KEN POV
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pintuan ng ER. Halos dalawang oras na simula nung ipinasok si Erin doon pero hanggang ngayon ay wala parin akong balita. Ganun ba katagal ang panganganak?
Mas lalong dumoble ang kaba at takot na nararamdaman ko nang tila aligaga ang doctor na lumapit sa akin at nagtanong.
“Are you the husband of the patient Buenavista?” Hindi ko na binigyang pansin ang husband na sinabi niya at tumango na lang kaagad. Doon din naman ang punta namin, kaya dapat na lang din sigurong masanay ang tenga ko na tawaging husband of Erin.
“Sir, we need your decision as soon as possible.” Nagtaka aking nakatingin sa kanya, I really don’t have any idea what he is talking about.
“The patient, Beunavista is in danger by giving birth to your baby. We only need to choose one of them to be safe.” Hindi ko alam pero napahigpit ang hawak ko sa may dingding nang marinig ang sinabi ng doctor. Para akong nawalan ng lakas.
Umalis ang doctor at bumalik sa loob habang ako ay napasalampak sa may sahig, pilit pinapasok sa utak ko ang sinabi ng doctor.
Ano ba namang klaseng pagsubok to, Lord? Ang hirap naman mamili. Bakit ko naman hahayaang mawala ang isa sa kanila kapalit ng isang buhay? Napapikit ako habang nagdarasal at nagmamakaawa sa Diyos na sana ay ligtas ang mag-ina ko.
Pero tila bingi at hindi ako naririnig, dahil sa ikalawang pagkakataon, lumabas muli ang doctor.
“Sir, you need to make a choice, we can’t do anything to save them both and we are now—”
“Doc! Doc! The patient!” Malakas na sabi ng isang nurse na galing sa loob. Mabilis akong tumakbo sa may pinto at papasok sana pero pinigilan ako ng doctor.
“Sir, sir hindi po kayo pwedeng pumasok.” Pagpipigil nito kaya pikit mata kong sinabi ang sagot ko.
“Please, save her, save Erin.” Kusang tumulo ang mga luha ko nang banggitin ko ang mga katagang iyon. Tumango ang doctor at pumasok sa loob, leaving me alone.
Nang sinabi ko iyon sa doctor ay para na rin sinabi kong patayin niyo ang anak ko. Napasuntok ako sa pader dahil sa galit na nararamdaman para sa sarili, anong klaseng ama ako? Handang isakripisyo ang buhay ng anak kapalit lang ng sariling kasiyahan. Napaluhod ako habang nagmamakaawa na patawarin ako ng anak ko.
“Patawarin mo si Papa anak. Mahal na mahal ko si Mama, hindi ko kayang wala siya.” Pakikipagusap ko sa hangin na tila ba ay nasa harapan ko siya at naririnig niya ang mga hinaing at pagmamakaawa ko.
Makalipas ang isang oras, inilabas ng nurse ang isang sangol. Pero hindi kagaya ng ibang sanggol na pumapalahaw ng iyak. Nangingitim na ang mga labi nito at nagsisimula na ring lumamig ang katawan niya.
Halos manginig ang kamay ko habang tinanggap ito mula sa kamay ng nurse. Hindi ko napigilang umiyak sa harapan ng ibang tao nang makita ang buong mukha pagmumukha niya.
“Kamukhang kamukha mo si Mama anak. Ang ganda ganda mo.” Mahinang sabi ko bago hinalikan sa noo.
Inalalayan ako ng isang staff sa pagprosesa hanggang sa paglibing sa kanya. Ginawa ko ito ng mag-isa dahil hindi pa nagigising si Erin.
Nang magising siya ay parang pinipira-piraso ang puso ko, lalo na nung marinig ko ang boses nyang tinatawag ang anak namin.Akala ko ay wala ng mas masakit pa ‘ron. Pero halos panawan ako ng ulirat nang madatnan ko siyang duguan sa loob ng kwarto niya. Halos kainin ako ng takot at kaba dahil doon.
Tila pinarusahan ako ng tadhana sa ginawa ko sa anak namin dahil gusto na rin akong iwan ni Erin. Durog na durog ang puso ko habang pinapakinggan ang lahat ng mga sinasabi niya. Kaya kahit masakit, pumayag akong tapusin ang lahat.
Pero kahit ganun ay hindi ko siya pinabayaan. Nung nakita ko na kaya na niya at may mga kasama na syang handang tumulong sa kanya, ay tuluyan na akong tumalikod sa kanya. Oras na rin siguro para ayusin ko ang sarili ko at tuparin ang mga pangarap ko. Sumabak ako sa napakaraming audition hanggang sa naipasok sa isang grupo.
Mahirap, nakakapagod pero kinailangan ko maging matatag at malakas hanggang sa isang araw, unti-unti na naming natutupad. Hanggang sa naging isa na rin ako sa mga bituin na tinitingala ng maraming tao.
Anak, sa ganitong paraan, pakiramdam ko ay magkasama tayo.
Limang buwan makalipas ng huli naming pag-uusap sa harap ng puntod ng anak namin, hindi ko inaasahang makikita ko siyang muli. Nginitian ko sina Elle at ilang mga kaibigan nito. Nasa isang engagement party kasi kami ng isang kapwa naming artista sa industriya.
Magkakasama kami ng mga kabanda ko sa isang mesa ganun din sina Elle. Abala ang lahat sa pagkain ng biglang may ilang grupo ang pumasok, and one of them caught my attention. She’s wearing a black backless dress pero ang naka-agaw pansin sa akin ay ang isang kwintas nito.
A crescent moon. Isang Buwan.
Nagtama ang tingin naming dalawa pero hindi kami ngumiti o tumango sa isa’t-isa. Tila ba para sa amin ay estranghero lamang. Isang estranghero na punong-puno ng mga masasakit na ala-ala ng nakaraan.
Pero para sa akin, napakahirap. Dahil hindi lang siya estranghero sa buhay ko, at kahig kailan hinding-hindi siya magiging estranghero.
I can't act like she’s just a stranger, because once in my life, she was my home. She took a part of my life, and even if we failed to do and fulfill them, no amount of anger, pain, or resentment can overcome or cover the love we had.
The love I felt for Erin was real, it was deep and enough to know her even when it was gone. But sometimes I wonder if it's really gone, or just waiting for us to meet again in the middle of our journey.
I have no idea, I don't know, but the only thing I know is that our love is so strong and pure that it will stay with me even if we haven't been together for a long time. All I know is that, the love we shared doesn't easily fade and disappear, and I know it won't, because I can't.
Because no matter what page of the book opens in my life, it will never be lost. Somehow, she became a part of my book and I was happy with her.
THE END.