Hindi siya nagsalita ng sinabi ko iyon, bagkus ay inalalayan niya akong tumayo at pinaupo sa kama. Kinuha nito ang first aid kit sa may cabinet at mabilis na nilinis at ginamot ang sugat ko.
“Mabuti na lang at hindi gaanong malalim ang nagawa mo. Pakiusap Erin, wag mo ng uulitin to. Kung kailangan mo ng kausap, nandito ako.” Diretsong sabi niya, pinapanood ko lang siyang gawin ito. And by watching him, I know, he is avoiding the topic that I opened earlier.
Kumuha siya ng walis at nilinis ang buong kwarto ko. Inayos din niya ang ilang mga nakakalat na gamit, pagkatapos ay kumuha siya ng tubig bago ako abutan nito. Ininom ko ang laman ng baso bago itinabi ito sa may malapit na mesa.
“Ken, let’s end this.” Pag-uulit ko. Tumayo siya at akmang magsasalita ulit pero inunahan ko na siya.
“Please, Ken.” Pagmamakaawa ko. Tiningnan niya ako ng seryoso pero hindi maitatago ang pamumula ng mga mata nya, senyales na nagpipigil siyang umiyak.
“Ganun mo kagustong tapusin to na halos magmakaawa ka.” He said in a matter of fact voice, na hindi iyon tanong.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko pero hindi ko ito pinansin. Nakatitig lang ako sa bandage na nasa may palapulsuhan ko.
“Mababaliw ako kapag nakikita kita, Ken.” Pag-amin ko. Napalunok ako upang pigilan ang paghikbi bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“I love you, I really do. Mahal na mahal kita Ken, alam mo yan. You were there when I was afraid. You were my source of happiness, my strength. You also know the chaos when I was silent. You even understand and support my weirdness.” Pagbabalik tanaw ko, nakangiti ako habang binabanggit ang mga ito. Kung gaano ako kasaya sa mga panahon na iyon.
“I was blessed and happy that God gave me a person like you. Whenever I’m with you, I feel at peace, I feel safe and I feel loved. You never fail to make me realize that I am worth it and I am worthy to be loved and experience it.” Magsasalita sana siya pero pinigilan ko ito sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.
“But in our situation right now? Ken, to be honest, every time na nakikita kita, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ako sa ginawa mo kahit na alam ko namang ginawa mo yon para sa akin. Pero kasi Ken, anak ko yon eh. Nakasama ko yon, inalagaan ko yon sa loob ng sinapupunan ko ng siyam na buwan pero hindi ko man lang nahawakan o nasulyapan man lang. Hindi ko man lang alam kung anung mukha, anong itsura ng anak ko.”
Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko bago nagpatuloy.
“Mahal kita eh, pero nandito na rin ang galit at sakit Ken. Sa tuwing nakikita ka, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Nakakabaliw Ken, kaya sana, mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo dahil mababaliw ako kung mananatili parin ako sa piling mo.” Halos pabulong ang boses ko dahil napapaos na kakaiyak. Tumango-tango si Ken habang tahimik na umiiyak.
“Sige, kung ayan ang ikakapanatag ng isip mo.” Ayan lang ang tanging sagot nito bago ako nginitian at nagsimula ng maglakad palabas. Nang masigurong wala na sya ay humagulhol ako ng iyak. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan bakit ako pinaparusahan ng ganito, kung bakit kailangan ko pagdaanan ang lahat ng mga ito.
Halos isang buwan din akong nagkulong sa bahay, nagkaroon lang ako ng lakas ng loob lumabas nang makita ko sa panaginip ang sarili ko na may inaalagan na bata. Para akong nabigyan ng lakas dahil doon, kaya kahit hirap at nasasaktan sinubukan kong bumangon.
I seek for a help, that’s the time when I met Rebecca. Her cousin is my therapist and she’s always in her office kaya parati kaming nagkikita. She invited me once and sumama ako, ayun din ang araw na nakilala ko sina Harper at Elle. They became my new source of strength, tinulungan nila akong makabangon ulit.
Bumalik ako sa pag-aaral hanggang sa nakagraduate at pumasa ng board. With the help of my friends and my little fairy, nakabangon akong muli.
And now, in our present time, both of us are here in front of our daughter. Nang kumalma ay pinunasan ko ang luha sa pisngi ko bago huminga ng malalim.
“I know, our fairy is so proud of you. You did it on your own, you achieve your dreams. She may not be here but deep down, we both know, our little fairy is always with us.” Mahinang sabi niya pero sapat ng marinig ko ang mga ito.
“This may be late but, congratulations Architect Eriniedelle Buenavista. I’m so proud of you.” Nakangiting sabi niya bago ako nilingon.
Ngumiti ako sa sinabi niya bago siya nilingon pero ibinalik ko rin ang tingin ko sa lapida ng anak namin. We’re now looking at our angel while saying our cogratulations to each other.
“All your hard work is already paid eh? You started joining dance competitions and song cover contests, but look at you now. Ang mga sayaw niyo at mga kanta na ninyo ang kino-cover. You once dreamt of being an idol, ngayon, isa ka na sa kanila. While watching you at the stage and hearing your fans scream your name, it makes me feel happy and proud. Isa ka na sa mga bituin na dating tinitingala mo lang sa kalangitan, Ken.”
Mahabang sabi ko, napangiti siya dahil doon. Pinulot nito ang dahon na nahulog mula sa puno na dumapo sa lapida. Pagkatapos huminga siya ng malalim saka ako nilingon bago nagsalita.
“Pinangarap kong makasama ang anak ko kaya ginusto kong maging isang bituin.” Pagiexplain nya, tumango ako dahil doon.
“Pareho na kayong dalawa, kumikinang at tinitingala ng maraming tao.” Sagot ko naman sa kanya.
“Thank you Ken. Thank you for doing it for me. Thank you for understanding me and letting me go when I was losing myself.” There, I finally said it.
Tumango lang siya at hindi na nagsalita.
Tumayo ako at ngumiti sa kanya, mas lumapad ito nang tinanggap niya ang kamay kong inaalok siya ng isang handshake. Natawa siya sa ginagawa ko pero tumayo rin siya at tinanggap ito. Hindi namin namalayan ang oras dahil mataas na ang sikat nito, kanina lang aya nagsisimula pa lamang itong lumabas. Kaya naman inayos ko ang suot ko bago kami nagpaalam sa isa’t-isa.
“Until we meet again.” Sabay naming sabi kaya nagtawanan kaming dalawa. Bago umalis ay sabay naming tinanaw ang puntod ng namayapa naming anghel.
Sumakay kami sa kanya-kanya naming kotse bago pinaandar ang mga ito sa magkaibang direksyon.A morning symbolizes a new beginning, a new start of a long journey. Maybe this is the time to live and start again without holding any grudge to what happened in the past. Ngayon kami ay nasa bago ng panahon, sa magkahiwalay na direksyon, sa magkaibang landas, sabay naming tinahak ang bagong bukas.