"ARAY ko! Nangangalay na ako, huhuhu!" Reklamo ko.Nandito kami ngayon sa loob ng library kung saan pinarusahan kami ng principal gamit ang dalawang libro sa magkabilaang palad namin. Dalawang minuto na kaming ganito at ngalay na ngalay na ako ngayon.
"Magtiis ka, hindi naman nila kinuha mangga natin, atin na iyon." Saad niya animo'y wala siyang kahit na anong nararamdaman.
"Makasalanan ba ang kumuha ng mangga? Hindi naman tayo nag cutting pero pinarusahan pa rin tayo dahil lang sa mangga?"
"H'wag ka nalang maingay, baka may makatinig sa'yo."
"Masakit na talaga, e!"
"H'wag ka nga sabing mainga—"
"Ibaba niyo na," sabay kaming napalingon sa pintuan, ang principal. Pumasok ito, "ibaba niyo na ang libro, ayos na ang tatlong minuto."
Agad kong lumapit sa lamesa, binaba ro'n ang libro at nakahinga ako ng maluwag. Shinake shake ko naman ang dalawang braso ko.
"Hindi ko naman kayo pinarusahan dahil sa mangga." Sumalubong ang noo ko sa sinabi ni mr. Principal.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"I allowed students and teachers na kumuha ng mangga sa punong iyon. So, the punishment is not because of that." Pumameywang ito. "I knew that both of you were the two students that I saw running away from school before. Actually, apat kayo."
Napalunok ako. Paano niya nalaman iyon? Sabi ni Siopao hindi niya daw kami makikilala pero paano niya nalaman na kami iyon? Alam niyang apat din kami.
"P-paano niyo po nalaman?" Muli kong tanong na nauutal pa kasi kinababahan ako. Kung alam na ni Mr. Principal, tiyak na ipapatawag niya ang mga magulang namin, at ibig sabihin lang no'n, malalaman nila. Lagot ako nito huhuhu.
"Nalaman ko kay ma'am Sara, apat daw ang pinaalis niya sa klase niya dahil late na kayo pumasok. I asked the names of those students and that's how I knew."
"K-kung ganun... i-ipapatawag niyo ho ba ang magulang namin?"
"Nope. Atsyaka, kung oo, sana matagal ko nang ginawa. Maupo kayo." Umupo ito sa isang upuan, sa table na parisukat. Umupo rin kami sa harap niya. "Kakasimula lang ng klase at alam kong transferee ka kaya pinalagpas ko, pero... sa susunod na mauulit iyon, wala na kayong kawala pa. Naiintindihan niyo?"
"O-opo."
"Opo." Si Siopao na ngayon lang nagsalita at kalmadong kalmado lang.
"Good. Sige na," tumayo ito, "bumalik na kayo sa classroom niyo."
"S-sige po," tumayo na rin kami, "salamat po."
"Akala ko ba hindi tayo mahuhuli?" Agad na tanong ko kay Siopao nang makalayo na kami. Nandito kami sa hagdan, bumababa.
"Nahuli tayo, hindi lang nakita mukha natin." Huminga ito nang malalim. "At gaya ng sabi niya, nalaman niya kay ma'am Sara."
"Bakit late kayo? O, nagdate kayo?" si Roy.
"NALATE NANG GISING." Sabay at eksaktong salita ang sagot namin ni Siopao. Napalingon naman kami sa isa't isa at parehong hindi inaasahan iyon.
"Nice, nice! Mukhang malapit niyo nang totohanin, a?"
"Totohanin ang ano?" Biglang singit ni Ella.
BINABASA MO ANG
Our Best Memories (UNDER REVISION)
Teen Fiction*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic Moments upon meeting him again after 10 years.' Chelsie went back to Las Piñas City after she left 10...