Kabanata 5

22 10 0
                                    


     SABAY kaming naglalakad ni Kayla ngayon papasok ng eskwela. Habang naglalakad kanina, nakita ko siya agad kaya nilapitan ko siya at sinabayan sa paglakad papasok sa eskwela.

     "Sa tingin niyo hindi tayo mahuhuli?" Prankang tanong ko kay Kayla.

     Kinakabahan kasi ako na baka malaman ng principal na nagcutting class kami, at 'pag nagkataon, yari ako sa magulang ko. Bagong lipat pa naman ako at ganun ang ginawa ko.
     "Huwag kang mag-alalala, gaya nang sabi nila, hindi tayo makikilala." Kalmadong sagot ni Kayla pero alam kong kabado rin siya, ramdam ko 'yon.

     May naririnig na naman kaming ingay ng motor, nilingon namin iyon. Naku, ayan na naman sila. Ano ba ang trip nila, ang aga aga ang ingay nila. Nang dahil sa kanila nalate kami kahapon at nakapag-cutting class pa. Ginigigil nila ako.

     "Tara!" Agad akong hinatak ni Kayla at tumakbo  Hindi na ako nakapagreak at kusang nagpahatak. Alam ko kasing gusto niyang iwasan ang mga sigang 'yon at gayundin ako.

     Tuloy tuloy ang takbo namin hanggang sa pagpasok sa school, huminto lang kami nung nakapasok na kami sa aming silid. Pareho kaming naghahabol hininga.

     "Problema niyong dalawa?" Nilingon ko ang nagsalita, si Paolo. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at nakabag pa rin. Mukhang kakapasok lang din niya, isa 'ata siya sa mga estudyanteng nadaanan namin kanina.

      "May.... may mga siga kasi at tinakbuhan namin." Hinihingal na sagot ko. Nang mahimasmasan ang aking paghinga, tumayo ako at pumamewang. "Napaaga ka 'ata?"

     "Maagang nagising e... pero mukhang late yung isa." Mayroon siyang tinignan, nilingon ko iyon, ang pwesto ni Roy at wala pa siya.

     Muli kong binalik ang tingin kay Paolo, saktong humikad ito at lumapit sa pwesto niya. Pagkaupo nito, hiniga niya ang kanyang ulo. Napailing-iling ako dahil sa pagiging antukin ng lalaking ito.

      Kami naman ni Kayla ay umupo na rin sa aming pwesto, saktong dumating ang guro at nagsimula na ang klase. Sa paglipas ng oras, napansin ko naman na walang Roy na dumating. Hindi 'ata talaga papasok.

     "Bakit nga pala hindi kayo pumasok kahapon? After kayong palabasin ni ma'am Sara, ay hindi na kayo bumalik pa."

     Napalunok ako sa tanong ni Jia, tanong na may halong panghihinala. Pasimple kong nilingon si Kayla na napalunok din.

     "Uhm..." Hinarap ko si Jia, "sumakit kasi ang tiyan ko kaya umuwi na ako, hehe." Walang kwentang dahilan ko.

     "Aaah," napatango tango si Jia, binalik niya ang tingin sa lalaking kano at hindi na siya nagtanong pa.

     Nakahinga ako ng maluwag, gayundin si Kayla. Mabuti na lang at busy si Ella sa katitig dun sa kano dahil kung hindi, baka prankahin kami nun.

     Last subject namin ay Filipino, may reporting na ipinapagawa sa amin kaya naman nagtipon tipon kami.

     "Saan tayo gagawa niyan?" Panimulang tanong ni Kayla. Assignment ang pinagpagawa sa amin, pinagtipon tipon lang kami kung paano namin ito gagawin. Supposedly, ngayon dapag namin gagawin, pero limang minuto na lang at uwian na kaya naging takdang-aralin na lang.

     Lahat daw ng myembro kailangang gumawa, kaya kailangan namin ng lugar na kung saan pwede kaming gumawa. At bilang lider, dapat atasan ko sila isa-isa ng gawain, kaso wala akong tiwala sa dalawang lalaki, mukha kasing sila yung estudyanteng talagang hindi gagawa lalong lalo na si Roy.

     "Sa lugawan na lang tayo." Biglang suggest ni Kayla.

     "Lugawan? Baka naman kakain lang tayo dun?" Si Ella.

     "Kakain muna tayo 'tas gagawa tayo pagkatapos." Sagot ni Kayla.

     Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Kayla at doon niya naisip, marami pa namang customer dun at baka maging sagabal lang kami. Nakakahiya naman kay Roy.

     "E si Roy? Alam niyo ba ang bahay niya? Kaila—"

     "Sige doon na lang tayo." Pagpuputol ni Jia sa itatanong ni Ella, mukha na naman kasing mag-iinterview. "Basta hindi tayo nakakaabala." Dagdadag pa niya.

     Napatango tango ako at ang mga um-agree sa suggestion maliban kay Paolo. Tinignan tuloy namin siya ng nagtatanong na tingin.

     "Hahahahaha! Sige sige. At huwag kayong mag-alala, makakapagstay tayo nang matagal ro'n." Tinignan ako ni Paolo sa mga mata at kinindatan. Mukhang pinapahiwatig nito na 'ako na ang bahala, tiwala lang'.

     "Magandang tanghali, tita." Bati ni Paolo pagdating namin sa lugawan.

     "Paolo? Magandang tanghali rin sa inyo, anong meron at naparito kayo?" Bati ni Manang Lina, naka-apron na pula.

     "Meron ho kaming gawain sa eskwela, ayos lang ho ba kung dito kami gagawa?"

     "Aba'y, oo naman. Basta doon kayo umupo sa lamesa natin, baka masita kayo kapag sa iba kayo umupo." Babala nito sa amin.

     Ang tinutukoy niya ay ang lamesa na may palatandaan, may nakasulat dito na 'Otap'.

     "Salamat ho, tita. Si Roy ho nasaan? Kailangan niya rin pong gumawa, kagrupo ho namin siya."

     "Oo nga pala, hindi nakapasok si Roy dahil nalate ng gising. Teka lang ha? Naghuhugas pa siya ng plato, maupo muna kayo at papapuntahin ko na lang ito kapag natapos na siya sa paghuhugas."

    "Sige ho." Gaya nang sabi ng ina ni Roy, pumunta kami sa table sa umupo ro'n.

     "Lugawan ni Roy iyon?" Agad na tanong ni Ella pagkaupo.

     "Mm." Tipid na sagot ni Paolo.
     "Kung ganun sino si Otap? Lugawan ni Otap ang nakasulat e." Muling nagtanong si Ella ngunit walang pumasin sa kanya.

     Namayani ang katahimikan. Maya maya pa lamang ay lumabas si Roy na nakaapron, naglakad ito papalapit sa amin, tumabi ito kay Kayla.

     "Hey, babe."

     Lahat kami ay nanlaki ang mga mata sa narinig namin. Tinawag niyang 'babe' si Kayla? Napanganga si Ella at napatakip ng bibig, si Kayla naman ay hindi alam kung ano ang irereak.

     "Hahahahaha!" Tawa ni Roy. "Kapag nandito ka, shota kita. 'Yun ang alam ni mama e. Hahahahahaha!" Muling tawa niya. "S-sorry." Sambit niya nang mapansin niyang siya lang ang tumatawa.

     "Kung ganun babe din kita?" Napalingon ako sa tabi ko, so Paolo.

     Hindi ko inaasahan ang narinig ko mula sa kanya, pero ang mas lalong hindi ko inaasahan ay malapit lang ang aming mukha sa isa't isa. Pagkalingon ko masyadong malapit ang mukha niya, ramdam namin ang bawat hininga at muntik nang magdampi ang aming mga labi.

     Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang nakikipagkarerahan. Masyadong mabilis, at aaminin ko ang naramdaman ko sa mga oras na ito.

NAKARAMDAM AKO NG KILIG.

Our Best Memories (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon