Kabanata 18

16 10 0
                                    


     MUGTONG-MUGTO ang aking mga mata nang gumising ako. Walang siglang bumango at nanlulumong lumabas ng kwarto. Hinatid ako ni Paolo kagabe, siguro umalis na siya nung nakatulog na ako.

     "Surprise!" Mugtong mugto man ngunit bumilog ang mga mata ko.

     "Happy birthday, Chelsie!"

     "Happy birthday, Che!"

     Isa isang pagbati nila sa akin. Ako naman ay nagtataka at hindi makapaniwala. Birthday ko pala ngayon? Isa pa, may pasok ngayon kaya anong ginagawa nila rito?

     Lahat sila ay nakapang birthday hat. Si Ella ay may hawak na balloon at pito, si Jia ay may bitbit na dalawang regalo gayundin si Tim habang si Roy at Kayla ay may bitbit na banner. At nagtama ang mga mata namin ni Paolo na may bitbit na cake.

     "Happy birthday.... mahal ko." Bati niya sa akin na may halong napakatamis na ngiti.

     Inilayo ko ang tingin upang punasan ang luha ko. Kagagaling ko lang sa iyak, pinapaiyak ulit nila ako. Sa muling pagharap ko, inayos ko ang sarili ko. Tumikhim at malapad na ngumiti sa kanila.

     "Huwag niyong sabihin lahat tayo rito ay absent sa School?"

     "Obvious na 'yun, ano ka ba! Inimbitahan mo kami 'di ba?"

     "Paolo called us." Sambit ni Tim dahilan para sipatin ko si Paolo.

    Bigla namang tumikhim si Ella. "Ang mabuti pa girls," ibinigay niya kay Tim ang bitbit niya, "tulungan nating bihisan si Chelsie and make-over. Tara!"

    Hindi pa ako nakakapagreact, hinila na nila ako palayo kina Paolo. Pinaligo muna nila ako bago sinimulan ang pagm-make over.

     "Let's all welcome! Our birthday celebrant, Chelsie!"

     Doon ako lumabas nagpakita sa kanila. Lahat sila ay nakatuon sa akin habang dahan dahan akong bumababa. Formal dress ang suot ko, fishtail ang pagkakatali at may slight na make up.

     Habang bumababa, napansin ko si Paolo na tutok na tutok ang kanyang mga mata sa akin, unti-unti itong lumalapit hanggang sa iniabot niya ang kanyang kamay na siyang inabot ko rin. Inalalayan niya akong bumaba at dinala sa gitna kung saktong may musikang tumugtog.

     Can I have This Dance Highschool Musical 3

     Mabuti nalang at naituro na ito sa amin kung kaya't basic na sa'kin ang mga steps nito.

     Sa pagsabay namin sa musika, ang aming mga mata ay hindi nalayo sa tingin ng isa' isa. Tingin na nagpapahiwatig kung gaano kami kahalaga sa isa't isa.

     Sunod-sunod nila akong isinayaw hanggang sa si Paolo muli ang muling nagsayaw sa akin. Pero sa ngayon, ay may hawak itong pulang rosas. Inabot niya ito sa akin, hindi na ako nag-isip pa at kinuha ko ito.

     "Hindi ko naman debut. Bakit niyo 'ko isinasayaw at may pabulaklak ka pa?"

    "Gusto ko lang maging espesyal ang araw mo, Chelsie. Gusto kong maging masaya ka. Alam kong iyon din ang gusto ni tito. Ang maging masaya ang kaarawan mo."

     Natigilan ako sa sinabi niya. Pero naisip ko rin, tama siya. Tiyak akong ito ang kagustuhan ni papa. At ngayong kaarawan ko, hiling kong gumaling siya.

     Unti-unti akong humakbang papalapit kay Paolo at binigyan ko siya ng isang matamis na yakap. Hindi mahigpit, kundi katamtaman at ramdam mo ang pagiging magaan at masarap sa pakiramdam. Dahil gusto kong iparamdam sa kanya na maswerte ako dahil mayroon akong Paolo na nais akong pasayahin.

      Si Ella ang naunang kumanta, You Belong With Me by Taylor Swift. At dahil favorite kong kanta iyon, tumayo ako upang makisabay, rosas ang ginawa kong mikropono.

So, why can't you see?
You belong with me
You belong with me

     Sa araw na iyon, halos nalimutan ko ang bagay na bumabagabag sa akin. Ang tanging nagawa ko lang, ay ang i-enjoy ang aking kaarawan kasama sila.

     Matapos ng party, tulong-tulong kaming nagligpit ng bahay bago sila magsi-uwian. Habang kami ni Paolo, naghahanda dahil pupunta kami sa Ospital.

     "Tara na?" Aya ni Paolo ng matapos siya sa pag-aayos ng gamit.

     Nilingon ko muna ang paligid, sinisigurado na wala na akong nalimutan pa na dapat dalhin. Nang matiyak ko ito, tumango ako.

     "Mama!" Sinalubong ko si mama ng isang yakap.

     "Happy birthday, anak ko."

     "Salamat po." Humiwalay ako.

     "Naging masaya naman ba ang araw ng anak ko?"

     "Opo. Salamat po sa mga kaibigan ko at..." nilingon ko si Paolo,"kay Paolo."

     "Salamat sa'yo, Paolo, anak. At pasensiya ka na, anak, kung wala ako ro'n, hindi ko kasi p'wedeng iwan ang tatay mo e." Napalingon ako kay papa na mahimbing na natutulog sa kama.

    "Ayos lang po 'yun, ma. Naintindihan ko po."

    Huminga ng malalim si mama. "Pero syempre, hindi ko malilimutan ang regalo ko sa'yo. Surprise!" Namilog ang bibig ko sa ipinakita ni mama at hindi ko maiwasan maluha. Cellphone ang regalo ni mama, ang cellphone na matagal ko ng hinihiling sa kanila. Paniguradong pinag-ipunan nila ito dahil hindi sila makabili sa dami ng gastusin lalo na ngayon na kami ay nangungupahan.

     ****

     "Papasok ka bukas?" Tanong ko habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan. Para kay Paolo ang tanong na iyon, narito kami sa hardin ng Ospital, nakaupo sa bench.

     "Oo, ikaw?"

     "Hmm...hindi ko alam. Siguro..."

     "Chiya, pumasok ka dahil kailangan. Graduating tayo hindi ba? Huwag kang mag-alala, susunduin kita at ihahatid."

     Hinarap ko siya at binigyan ng tingin na hindi niya mababasa. Unti-unti, ihiniga ko ang ulo ko sa kanyang braso.. Hindi na ako nagsalita pa, tanging dinamdam ko lamang ang gaan na nararamdaman ko kapag kasama ko siya.


Our Best Memories (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon