Kabanata 16

13 9 1
                                    

     NGAYON ay buwan ng Setyembre, napakabilis pala ng panahon o siguro masyado lang akong naging busy sa pag-aaral at kay Paolo. Sa pagpasok, hindi man ako masundo ni Paolo gaya ng iba magkasintahan, naihahatid namin niya ako pauwi. Hindi man bongga ang mga date namin, sulit naman dahil masaya kami. Madalas nga lang double date, ako at si Paolo, at si Kayla at Roy. Madalas sa lugawan, pasyalan, sa fishbulan, o sa simabahan  mga lugar na pinupuntahan namin.

     "Smile!" iyan ang bukang bibig ni Paolo at Roy sa amin, sila ang kumukuha ng litrato. Si Paolo gamit niya ang camera niya, si Roy gamit ang selpon niyang Nokia.

     Inaya nga pala namin silang dalawa rito sa simbahan para masaya. Halos kanina pa kami walang sawang kumukuha ng litrato, sa ganda ba naman ng simbahang ito ang sarap sulitin at balik-balikan, lalong lalo na ang musikang inililikha nito. Syempre hindi namin malilimutan ang magsimba rito, ang dami nga ng tao sa t'wing Linggo hindi lang dahil araw ng pasimba, kundi dahil sikat itong simbahan na ito.

****

     "Late na ako!" sigaw ko pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko. Napanaginipan kong late na ako at eto, late na nga ako.

      Masyado atang napasarap ang tulog ko kagabi, sa sobrang sarap napahaba at ngayon ay mahuhuli na ako sa klase.

     "Ma, alis na ako!" hindi ko na hinintay pa ang tugon ni mama sa halip ay kumaripas ng takbo.

     Pagpasok ko sa loob ng eskwela, nagpahinga muna ako ng kaunti at nang makahinga na ng maayos, inayos ko ang pagkakatayo at nagsimulang maglakad. Limang metro palang ang layo ko sa silid, may humatak sa akin.

     "Si ma'am Sara ang teacher ngayon, h'wag ka ng tumuloy." si Paolo.
     "Ganun ba?"

     "Sabi ko na nga ba't malelate ka." nakangiting saad nito.

     "Bakit?" salubong ang kilay na tanong ko, tila ba wala akong ideya sa sinasabi niya. Ngunit nang maalala ko ang kagabi, "aaaah...hehe." napahawak ako ng leeg ko at pasimpleng kinilig sa nangyari kagabi.

     Alam na kasi niya ang telephone number namin kaya kagabi tumawag siya kahit na magkasama palang kami no'ng umaga. Dinala ko nga sa kwarto ang telepono dahil nahihiya ako sa harap ni mama. At iyon ang naging dahilan kung bakit kami nalate ngayong araw.

     "Talagang nagdala ka ng asin!?" halos mahulog ang panga ko sa nakikita ko ngayon. "At may dala ka pang plato!" dagdag ko pa nang maglabas si Paolo ng plato na gawa sa plastik.

     Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng mangga, kakatapos niya lang kumuha ng mangga at ngayon ay inilabas niya ang asin at plato. Ang binalatan naman niyang mangga, sinawsaw saw asin at kanyang kinain. Nahawa naman ako sa itsyura niyang maasim at natawa.

     "Tikman mo din." aya niya at umiling ako.

     "Ayoko, wala pang laman ang tiyan ko."

    "Hindi ka nag-almusal?" may halong pag-aalalang tanong niya.

     Umiling-iling ako, "as in kagigising ko lang, hindi na ako nakapag-almusal pa,"may nakita akong alambre.  Pinulot ko ito at tumayo.

     "Anong gagawin mo?"

     Ningitian ko lang siya. Gamit ang patalim ng alambre na ito, nagsimula akong umukit sa puno. Ang inukit ko ay ang pangalang Chiya.

     "Sino si Chiya?"

    "Ako." sagot ko. "Chiya ang tawag sa akin ng mga pinsan ko." Bigla namang tumayo si Paolo, kinuha ang alambre na hawak ko at siya naman 'tong umukit sa puno, sa ilalim ng pangalan ko.

Our Best Memories (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon