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic Moments upon meeting him again after 10 years.' Chelsie went back to Las Piñas City after she left 10...