INILAYO ko ang mukha ko, mukhang maging siya ay hindi inaasahang ganun kalapit ang aming mga mukha. Bakit ba kasi sinabi pa niya iyon? Bakit kailangang ilapit ang mukha? Ang awkward tuloy."Uuuuuuy! Kayo ha? Anong meron sa inyong apat? Atsyaka, bakit parang close na close na agad kayo? Wala pang one week ang klase may nangangamoy ng malangsa. Mukhang 'di kami belong ni Jia, halika na nga Jia! Umalis na tayo." Biro ni Ella at tumayo sila.
Bigla namang dumating si aleng Nina na may bitbit na dalawang tray. "Saan kayo pupunta?" Tanong ni aling Lina. "Akala ko ba ay may gagawin kayo?" Nilapag nito isa-isa ang mga lugaw na agad tinulungan ni Roy.
"M-meron nga po, hehe." Nahihiyang sagot ni Ella at umupo silang dalawa.
"O siya, kumain muna kayo. May bayad na 'yan ha?" Baling sa amin ni aleng Lina.
"Ano pong ibig niyo sabihin?" Salubong ang kilay na tanong ni Ella.
"Nagdate kasi ang apat na 'to, hindi ko na pinagbayad dahil nakakahiya naman at dito dinala ng anak ko ang shota niya."
"'Nay naman!"
"Pero ayos ba rin iyon nang makilala ko siya. Kay gandang binibini nga ang nabighani ng anak ko, "hinawi hawi niya ang buhok ni Kayla. "Gayundin ang shota ni Paolo." Ako naman ang tinutukoy niya. Awkward na napangiti na lang kami kay aleng Lina.
Sang'gre Danaya, ilubog ako sa lupa ngayon na!
"O, siya. Kumain na at may customer pa ako." Saad ni aleng Lina at umalis.
Awkward na nagkatinginan kami sa bawat isa, sina Ella at Jia ay nagtataka pa rin at walang kaideya ideya, ngunit binigyan kami ni Ella na nang-aasar na tingin.
Tumikhim si Roy. "K-kumain na tayo." Wika niya sabay subo ng kutsara, pagkadampi nito sa kanyang bibig, nabitawan niya ito." M-mainit pa pala, hehe."
Kumain kami ng lugaw nang tahimik, maliban kay Ella na kanina pa dada ng dada, puro siya tanong ang tungkol kahapon, naikwento na tuloy namin ang totoong nangyari dahil sa kakulitan niya. Hindi naman daw siya magsusumbong maliban na lang kung sa sobrang daldal niya ay madulas siya. Iyon ang hinihiling ko na huwag sana.
"Ano na ba ang gagawin?" Tanong ni Roy dahil wala pa siyang ideya sa gagawin. Dahil dun, sinabi ko ang bawat detalye na aming gagawin. Nagsimula na rin akong mag-assign ng kanilang bawat gawain. Sinabi ko ako na ang magsasagot sa tanong sa isang scratch paper, tinutulungan din naman nila ako. Si Paolo naman ang magsusulat no'n, maganda raw sulat ayon sa kanya.
Sina Roy, Ella at Jia ay ang gumagawa ng disenyo para sa gawa namin. Si Ella naman ang ini-assign ko na magrereport ng gawa namin tutal bagay naman sa kanya.
Nang matapos kami, alas dos na pala, nililikom namin ngayon ang aming mga kagamitan. "Salamat sa oras niyo," sinusuot ko ang bag, "tara na." Kumawit ako sa braso ni Kayla.
Apat kaming naglalakad palabas ng palengke, nauuna sina Ella at Jia habang kami ni Kayla, usad pagong kung ikukumpara.
"Bagay kayo." Biglang saad ni Kayla. Salubong ang kilay nang nilingon ko siya.
"Ha?" Painosente ko.
"Kayo ni Paolo, bagay kayo." Nakangiting sambit niya.
"Hahahahaha! Anong pinagsasabi mo? Hindi kami bagay, tao kami." Pamimilosopo ko.
"Hahahaha! Baliw! Ang ibig kong sabihin bagay kayo ni Paolo na maging couple. Ang kyut niyong tignan kanina."
"Tss!" Singhal ko at hindi na nagsalita pa.
Bagay kami ni Paolo? Hindi ko maimagine. Kyut kaming tignan? Ang awkward nga nung nangyari kanina tapos sasabihin niyang ang kyut tignan? Nakakaloka ang mga imahinasyon ni Kayla.
Nang makalabas kami sa palengke, may nakita kaming mga lalaki na kabababa lang sa motor. Sila yung mga gunggong na gangster. Ano ang ginagawa nila rito? Hindi kaya sinundan nila kami? Kung oo, hanggang dito pa naman guguluhin kami.
Nagkatinginan kami ni Kayla, agad na nagtago sa dalawang ale na nasa harapan namin. Para kaming sindikato na nagtatago mula sa mga pulis. Lumiko ang dalawang ale dahilan lumiko rin kami. Dire-diretsyo lang ang lakad ko, ngunit laking gulat ko nang nawala si Kayla sa tabi ko. Napalinga linga ako sa pagilid hanggang sa makita ko siya. Hawak nung lalaking 'boss' kuno ang braso ni Kayla, nagkatitigan ang dalawa. Mas matangkad ang lalaki kung kaya't nakatingala si Kayla.
Ngumiti yung lalaki. "Sa tingin ko tinadhana tayong dalawa, akalain mong isang hiling ko lang na makita kita, granted na agad."
Bumitaw si Kayla at agad akong lumapit kanya. "Kayla..."
"Na sa iisang bayan lang tayo kaya magkikita't magkikita tayo." Wika niya. Tinalikuran namin yung lalaki at umalis.
"Grabe ang tama nung lalaki sa'yo, may nalalaman pang tadhana."
"Hayaan mo siya, titigil din iyon basta't iwasan natin." Muli naming nilingon ang lalaki iyon, nakatayo pa rin siya ro'n, sinusundan kami ng tingin habang may malawak na ngiti. Kumaway pa ang loko. Ang lakas nga ng tama niya. Bilib din ako sa ganda ni Kayla, para siyang bida sa isang pelikula o sa isang istorya, na kung saan nainlove ang gangster sa isang napakagandang babae.
****
BIYERNES ngayon at mga naka-P.E kami. Narito kami ngayon sa court at pinagjojogging ng dalawang ikot sa court.
"Bagal mo." Sulpot ni Paolo sa gilid at mabilis na nauna sa akin.
Hingal na hingal na ako ngayon kalahati pa lang ng court, masyado 'atang malawak ang court o sadyang mahina lang stamina ko. Siraulo rin kasi mga kaklase ko, biruin mo, jogging daw pero lahat sila tumakbo, kaya tumakbo rin ako. Kaya lang nabigla ko 'ata at mabilis na mapagod. Ako tuloy ay nagpag-iiwanan, marami rin naman kaming napag-iiwanan kaya hindi ako nag-iisa.
"Aaah!" Huminto ako, napahawak sa tagiliran ko dahil sa kirot. Hindi ko kayang ituloy kaya naisipan kong maglakad na lang habang hawak pa rin ang tagiliran ko.
"Ayos ka lang ba?" Biglang sulpot na naman ni Paolo pero sa ngayon, sinasabayan niya ako.
"O-oo. Ang bilis mo naman? Pang-two laps mo na 'yan?" Tanong ko.
"Tss." Imbis na sagutin ako, sininghalan lang ako.
Pagkatapos no'n, ang buong akala ko ay iiwanan na niya ako, ngunit isang bagay ang ginawa niya na hindi ko inaasahan. Hinawakan niya ang wrist ko, hinatak niya ako at sabay kaming tumatakbo ngayon. Hindi mabagal, hindi rin mabilis, katamtaman lang.
Sa mga oras na iyon, literal na nakikipagkarerahan ang puso ko. Nakikipagkarerahan ito sa takbo namin ngunit mas lamang ito. Ang mga paligid ay naglaho, tila kami lang ang tao rito.
PARANG NAG-DÉJA VÚ.
BINABASA MO ANG
Our Best Memories (UNDER REVISION)
Teen Fiction*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic Moments upon meeting him again after 10 years.' Chelsie went back to Las Piñas City after she left 10...