ang aga ko kaninang umaga. kapag ganito ang pebo, naiguguhit ko sa hangin ang iyong pangalan.
ngunit hindi ko na maiukit ang hugis ng iyong ilong na minsan ay aksidente kong natatamaan dahil sa tangos at kung gaano ka-tim ang iyong mga mata sa tuwing tumititig ito sa akin habang nginunguya mo ang paborito mong baon na turon.
ang tanging naalala ko na lamang ay naglalakad na tayo pababa ng simbahan at nakikinig ka sa aking buhay na hindi mo inakalang sa akin pala. nang nanlabo na ang aking paningin dahil nabanggit ko na ang pangako ng aking ama, niyapos mo ako at bumulong sa pagitan ng aking hikbi,
“sa susunod... hindi na kita muling ihahatid sa tahanang kailangan mong tumanda upang tapalan ang sugat ng mga batang iyong mga magulang pala.”
alam mo ba? kolehiyo na ako. iyon lamang ang mayroon ako sa'yo. labinlima lamang tayo noon ngunit sa munti mong bulong, nagbago ang paningin ko.
at kung maalala mo rin ako, sana ay makauwi ka na rin sa iyong tahanan.
YOU ARE READING
pétalos de rosa
PoetryPetals of Rose. 𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒄𝒂𝒓𝒗𝒆𝒅 𝒘𝒐𝒓𝒅𝒔 𝒊𝒏 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒑𝒆𝒕𝒂𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒇𝒂𝒍𝒍𝒔. Book of poems and proses Language: Filipino/English