.03.

49 0 0
                                        

Ian's pov

Balik na kami sa usual routine namin ni Gin. Ang sabay pumasok at sabay umuwi. Ang weird lang talaga pag hindi kami magkasama. Parang mali, parang may kulang.

Hindi na sya nagdala ng kotse. Usually naman talaga akin yung ginagamit namin. Minsan kotse, minsan motor.

Yung pustahan namin, hindi ko talaga balak seryosohin yun. Kaya ko syang ilibre anytime. Lahat ng cravings nyan ako naman talaga yung nagbibigay sa kanya.

But yesterday, Nikki messaged me. She's the one from college of tourism. Matagal ko na rin naman syang nakakausap. Sa chat, or any form of social media.

And she's been sending these signals na she likes me. Naisip ko na baka ok lang naman to get to know her? So when she asked if we can have breakfast yesterday, I said yes.

My phone keeps on beeping as I was driving to school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

My phone keeps on beeping as I was driving to school. Nakalagay yun lagi sa stand na nakadikit sa kotse. Napansin yun ni Gin kaya naman kinalabit nya ko at inabot yung cellphone.

"Kanina pa yan. Replayan mo nga. Baka emergency. Sino ba yan?" Tanong nya.

"Ikaw na magcheck." Sabi ko habang abala sa pagmamaneho.

He rolled his eyes when he opened the chat app and saw who messaged me. "Bukod sa gc ng pamilya nyo, Nikki Rodriguez nag message sayo. O sagutin mo!" Shoving my phone to my lap.

"Basahin mo nga kasi. Nagdadrive diba? Gusto mo mahuli tayo?" Binalik ko yung cellphone sa kanya. "Akala mo naman di mo binabasa mga messages ko dyan. Ikaw nga taga reply ko madalas sa mga message dyan!"

"Yoko nga! Maya bastos pala pinaguusapan nyo eh."

Natawa ako ng malakas. "Gago anong bastos? Hindi ah. Hindi kami ganon mag usap."

Umirap sya ulit saka nagsalita. "Edi wow, kayo na wholesome."

Gin has no choice but to open the message. "Kelan daw ulit kayo mag breakfast together? Ayun sabi nya! Tangina ang cocorny naman ninyo!"

Ginulo ko yung buhok nya at saka tumawa. "Corny ba? Reply mo nalang bukas kamo."

Tumingin ng masama si Gin sakin bago magsalita. "Bukas? Wala naman pasok bukas ah? Magkikita kayo sa umaga? Diba pag walang pasok iniikot natin si Bam sa village?" Sunod sunod na tanong nito. Yung kilay ay nakasalubong pa rin.

"Bat parang badtrip ka?" Kinurot ko yung ilong nya dahilan para mas lalo syang mainis. "Edi cancel na sya."

Gin made a face like he's disappointed and says, "De wag na. Tuloy nyo nalang yun. Next time na lang tayo nila Bam. Or kunin ko na lang sya sa inyo tapos kaming dalawa nalang ikot."

"Para kang tanga. Kahit kelan di kita kinancel hoy."

"Baka this time Ian dapat na? Malay mo sya talaga yung hinahanap mo." Sagot nito habang sa labas nakatingin.

Letters to my Bestfriend Where stories live. Discover now