HER HEART'S DESIRE 01

7 1 0
                                        

VIVIENNE ROSE



Grabe. Napabuntong-hininga na lamang ako matapos kong lumabas sa pintuan ng classroom namin.





"Viv!" masiglang bati ng papalapit na dalaga sa harap ko. I smiled brightly at her, feeling ecstatic.





"Kamusta first day mo?" Tanong niya.





"Classmate ko si crush!" I giggled. Natawa naman ang kaibigan ko. She's Kathleen Gaza, my bestfriend ever since I was five.




She has been there through my ups and downs and has held my hand all throughout. Kahit noong nalaman niya ang kalagayan ko ay ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin, never niya akong tinuring na para bang bawat galaw ko ay pwede akong mamatay, which I'm really grateful for.





Naglakad kami patungo sa cafeteria, lunchbreak na kasi namin at ramdam ko na rin ang gutom matapos ang ilang oras ng pagpapakilala sa mga kaklase ko at sa mga guro.





As Kathleen and I walked through the crowded room of the cafeteria, I couldn't help but look for someone. My eyes longing to see his handsome features again.





At tila narinig ang panalangin ko, agad kong nakita ang lalaking nagpapatibok ng mahina kong puso. Si Crimson Red Enriquez.






"Uy, si Crimson iyon 'di ba?" kalabit sa akin ni Kathleen nang makita niya rin ang binata.





Nakangiti akong tumango sa kaibigan ko bago binalik ang mata ko kay Crimson.





Ang gwapo niya.





Umupo ako sa usual spot namin ni Kathleen, sa sulok kung nasaan ang bintana. I liked watching the view kasi, and also because from across our table, doon nakaupo si Crimson.






"Dito ka lang, ako na
mago-order para sa'tin." I nodded at Kathleen's words and told her what my order is before she left.




Agad naman na lumipad ang paningin ko kay Crimson na nakapila rin para kumuha ng pagkain niya.





He's a boy with light skin, grey eyes, and a tall build. And right now, he looks perfect with our school's uniform, white polo paired with our black vest and marroon tie. Naka-black trousers at black shoes din siya.






Nakaka-intimidate nga lang, palagi kasing nakasimangot at cold ang demeanor niya. Only a few people can talk to him because of that.





Ang pogi talaga ng future husband ko.





"Hoy!" Napaigtad ako sa gulat nang marinig ang boses ni Kathleen, nakabalik na pala siya at ngayon ay nailapag na ang mga pagkain namin.





"Aba, nakapila nako't lahat-lahat ta's nagde-daydream ka pa rin kay Crimson." Nagbibirong reklamo ni Kathleen nang makaupo na siya sa harap ko.







I giggled. "Hayaan mo na 'ko, alam mo naman na gusto ko siya since last year." I said.





"Aba, pwede mo naman 'yan gawin sa classroom niyo. Classmate mo na siya eh." Kathleen replied.





"Inggit ka lang kasi classmate ko crush ko!" Biro ko at tumawa.





Kathleen only rolled her eyes playfully at me as we started to eat. Siya busy sa pagkain habang ako naman busy sa pagsipat ng tingin kay Crimson habang kumakain.





"Ubusin mo 'yan nang makainom ka na ng vitamins." Paalala ni Kathleen habang nginu-nguya ang kaniyang pagkain.




"Opo Ma." I mocked, laughing as she glared at me playfully.

Her Heart's DesireWhere stories live. Discover now