Gino's pov
"Good morning, mahal ko."
It was the morning after making love with Ian. Aalalahanin ko palang yung nangyari kagabi ay namumula agad yung mukha ko.
Lalo pa ngayon na katabi ko syang natulog. Hinalikan nya yung pisngi at noo ko.
"Hi, good morning."
"How's your sleep?" Tanong nito.
Nag init agad yung mukha ko sa tanong niya. "Good. Good.. just a little.. uhm, sore.." nag iwas ako ng tingin.
Tangina nahihiya talaga ko.
Mas lalo siyang lumapit sakin at niyakap ako. "I'm sorry." I shook my head and smile. "Gusto mo ba dalhin ko na lang dito yung breakfast natin? I can go dơw—"
I gave him a peck on his lips making him stop whatever he's saying. "I'm okay po. Hm? Everything's okay. Baba nalang tayo."
Wala nang nagawa si Ian kundi pumayag sa gusto ko. Naligo lang ako saglit sana kami bumaba. Nang nasa hagdan na kami ay nagmamadali syang bumaba. Nauuna sakin.
"I'll carry you on my back, love."
"Bakit? Wag na Ian. Ok lang ako."
"Please? I won't let you eat sige ka. Di kita papadaanin."
Nakailang hakbang kaming pasan pasan nya ako.
"Put me down na. Sabi ko naman kaya ko, parang tanga Ian."
Hinampas hampas ko pa yung braso nya pero hindi pa rin nya ginawa. Pasan nya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa restaurant ng hotel.
"I love you. I'll go get your food." He said, kissing my forehead. I smile and nodded.
"Buti ayos lang kayo bakla? Di kayo nag away kagabi?" Jimin asked.
"Wala naman syang kasalanan don. Ang mali ko hindi ko napigilan yung babaeng yun. Masyado akong kampante na hindi sya gagawa ng kalokohan."
Jimin rolled his eyes. "Sa itchura non, puro kagaguhan lang gagawin non."
"Hayaan na natin. Baka wala talaga pumapansin kaya nagpapapansin." Sagot ko naman.
"Oo nga eh. Kulang sa aruga." Natawa kaming pareho. "Oh eh anong eme nyo kanina at buhat buhat ka ng jowa mo aber?"
Mabilis na namula yung buong mukha ko. Dahilan para mapansin agad yun ni Jimin. Hinampas nya yung braso ko.
"Tangina kang marupok ka! Nagchuk-chakan kayo!??"
"Anong chukchakan?" Kunot noo kong tanong.
"Potacca edi sex."
Mabilis kong tinakpan yung bibig ni Jimin. "Puta, wag ka ngang maingay!"
"So ginawa nyo nga?" Halos pabulong na tanong nito. Tumango lang ako.
"Gaga!!! Sana all!!!!" Napatili sya at napatingin yung iba naming kaibigan samin.
"Wag kang maingay tangina naman Jimin eh!" Nahihiya kong sabi.
"Hahahaha! Sorry. Naexcite lang ako. Hala, anong feeling ante????"
I rested my chin on my palm. Memories of last night immediately went flashing back which made me smile and blush.
"Tangina ka ngayon pangiti ngiti ka dyan." Natutuwang komento ni Jimin. "Nakakatakot pala mainlove gagu."
"I don't know. It just feels right giving it to him, Jimin. It feels so right doing it with him. Wala akong ibang maisip na pwede kong pag alayan non. Sya lang, si ian lang." I said like I was daydreaming.

YOU ARE READING
Letters to my Bestfriend
RomansaJust your typical bestfriends-since-birth story but add a little complication on the side with the influence of alcohol, music, arts, and feelings- get to know how Gin and Lorenzo took their friendship into the next level. Or, will they?