Chapter 1

649 14 0
                                    



“Congratulations Architect Buenavista! We’re so proud of you, keep up the good work.” Architect Pelaez, the head of the architectural department said. Nginitian ko lang siya bago umupo sa kaharap niyang pwesto, waiting for the others to come.





“Thank you Architect. It’s not just me, it’s the whole company.” Sagot ko rito. I just won an award as the Architect of the Year sa nakaraang convention of Architects in the country. Plus my design also won an award giving me and my company a spotlight for the best architect and company in the country.





Inihanda ko ang mga gamit ko bago isa-isang pumasok ang ilang mga kasama namin sa meeting ngayon. We are launching a new project and they need the hand of the Architecture and Engineering office that is why we are here.



Natapos ang meeting and dumiretso kaagad ako sa office to continue what I am supposed to do for this day when I received a call from a friend.





“Celestine. You’ll come right?” The girl on the other line asked. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya and tried to remember what she was talking about. Naglakad ako palapit sa table kung saan nakalagay ang planner ko nang magsalita ulit ang nasa kabilang linya.




“Don’t tell me you forgot?! Oh my gosh, Celestine! Elle’s welcome party, duh?” Malakas ang kutob ko na nakataas na ang kilay ng babaeng kausap ko sa kabilang linya at umiirap pa. Oh right, sa friday na pala ‘yon and today is wednesday. I still don’t have a dress or anything na maisusuot.



I was about to speak but she cut me off.



“Nope, you’re not giving me a reason that you can’t come to the party, Celestine. Ngayon na lang siya ulit makakauwi after two years and hindi ka pa magpapakita? Magtatampo sayo si Elle.” Pangongonsensya niya, huminga lang ako ng malalim before opening my laptop and started typing.




“Yeah, pupunta ako. Don’t forget to bring Rebecca with you. That bitch needs to pay for what she did.” Pairap kong sabi, I can hear from the other line her laugh na lalong mas nakapag-irita sa akin kaya pinatay ko na ang tawag.





Mabilis kong isinara ang laptop ko at minasahe ang sentido nang maalala ang nangyari nung gabing ‘yon. Rebecca needs to pay for what she did, that bitch is the main reason why it happened to me. Tumayo ako bago kinuha ang coat at bag ko, bago lumabas ng office ay humarap muna ako sa salamin to check myself bago kinuha ang susi at naglakad palabas.




Twenty minutes and nakarating ako sa isang cafe. Medyo maraming tao dahil weekdays and mostly ay mga students na nagpapalipas ng free time ang nandito. Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok at dumiretso sa may counter, napatigil sa pag-aayos ng mga gamit ang babae na naroon.




“Oh, you’re here. What’s your order, Architect?” Nakangiting tanong niya. Inirapan ko lang siya dahil doon, I badly want to wipe that smirk of hers.




“Bwisit ka Rebecca.” Gigil na sabi ko kaya tumawa siya at mabilis na tinanggal ang suot niyang apron saka lumabas sa may counter area. Sinenyasan nya ang isang staff na naroon at may ibinilin na mga order bago ako hinila papunta sa may bakanteng table.






“Grabe, pumunta ka talaga sa cafe ko para lang murahin ako?” Natatawang sabi niya habang inaayos ang buhok nito. Inirapan ko lang siya bago inilapag ang isang conversation sa phone ko.




“Pucha ka, alam mong ibang tao yung kausap ko that night pero hindi mo man lang ako pinigilan?” Nang-aakusa kong sabi. Pakiramdam ko ay ibenenta ako ng sarili kong kaibigan.




It all started at the bar last night. I was so drunk and tipsy that I heard Rebecca crying because of a guy. As a friend, sinugod ko ang table ng mga kalalakihan na yun and slapped him. Oh gosh, I even called the guy dickhead and other filthy names but it turns out, ibang tao pala yung nasampal ko.




Gusto kong lumubog sa kahihiyan nang sinabi ni Rebecca sa akin yun. Nasabunutan ko rin siya dahil sa gigil, aware siyang ibang tao yung kausap ko pero hindi ako pinigilan. Saka lang ako inawat nung nasampal ko na ang lalaki, traydor.





“What? Harper said we should take a video of yours para isend namin kay Elle!” Pagtatanggol niya sa sarili niya, kaya sa sobrang inis ko ay nagtype ako ng message saka sinend kay Harper. ‘Fuck you, traitor.’




After lunch break, bumalik din akong office dahil wala akong napala sa cafe ni Rebecca. Nasa may groundfloor pa lang ako nang sinalubong ako ng secretary sabay sabing may naghihintau daw sa akin sa office ko, a potential client. Kaya naman dumiretso na ako kaagad doon at sa elevator na ako nag-ayos ng sarili.




Upon entering my office, naabutan ko ang isang lalaki na nakatalikod mula sa akin. He’s looking outside while talking on someone from his phone. Nagpeke ako ng ubo to get his attention but eventually stopped nang humarap siya sa akin.



What is he doing here?



“I heard you’re an Architect.” Pagbubukas niya ng usapan, naglakad ito pabalik sa may sofa at inabot ang isang folder sa akin. Nagtataka ko itong binuksan at binasa ang nilalaman.


A site near Bacolod?



“And?” Bakit ba hindi na lang niya sabihin ng diretso ang pakay niya rito. May pasuspense pa ang lalaking to eh. Tiningnan niya ako ng seryoso bago umiling.




Tsaka paano niya nalaman ang work place ko? Don’t tell me ibenenta na naman ako ni Rebecca? I swear, tutusukin ko talaga ng tinidor ang pisngi ng bruhang yun. The guy in front of me is the guy that I slapped last night. Hindi ko alam at wala akong ideya paano niya ako nahanap.




“A client wants to build a house here, and I need a hand from an architect that is why I am here. Take this project.” Utos niya na akala mo naman talaga ay magkakilala at close na close kaming dalawa. Tiningnan ko siya na para siyang tinubuan ng apat na mata sa mukha.




“It’s your payment for slapping me in front of my friends.” Dagdag niya kaya napangiwi ako. Pinaalala pa eh, bweset. Padabog kong inabot ang folder at chineck ang lote at iba pang laman ng folder.



“Who owns this?” Tanong ko, pero bago pa siya magsalita ay pinigilan ko na siya.


“And sino ka ba?” Nagtatakang tanong ko. Tumigil ito bago umiiling na tumatawa. Umayos ito sa pagkakaupo at inabot ang kamay sa akin, asking for a handshake.



“Engineer Joshtine Andrade, it’s nice to meet you.” Tinanggap ko ang kamay niya.


“Architect Erin Buenavista.”

BUWANWhere stories live. Discover now