HER HEART'S DESIRE 06

0 0 0
                                    




"Alright, class!" Our teacher knocked on her desk as she tried to get the class' attention, which she did.








Si Ma'am Antoinette, our strict teacher. Konting mali mo lang ay mapapagalitan ka na at sasabunin ng guro na 'to. At nambabagsak daw siya ng estudyante, you can't negotiate her into even giving you a seventy-five grade. Kung bagsak ka, bagsak ka talaga.









"We shall be having a report for your performance task." She gazed over all of us as she said those words.










Tinaas niya ang kamay niya na may hawak na mga flashcards.










"These are your names paired up with another student within the class, nandito na rin ang topic na idi-discuss ninyo." Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba at excitement.











Sana, sana si Crimson ang kasama ko.









"Once I call your names, you raise your hands. Understood?" Lahat kami ay tumango at mahinang pinagdarasal na sana kilala at kaclose namin ang magiging partner namin.












Nagsimula nang magtawag si Ma'am Antoinette at isa-isa rin na nagsisiyahan ang iba kong mga kaklase na na kapartner ang mga kaibigan nila.












"Hm, Vivienne Rose Acosta?" Napalingon ako sa harap at tinaas ang kamay ko. Our teacher nodded in approval before continuing. "You shall be paired up with..."










I had my fingers crossed as I prayed na sana si Crimson.









"Mister Alonzo." Saad ni Ma'am, I felt my whole body falter in disappointment. Binaba ko na ang kamay ko at napasimangot.











Lilingon na sana ako sa labas nang magsalita ulit si Ma'am Antoinette.










"Ah hindi, mali." I looked at her as fast as lightning. "Mister Alonzo, you'll be paired with Miss Beam. Vivienne, kayo ni Crimson ang magkasama."








It took me great strength to stop myself from squealing and cheering.









'YES! YES! THANK YOU, LORD!'








Nakangiti akong lumingon sa likod kung saan nakaupo si Crimson. He was already looking at me kaya mas lalo pa akong ngumiti samantalang wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya.











"I'll send your topics sa groupchat, doon niyo nalang tignan. Class dismissed." And with that, lumabas na si Ma'am Antoinette at nag-ingay na ang mga kaklase ko.










"Crimson!" Tawag ko sa binata na nasa unahan ko. Kinalabit ko ang balikat niya nang ma-abot ko na siya.










Nakasimangot naman niya akong nilingon. "What?" asik niya.









"Partners tayo." I grinned. Binulsa niya ang mga kamay sa kaniyang pantalon bago bumuntong-hininga.









"I heard." He shortly replied. I pouted.









'Hirap talaga kausapin ng taong 'to.'








I bit my lip before speaking. "Uh, well...If gagawin natin 'yung topic, sa bahay niyo ba or sa'kin?" Nangunot naman ang noo niya.








Her Heart's DesireWhere stories live. Discover now