"Ah, my beautiful girl." Dad complimented me as I walked downstairs.
I wore a simple white above-the-knee off-shouldered corest dress that clung to my figure just enough to emphasize my waist. Nakalugay lang ang medyo kulot kong buhok, and I've only put light makeup on my face so I won't look pale.
"Kay gandang bata talaga
ng anak mo, Ross." nakangiting saad ni tito Damian habang pinagmamasdan ako at si Dad."Kanino pa ba magmamana kung hindi sa mama niya?" Dad chuckled as he pulled my mother's waist, si tito Damian naman ay hinawakan din ang kamay ng kaniyang asawa na si tita Katherine.
"Nakakainggit naman kayo," Bulong ko. "Si Kathleen po, nasaan?" Tanong ko, kaya natuon naman ang atensyon nila sa akin ulit.
Tito Damian laughed softly as he realized Kathleen is missing beside them.
"Hay nako, iyong bata'ng 'yon." napailing siya sa sariling anak. "Baka nasa kusina na iyon, hija." I thanked him and silently walked off as the adults continued their conversations.
At tama nga si tito Damian, dahil pagpasok ko sa kusina ay ang likod agad ni Kathleen ang nakita ko.
She was standing in front of the kitchen counter that was filled with sweets and treats. Ang kamay niya ay hawak ang isang plato na puno ng brownies, mini cupcakes, at cookies.
She's a big food lover, lalo na sa sweets. Kahit anong pagkain ay kinakain niya talaga kapag binigay mo sa kaniya. Ang lakas ng metabolism niya kaya hindi siya tumataba kahit sa dami ng kinakain niya.
Ngumunguya pa siya at halatang masaya siyang kumakain, buti nalang at hindi nadumihan ang blue sundress niya.
"Huy!" Panggulat ko sa kaniya, agad naman siyang nabigla at napatalon pa sa gulat.
"Ay palaka!" She gasped.
Napatawa naman ako sa reaction niya. "Ang OA mo naman." I said between my laughs.
"Ba't ka kasi nanggu-gulat?" Inis niya akong kinurot sa bewang kaya't napa 'aray' naman ako.
"Eh kasi—" pinutol niya ang sinabi ko.
"Mama mo!" She huffed.
I sighed, I couldn't help but chuckle as I remembered her reaction again.
"Kain ka kasi nang kain, kaya hindi mo napapansin paligid mo."
She glared at me, chewing aggressively on her cupcake.
"Ano ba kasi 'yon?" asik niya. Napangiti naman ako nang maalala ang iku-kwento ko.
"Eh, ito na nga..." Panimula ko at kinalabit ang braso niya.
"Si Crimson...Ang gwapo niyang ngumiti!" I giggled. Kathleen's eyebrow rose in confusion.
"Ah, nakakangiti pala siya?" napasimangot naman ako. Kahit kailan talaga ay killjoy siya pagdating sa mga crush ko.
"Of course! He's not a robot naman para hindi ngumiti." depensa ko.
Kathleen scoffed and rolled her eyes as she commented, "Well he does seem like a robot sometimes." hinampas ko ang braso niya kaya napadaing siya. Mahina lang naman 'yon, OA lang talaga ang kaibigan ko.
"Girls, enough bickering." Napaayos kami ng tayo dahil sa marahan ngunit ma-awtoridad na boses ni mama, nahihiya kaming napayuko. "Halina kayo't umupo, dinner will be served in just a few minutes." Dagdag ni tita Katherine at inalalayan kaming umupo.
"So, Vivienne, I heard there's going to be a charity ball and event week sa school niyo?" Tanong ni tito Damian habang ang lahat ay abala sa pagkuha at pagsubo ng pagkain.
I nodded and gulped down my food.
"Yes po, tito. Pero matagal pa naman, next month pa namin aasikasuhin. " I smiled, every third month of the school year kasi ay may charity ball kaming ginagawa. The amount that we get from the ball is donated to the orphanage na sponsored ng paaralan namin.
It's a one week event din, at open ang school para sa kahit sino'ng bisita mula sa ibang schools. There's different kinds of programs and activities na ang makukuhang pera ay didiretso sa kung ano'ng charity case ang napili ng SSG at School board.
"Ooh, I heard Kathleen is playing the violin during the ball?" tanong ni dad, tumango naman si Kathleen. "Yes po, pero hindi lang ako ang tu-tugtog." Kathleen looked at me with a knowing smile and encouraging nod.
I pursed my lips before talking once again, "A-Actually, I'll do a piece in front of the whole school during the ball." nahihiya kong saad, mukhang lahat naman sila, aside from Kathleen, ay nabigla.
Before I even knew it, my mom is already cheering with tita Katherine while dad is practically crying because of pride and happiness. Si tito Damian naman ay natawa nalang sa mukha ng kaibigan niya.
"We need to give them the most beautiful gowns!" My mom exclaimed, "Something elegant and clean!" tita Katherin added. One of the things na napagkakasunduan ni mom at tita Katherine ay ang hilig nila sa mga damit.
So kada playdate namin ni Kathleen with our moms, palagi kaming umuuwi na may mga bagong damit na ilalagay sa closets namin.
"She's going to finally showcase her piano skills, I feel proud." Madrama'ng pagkakasabi ni dad at hinawakan pa nga ang kaniyang dibdib.
"I'm sure she's going to be amazing." puri ni tito Damian, "Magkaroon ba naman ng talentado na magulang, talaga naman na magmamana ang anak." Dagdag niya.
My dad laughed, "Hay nako, Damian! Masyado mo akong pinupuri, ako lang 'to." I internally cringed, dad naman!
"I was actually reffering to her mom." my dad's smile immediately dropped due to tito Damian's remark.
Natawa naman sila mama at tita Katherine, kahit si tito Damian ay napatawa.
My dad sarcastically laughed along before hitting tito Damian's arm.
"Napakabastos mo," reklamo niya. "Pero tama ka. Talentando talaga ang asawa ko." my dad turned towards my mom and kissed her cheek, causing her to chuckle.
"Doon pa lang sa part na nahulog ako sa kaniya, talent na 'yon." halata naman na kinilig si mama.
At nag kwentuhan na nga silang apat tungkol sa nakaraan. They talked about their old days, and just by listening to it...Napakabibo pala talaga ng buhay nila noon.
Kami naman ni Kathleen ay busy sa pagkukwentuhan tungkol sa mga bagay sa school.

YOU ARE READING
Her Heart's Desire
RomansaA girl. A boy. A story of love. [Colors of Life series #1]