AGAD kong tinanggal ang dalawa kong kamay at nahihiyang tumingin dito, doon, sa taas at kung saan saan basta h'wag lang malinga sa kanya."M-m-maliligpit na ako." Awkward na nilinis ko ang lamesa, halos nalilito pa nga ako kung saan ko ilalagay ang mga ito dahil sa pagkatarantang nararamdaman ko, wala namang dahilan para mataranta. Bakit ba kasi ginagawa ko iyon? Ang tanga ko lang dahil pwede ko namang sabihin sa kanya at siya na ang magpunas. Engot.
"P-p-puntahan ko lang si Kayla." Rinig kong aniya.
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, nakikipagkarerahan na naman sa hininga ko. Oo, hinihingal din ako sa hindi malaman na dahilan. Siguro dahil sa nataranta ako, nataranta ako sa kahihiyan.
Maya maya pa'y dumating na sila. "Nandito na kami!"
"Sold out, miss Chelsie!" Si Timothy.
"Mabuti naman kung ganun." Sabi ko.
"Makikiraan..."si Paolo na bitbit ang isang tray.
"Salamat!" Nilapag niya ito sa lamesa. Sumunod naman sa kanya si Kayla na may bitbit din.
"Tulungan na kita," presinta ni Roy kay Kayla. Gaya ng sabi ni Roy, tinulungan niya itong magbuhat at sabay na inilapag sa lamesa.
"Thanks."
"Tikman niyo na." Sambit ko.
"Huh?""Tikman niyo na, may icing si Paolo, kung gusto niyong lagyan, lagyan niyo. Napakasarap niya promise!"
"Talaga? OMG! Tara!"
"H'wag niyong ubusin, bibigyan pa natin si ma'am." Dagdag ko pa at umupo sa isang silya, pinanuod ko lang silang kumain.
Habang kumakain sila, si Ella lang ang maingay, dinadaldal niya si Timothy, sinubuan pa nga ng cake na siyang tinanggap naman ni Timothy. Si Paolo naman ay abot langit ang ngiti at pinagmamalaki niya na siya ang gumawa ng icing. Sakto lang naman ang tamis ng icing, hindi sobra.
Kinabukasan, nagbigay si ma'am ng pahayag ukol sa mga gawa namin. Sa lahat daw ng gumawa sa seksyon namin, kami ang may masarap na cupcake. Chocolate kasi sa iba, sa amin ay cheese para maiba naman. Nakakaumay na rin kasi ang chocolate hindi gaya ng cheese.
"Congrats sa atin guys!" Bati ko sa kagrupo ko.
"Yeah! Thanks to you!" Si Timothy.
"Ano ka ba, Timothy. Thanks to us because this is our work."
"I know, and stop calling me Timothy. Tim na lang for short." Napatango tango ako sa sinabi niya nang may tumikhim. Si Ella.
"Baka naman.... magcelebrate tayo."
Napaisip ako sa suggestion ni Ella, "hmm? Sure! Gamitin natin ang pera na kinita natin. Kaso... ayos lang ba sa inyo?"
Ang kinita namin ay malaki, sabi ng guro namin ay paghatian daw ang mga kinita namin sa grupo, at maswerte daw kami dahil malaki ang kinita ng grupo namin.
"Oo, naman! Ano saan tayo? Jollibee?"
"Jollibee! Yey! I want to eat there!" Si Tim.
"Okay. After class." Sagot ko sa kanila. May dumating na na guro kaya naman lahat kami ay ngsiharap na sa blackboard.
"Wow! Jollibee!" Siga ni Ella, tumakbo ito papunta sa statwa ni Jollibee. "Picture tayo dali!" Aya niya sa amin at agad na naglabas ng cellphone na Nokia, may keychain ito na feather at maliit na bear. "Tayong tatlo muna Jia at Tim! Dali!" Sa kakulitan ni Ella, lumapit ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Our Best Memories (UNDER REVISION)
Teen Fiction*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic Moments upon meeting him again after 10 years.' Chelsie went back to Las Piñas City after she left 10...