HER HEART'S DESIRE 02

0 0 0
                                    

"Sabay tayo mamaya ha?" paalala ni Kathleen at kumaway na paalis.




I waved back at her before entering my classroom, my eyes immediately landing on the last row of seats where Crimson was sitting, near the window.




Wala sa sariling napangiti ako.





Nahihiyang lumapit ako sa kaniya, buti nalang at abala ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga ginagawa.





"Uhm, hi." Tinapik ko ang kaniyang balikat. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya.




He turned his head to look at me blankly, his right eyebrow slowly lifting in confusion.




I smiled. "Hi, I'm Vivienne." bati ko at inilahad ang palad ko para makipaghand-shake.





Hindi siya kumibo at tinignan lamang ang palad ko bago binalik ang tingin niya sa mukha ko. Tumango siya at binalik ang mga mata niya sa window.





Napangiwi ako at binaba ang kamay ko. Well, that was embarrasing.


Pumasok ang susunod namin na guro kaya umupo na ako sa designated seat ko. I sat down on the seat infront of Crimson, dahil malapit iyon sa bintana at dahil nasa likod ko lang rin si Crimson.






"Okay, class dismissed." Saad ng professor namin at agad naman na nagsitayuan ang mga kaklase ko at nag-uunahan pa patungo sa pintuan, halatang gusto nang umuwi.

Nang makita ko si Crimson na tumayo at naglakad na patungo sa pintuan ay agad kong kinuha ang bag ko at mabilis siyang sinundan.




"Uh, aalis ka na?" I asked, starting to create a conversation with him.




It was my chance to finally talk to my crush, siyempre hindi ko ito palalagpasin.





Hindi sumagot si Crimson, nakapamulsa lamang siya at diretso ang tingin sa dinadaanan namin.




"Sa school bus ka ba sasakay?" Tanong ko ulit, nakatingin pa rin sa kaniya. Napanguso ako nang hindi pa rin sumasagot ang binata.





"Hello? Naririnig mo ba 'ko?" Kinawayan ko pa ang mukha niya, dahilan upang lumingon siya sa akin.



I grinned.

"Susunduin ka ba? O sa school bus ka sasakay?" Pagtatanong ko ulit sa kaniya.




Crimson sighed before shaking his head, binalik niya ang tingin sa daan at naglakad ulit.

Her Heart's DesireWhere stories live. Discover now