Bakit kaya maraming tao ang magaling mangako pero hindi naman kayang tuparin?
Katulad na lang ngayon, nasa harapan ako ng isang bahay na dapat ay aayusin at sisimulan ko ng ayusin at lapatan ng design sa loob. Nangako ang client na on time raw siyang darating pero mag-iisang oras na akong nakatayo, wala parin yung may-ari ng bahay. What I really hate the most is wasting my time, especially at work. I value so much time because with a span of an hour, I know marami na akong ibang nagawa kung hindi lang ako naghintay sa wala.
Kinuha ko ang phone at agad tinawagan ang number ni Josh, wala pang ilang segundo ay sinagot na niya ito.
“I’ve been waiting for almost an hour. When the clock strikes at 9, I’ll decline this project.” Diretsong sabi ko, magsasalita pa sana si Josh pero pinatay ko na ang tawag. Kung kanina ay naiinis lang ako, ngayon hindi na. I am now fuming mad.
It was exactly 8:47 nang may tumigil na kotse sa harapan ko. Seryoso ko itong tiningnan hanggang sa makalabas ang may-ari. Pero mas lalo lang akong nakaramdam ng inis nang makita kung sino ito. It was Ken. Nagmamadali siyang lumabas sa kotsenat lumapit sa akin, he was about to apologize when I cut him off.
“Let’s go, lead the way.” Tipid kong sabi, tumango lang siya bago naunang naglakad papasok sa loob. Pagkapasok namin ay hindi ako umimik at inilibot ko lang ang tingin sa buong lugar.
The house is spacious and it has 3 guest rooms and 1 master bedroom. Inilabas ko ang folder na ibinigay sa akin ni Josh saka lumapit kay Ken at ipinakita ito.
“It is better to put it there, while this one will be placed here. Itinuro-turo ko ang ilang mga furniture na gusto niya at kung saan dapat ilalagay. Pati na rin ang ibang interior na nakasulat sa mga request niya.
“Should we start buying today? If you are free, then I guess we should. The earlier I finish this, the better.” Diretsong sabi ko, I never give him a chance to talk about other things except this. Tumango siya bago dumiretso sa kotse niya. Maglalakad dapat ako palapit sa kotse ko nang magsalita siya.
“Should we use only one car? Mas mabilis at hindi hassle.” Sagot nito, tatanggapin ko sana ang alok niya when I realized who I am dealing with. Umiling ako sa kanya bago dumiretso sa loob.
I don’t want to be seen with him. He could have said that I am just a mere architect but it is better to not be seen with him. Iba pa naman ang takbo ng mga utak ng ibang fans ngayon, some filo fans are agressive as fuck.
Nakarating kami sa isang home depot and agad naman siyang pumili ng mga gusto niya. Medyo natagalan kami dahil kelangan ang mga kukunin namin ay sakto sa mga sukat na nameasure namin sa bahay niya. Nang maisettle lahat ay dumiretso kami sa mga pwesto kung nasaan ang mga sink at bowls.
It’s almost 1PM nang matapos kami at naiayos na ang lahat. Nagpunas ako ng pawis bago bumuntong hininga. Ken gave me a look before dialling someone on his phone, saka ako nito tiningnan.
“Let’s eat our lunch first. Follow my car.” Seryosong sabi niya, medyo hinihingal pa ito pero bigla itong tumigil na ikinataka ko.
“Don’t worry, no one can see us together. I already reserved a safe spot.” He ensured. Tumango ako bago dumiretso sa may parking. Sinundan ko ang kotse niya hanggang sa nakarating kami sa isang vintage style na kainan near Makati. Hindi gaano malawak ang place pero maganda ang ambiance.
He ordered a medium rare steak, a buttered shrimp, and of course hindi mawawala ang dessert niyang mocha cake. Pipigilan ko dapat ang waiter para magdagdag ng order pero si Ken na ang gumawa.
“In addition to one slice of matcha cake and a matcha latte, please.” Ngumiti ako dahil doon. I really can’t complete my meal without those two.
We ate in silence and mind our own business. We never talk nor open a topic at each other maliban lang sa patungkol sa bahay niya. We really looked like just a mere architect and client thing. Kung malalaman siguro ng iba, hindi sila maniniwala kung anong nakaraan meron kami.
Nang makakain ay umalis na kami kaagad sa lugar at dumiretso sa mga bilihan pa ng ibang kailangan para sa bahay niya. I spent my whole day with Ken looking and buying his furniture. It’s almost 5 when we decide to separate ways and continue doing it tomorrow with the help of other men.
Pagkauwi ko ay humilata agad ako sa kama. Ah grabe, ang hirap kumita ng pera. Nag-inat ako bago ipinikit ang mga mata para sana makapagpahinga muna saglit.
I fell asleep and woke up quarter to 10. Naghikab ako bago tumayo at pumunta sa kusina to check kung anong pwedeng lutuin. Pero napanguso ako nang makitang walang laman ang ref ko, I even checked my pantry pero wala rin itong laman.
“Gago, I never felt so poor in my life.” Mahinang bulong ko sa sarili saka natawa lalo na nung binuksan ko ang rice cooker at nakitang wala itong laman. Natatawa ako sa sarili ko bago mabilisang naligo para kumain sa labas. Nagsuot lang ako ng pajama at kinuha ang phone at wallet ko.
Dumiretso ako sa may pinakamalapit na fast food sa ibaba ng building. I just ordered some spag and a cokefloat, it’s already kaya too much carbs isn’t good. I stayed there for almost an hour, kaya maghahating gabi na nung makalabas ako.
I booked a grab and went to the nearest grocery store na open 24/7.
Kelangan ko ng magrocery, hindi pwedeng sa labas na lang ako kakain, home made food is still the best. Kumuha ako ng cart at dumiretso sa mga chips. Kumuha ako ng mga gusto ko pati na rin mga chocolate before getting some bread, mayonnaise, ketchup and nutella.Kumuha rin ako ng mga canned goods, milk, beer in cans, softdrinks and mineral waters. Nang makumpleto ang lahat, dumiretso ako sa meat section and then lastly sa vegies and fruits. Halos puno ang malaking cart na bitbit ko bago ito itinulak sa may cashier. Pasimple rin akong kumuha ng mga wipes and tissues and gums na nasa counter area.
After paying, I was about to ask for some help when someone grabbed my cart. I was about to freak out when I saw who it was.
“Ken?” Paninigurado ko, tumango lang ito bago itinulak ang cart ko. Isasakay sana niya ito sa kotse niya nang pinigilan ko.
“I already booked a grab. You don’t need to do it, you can go now, Ken.” Mahinang sabi ko, tumango ito bago ibinaba ang mga groceries at hinayaan akong iwan mag-isa sa labas waiting for my grab.