"So...May nagpapatibok na pala sa puso mo, I heard." Pagsisimula ni mom sa usapan.
Nilingon ko siya, my hair sweeping across my face as the wind blows over. Nasa balcony kasi kami ngayon, madilim na at ang tangi na nagpapaliwanag sa paligid ay ang mga streetlights sa labas at ang ilaw sa hallway patungo sa balcony.
"S-Sino—"
"Kathleen told me." Mama chuckled as she cut off my question.
I pouted, kahit kailan talaga hindi mapagkakatiwalaan si Kathleen ng sikreto eh. Tsk.
"Are you mad?" Kalmadong tanong ni mama, her long silk nightdress softly moving along with the wind.
I shook my head and smiled softly.
"Hindi naman po, dapat sanay na ako sa mga ganiyan ni Kathleen." I laughed, remembering all the times na nagugulat nalang ako dahil alam na agad ni mama ang ibubulgar ko o kung anong nangyari sa'kin dahil sinabi na pala ni Kathleen sa kaniya.
Mama laughed alongside with me. Natahimik pa kami saglit bago siya nagsalita ulit.
"So, who is this boy that took my baby's heart, hm?" I smiled at how soft and gentle my mom's voice sounds like. Kapag nakita mo siya, talagang malalaman mong galing siya sa isang marangya at prestihiyosong pamilya, at kapag nagsalita siya, para siyang prinsesa.
"Si Crimson po." I confessed. Her eyes softly widened in surprise and amusement. "Crimson? Well that's a nice name." hirit niya.
Hindi ko na namalayan na nagsimula na pala akong magkwento kay mama tungkol kay Crimson, simula no'ng makilala ko siya hanggang sa mga interactions namin, kung anong klase na bata si Crimson, and many more.
"Maybe he's just shy." my mother said. I shrugged, "Maybe." I mumbled.
My mom suddenly held my hand, causing me to look at her in confusion. She just smiled and looked at me for a few moments.
"Gusto mo talaga siya?" It took me a hot minute before I nodded. Mama sighed and held my cheek before speaking.
"Just be careful, huwag mo saktan 'yang puso mo. Alam mo naman ang condition na meron ka." tumango ulit ako, simbolo na nauunawaan ko siya.
"O' siya, sige. Get inside na at malamig na, baka magkasakit ka pa." saad niya. I chuckled and hugged her before walking off to my room.
Hihiga na sana ako sa malambot kong kama nang makita ko ang notification ng phone ko.
Crimson Red Enriquez followed you.
Crimson Red Enriquez sent a message.
"Hala!" I gasped, sobrang saya ko na dumating sila mama na nakalimutan kong may dapat pa pala akong gagawin.
I cleared my throat before opening the message he sent on twitter.
_________________________________
CRIMSON RED ENRIQUEZred: hey.
red: Trauma and trauma responses ang topic natin.
Vivi: Oh, okay. Medyo hard pala.
Vivi: Kailan natin gagawin?
red: I'll tell you tomorrow nalang.
Vivi: Okayy, goodnight!
Crimson Red liked your message
___________________________________
I smiled softly. Kahit sa text hindi palasalita si Crimson. Pero atleast may convo na kami, so that should suffice.
I yawned, feeling my eyelids become heavier as each second passes by. Agad akong humiga sa napakalambot kong kama at nikumotan na ang sarili ko. After turning the lights off and saying my prayers, I've slowly let my self drift off to a peaceful sleep.

YOU ARE READING
Her Heart's Desire
عاطفيةA girl. A boy. A story of love. [Colors of Life series #1]