“saan ka ba dumaraan pauwi sa inyo?”
ang hirap maging diretso sa lubak-lubak na kalsada kaya hayaan mo lamang ako na lumapit sa iyo nang mabagal basta't hindi ako mahirapan.
dahil ayaw ko na muling tahakin ang kalyeng puno ng durog. kahit may tumubo mang bulaklak sa gitna ng warak, sasagasaan ka pa rin ng kanilang sakim. at noong sinubukan ko namang tapalan, nawawarak pa rin dahil sa paa ng mga taong ayaw magpatawad.
napagod ang aking mga paa at tumakbo sa dawag. may natagpuan akong daanan at may gabay na liwanag. sabi nila, kung dito ako uuwi ay mahaba ang aking lalakarin.
kaya rito muna ako daraan sa kabilang kalye; gagamutin ang aking nakaraan at kinabukasan ay hahanguin. hintayin mo lamang ako sa dulo—gusto kitang piliin.
YOU ARE READING
pétalos de rosa
PoesíaPetals of Rose. 𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒄𝒂𝒓𝒗𝒆𝒅 𝒘𝒐𝒓𝒅𝒔 𝒊𝒏 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒑𝒆𝒕𝒂𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒇𝒂𝒍𝒍𝒔. Book of poems and proses Language: Filipino/English