Ian's pov
I arrived at the venue a little early. It was an outdoor set up at a garden of the orphanage. I guess Gino chose this place because of the kids. Dati pa man, malapit na sya sa mga bata. Gustong gusto nyang tulungan yung mga bata sa lansangan. Yung mga batang nagugutom sa kalsada habang palaboy laboy.Naghintay muna ako sa may di kalayuan. Pinagmamasdan si Gino. Kung pano nya kausapin yung mga bata. Kung pano sya ngumiti dahil dito. Ang sarap sa pakiramdam. Yung makita syang masaya. Bagay na dating nabibigay ko sa kanya.
I saw the little birthday boy gently running towards his Dada. With arms wide open, Gino welcomed Asher with that boxy, angelic smile of his.
Kapag ba bumalik ako Gino, tatanggapin mo? Tatawa ka rin kaya ng ganyan kapag ako naman ang niyakap mo?
I jolted a little when someone from my back poked me. Si Jimin.
"Ano kaya pa?"
"Ang alin?"
"Ang mahalin sya sa malayo."
"Kung hindi na talaga pwede, baka nga ganito na lang Jimin."
He sat beside me and tapped my shoulder. "Ano ba kasi nangyari sa inyo? Ok naman kayo noon ah."
I smiled bitterly as I look down. "Nanliit ako Jimin. Daig ko pa baldado. Lahat ng pagod nasasalo na ni Gino. Habang ako nandun lang, nakahiga. Nakaupo sa wheel chair. Kahit pumunta ng banyo hindi magawa ng mag isa."
I glanced at Gino again. His happiness opposed my grief. "Unti unti ko syang nauubos, Jimin. Ang tanga ko lang kasi mas pinili kong maging duwag. Nung araw na nalaman kong nagkakaproblema na sya sa grades nya, sa pagalit ng magulang nya, isa lang naisip ko non."
"Ang lumayo sa kanya. Tanggalin ang isang pabigat sa buhay nya." Nag umpisang mangilid ang mga luha ko. "Tangina hindi ko alam na ganito kabigat yung magiging kapalit."
YOU ARE READING
Letters to my Bestfriend
RomantiekJust your typical bestfriends-since-birth story but add a little complication on the side with the influence of alcohol, music, arts, and feelings- get to know how Gin and Lorenzo took their friendship into the next level. Or, will they?