Kabanata 8

13 9 1
                                    

     "NAMUMULA ka pa rin." Usal ni Paolo.

     Nakaupo kami ngayon sa labas ng convenient store, may table rito sa labas kaya dito kami puwesto, dahil na rin sa hangin, may payong naman kaya hindi mainit. Apat kami, katabi ko si Paolo habang sa kanan ko naman si Kayla kung saan katabi niya si Roy.

     Nakayuko ako ngayon dahil ayokong ipakita ang namumula kong mukha, iyon ang sabi ni Paolo at siguro nga totoo. Kanina pa niya ako inaasar kaya hindi ako makatingin. Pasimple ko namang tiningnan si Kayla na nakapangalumbaba pero sa akin nakaharap. Nahihiya rin siguro siya kay Roy, kanina pa siya ganyan at hindi man lang hinaharap si Roy. Dumako naman ang mata ko kay Roy, walang pinagbago ang pagkakaupo.

     Umaalingawngaw ang katahimikan sa pagitan naming apat nang lumapit sa amin yung cashier ng convenient store.

    "O, eto," nilagay nito ang dalawang tray sa mesa namin. "Tsk! Tsk! Tsk! Self service 'to, kaya nasaan ang tip ko?"

    "Eto," inabot ni Paolo ang pera at kinuha iyon nung lalaki, "salamat 'pre."

     "Walang anuman, 'pre, enjoy your date."

     Enjoy your date? Mukha ba kaming nag-eenjoy sa sitwasyon na 'to? Halos walang kibian at nakaupo lang, hindi namin alam kung anong gagawin.

     "Kumain na kayo habang mainit pa ang pagkain." Sambit ni Paolo. Narinig ko naman ang ingay ng plastic ng isang siopao na kinuha ni Paolo. "Oh," inabot niya ito sa akin dahilan para sumalubong ang kilay ko. "Kunin mo na." Kinuha ko naman iyon.

     "Salamat." Pasalamat ko.

     "Kumain ka na rin." Dumako naman ang mga mata ko kay Roy na agad kumagat ng siopao.

     Muli akong yumuko, pinagmasdan lamang ang siopao at pinisil pisil ito.

     "Anong ginagawa mo? Ba't ka naglalaro riyan?" Nilingon ko si Paolo. May kung ano naman ang pumasok sa isip ko kaya ningitian ko siya, ngiting may binabalak. Napahinto siya sa pagnguya, binigyan niya ako nang nagtatakang mukha.

     Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ko, dinakma ko ang pisngi niya, pinisil pisil ko iyon at iniling iling. Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan.

     "HAHAHAHAHAHAHA! Mukha ka pa lang siopao e! Paolo the siopao! HAHAHAHAHAHAHA!"

     Hindi ko alam kung bakit tawang tawa ako, maliit na bagay ang OA kong tumawa. Mukha nga naman siyang siopao. Ngayon may pang-asar na ako.

     "HAHAHAHAHAHA!" Mas lalo akong natawa at pinanggigilan ngunit napahinto ako nang hinawakan niya ang kamay kong nasa kanya pisngi, ang tawa ko ay napalitan ng gulat. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ramdam namin ang hininga ng bawat isa.

     "Masdan mo ako," usal niya at tinitigan niya ako mismo sa mga mata, walang kurap, samantalang ako ay walang tigil sa pagkurap at nakailang lunok.

     Bigla naman ngumisi si Paolo, "namumula ka ulit." Dahan dahan niyang binaba ang kamay ko at lumayo sa akin.

     Natulala ako sa malayo. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha. Sang'gre Pirena, parang awa mo na, huwag po! Masyadong mainit!

     "Baka magkainlove-an na talaga kayo niyan?" Salamat naman ang nagsalita si Roy, pero hindi kami sumagot. "Ikaw naman," baling niya kay Kayla, "huwag mo nang hahayaang makalapit siya sa'yo, delikado. Magpapanggap pa rin na 'tayo', dahil hindi ka talaga titigilan ng lokong 'yon. Baka kung ano pang magawa niya sa'yo."

     Hindi nagsalita si Kayla, pinagmasdan lang niya ang pagkasinsiredad ni Roy na ngayon ay sa malayo nakatingin. Ganun nga siguro nakakatakot ang lalaking iyon gaya ng sabi ko. Hindi kaya mga gangster talaga sila?

Our Best Memories (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon