"PARA saan 'to?" Takang tanong ni Kayla.Ngumisi 'yung lalaki. "Ano pa ba? Para sa'yo, my apology rose for you. I'm sorry about yesterday."
May pa Ingles Ingles pang nalalaman, hindi niya alam natatakot kami sa paraang iyan. Hanggang ngayon ay may suot pa rin siyang helmet, nakaluhod pa rin ito habang hawak hawak ang pulang rosas.
"I-I'm sorry, pero... hindi ko matatanggap 'yan." Agad na hinila ako ni Kayla matapos niyang sabihin iyon, ngunit hindi kami pinagbigyan daan ng mga nakapalibot sa amin.
"Miss, huwag kang pa-hard to get, baka mas lalong mainlove sa'yo si boss niya." Wika nung lalaking humarang sa amin. Hawak nito ang helmet niya sa kanang bahagi, at ngumunguya ito ng bubble gum.
"P-pwede ba!" Inis na singit ko. "May klase pa kami! Tabe!" Tinulak ko 'yung mga nakaharang at nakaalis naman kami ro'n.
"Miss!" May sumulpot sa harap namin, 'yung 'boss' kuno nila. Kinuha niya ang kamay ni Kayla, nilagay do'n ang rosas. "Take this, my apology rose." Matapos niyang sabihin iyon, agad kong hinatak si Kayla palayo. Mal-late na talaga kami!
Nilingon ko 'yung lalaki na sinusundan kami ng tingin. Apology rose? Saan niya nakuha iyon? Apology rose na pala ang uso ngayon hindi na apology letter.
"Kilala mo ba sila?" Tanong ko kay Kayla habang palinga-linga ako sa likod. Baka kasi sumunod pa.
"H-hindi. Ngayon ko lang sila nakita pero... isa lang ang alam ko patungkol sa kanila." Kumunot ang noo ko. "M-mga... gangster sila." Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon, napahinto rin siya.
Alam kong totoong mayroong gangster, pero hindi ko lubos akalain na makakatagpo kami ng tulad nila. Nakakatakot.
Pagpasok sa eskwela, hindi naman naninita ang gwardiya at nagpapasok pa. Lakad takbo kaming dalawa papuntang silid at...
"Ep! Ep! Ep! You're late!" Nakapamaywang na bungad sa amin ni ma'am Sara, ang guro namin sa asignaturang Ingles.
"You can't enter the room 'cause I hate late comers. You're 20 minutes late!"
"Ha!?" Agad akong napatakip bibig nang maibuga ko iyon.
"Ha!? Ha!? Ha!? Are you shouting at me!?" Napailing ako habang hawak ko pa rin ang bibig ko.
"Then get out! Bahala kayo sa buhay niyo! Sa susunod na late kayo, drop out! Napatango tango kaming dalawa at umalis sa lugar na iyon.
Siya si ma'am Sara, ang mataray na guro namin sa Ingles kahit na pintura lang naman o drawing lang ang kilay niya. Sara pa man din ang pangalan pero para siyang si Miss Minchin.
"Kainis naman kasi! Pahamak 'yung mga lalaking 'yun!" Salubong ang kilay na pagkakasabi ko. Narito kami ngayon sa gilid ng court, dito kami napadpad.
"Sorry." Napalingon ako kay Kayla. "Nadamay ka pa." Halata sa itsyura niya ang konsensiya.
"It's okay, hindi mo naman kasalanan." Sabi ko upang maibsan ang konsensiya niya. Salubong ang kilay ko nang iwan niya ako.
"K-kayla! Saan ka pupun-" Napahinto ako. Tinapon niya ang rosas sa basurahan.
"Ang sabi ko, ayokong tanggapin!" Sigaw niya iyon at malakas na tinakpan ang basura. Humarap siya sa akin at ngumiti. Napangiti rin ako sa ginawa niya.
"Ang ingay naman." Nawala ang ngiti namin sa isa't isa at parehong hinanap namin kung saan nagmula ang tinig na iyon.
"Roy? Kanina ka pa nandiyan?" Nasa gilid siya ng malaking puno, hindi namin ito napansin kanina.
BINABASA MO ANG
Our Best Memories (UNDER REVISION)
Teen Fiction*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic Moments upon meeting him again after 10 years.' Chelsie went back to Las Piñas City after she left 10...