He keeps on staring at me while singing and dancing on stage. While I remained speechless and didn’t know how to react. I can’t believe he is really performing in front of me, in front of many people.
Parang dati lang sumasali-sali lang siya sa mga dance contest with his other schoolmates, mga dance cover and such. Ngayon, isa na talaga syang professional performer. Hindi alintana ang malalakas na tilian ng mga ibang fans sa likuran, pati na rin ang mga kaibigan ko. Sinasabayan din nila ang kanta habang ako ay nanatili lang na nakatayo at tanging ang atensyon ay nasa kanya.
After performing 3 songs, a rookie band performed in front habang naghahanda sila Ken sa backstage for their next performance, I guess. Nang matapos, may nagsalita and nagtilian ang mga tao nang marinig kung sino ang susunod.
“Everyone, let us welcome, FELIP!”
Pumalakpak lang ako habang pinapanood siyang umakyat sa stage. He is holding an acoustic guitar and may nakapwestong high-chair sa gitna ng stage. Inilibot nito ang kanyang tingin at tumigil ito saglit sa akin bago inilapit ang mic sa kanyang bibig.
“This is my new song and it will be released together with my new album. Sana magustuhan niyo.” Nakangiting sabi niya, naghiyawan naman ang mga tao pati na ang mga kaibigan ko na akala mo talaga ay isa sa mga fangirls nila. Well, si Rebecca, mukhang fan girl na nga ni Josh.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naghahanda sa pagkanta. Halos pigilan ko ang hininga ko nang marinig ang mga pamilyar na lyrics. Alam na alam ko ang mga ito dahil dalawa at magkasama kaming dalawa habang sinusulat ang mga ito.
"Hindi inaasahang ika'y matatagpuan, sa gitna ng
maraming tao sa bulwagan
Ang iyong ngiti ay nangibabaw
na kahit sa malayo ay natatanaw"That's his line, according to him, that is his point of view upon seeing me for the first time inside the function hall of our school. Pinagtawanan ko pa siya dati nang isinulat niya ito.
"Ako'y nilapitan, binanggit ang iyong pangalan
Nagtataka, nalilito kung sino ba ito? Taglay ang isang matamis na ngiti mula sa iyong labi, hindi makapaniwalang sa madilim na gabi siya'y magbibigay sindi""Hi. I'm Ken, you are?" That was his line when he came and approached me. I was shocked and confused at that time, he was a total stranger, just a random schoolmate na bigla akong nilapitan at nagpakilala.
"Panahon ay lumipas, pag-ibig ay kumupas
Sa susunod na bukas baka pwede parin tayong mag-usap sa labas?
Pag-usapan at balikan ang mga masasayang ala-ala ng nakaraan
Na para bang tayong dalawa ay patuloy paring nagmamahalan"Mas humigpit ang hawak ko sa bag ko, hindi ko alam kung napansin ito ni Elle na siyang katabi ko dahil kanina pa ito tahimik. As far as I can remember, it should be 'Na para bang tayong dalawa ay hindi dumaan sa pagiging magkaibigan'. Inaasar kasi namin ang isa’t-isa dati na kapag naghiwalay kami, dapat ay balang araw ay magkita at mag-usap parin kami na para bang matagal lang na hindi nagkitang magkaibigan.
"Sa ilang libong pagkakataon, sinubukan kong lahat ng ito ay ibaon
Pilit kinalimutan at bitawan ang ating pagmamahalan, pero tila yata hindi na mababago itong nararamdaman"Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta siya sa harap. Nakikisabay ang mga katawan ng mga fans nila habang nakataas ang kamay. Habang siya ay nakapikit habang umaawit.
"Ikaw lang ang aking gusto, ikaw lang aking hiling
Oh Diyos ko, dinggin sana ang aking hinaing
Naway bigyan ng pagkakataon na ngayon ay nasa bago ng panahon
Pag-ibig sana ay tangayin na ng alon"He changed the lyrics that make the meaning of the song different. Bumukas ang mata nito bago tumingin sa mga fans bago nagsalita sa mic na siyang ikinatili ng mga tao.
"Diyos ko, dinggin sana ang aking hinaing"
"Panahon ay lumipas, pag-ibig ay kumupas
Sa susunod na bukas baka pwede parin tayong mag-usap sa labas?
Pag-usapan at balikan ang mga masasayang ala-ala ng nakaraan
Na para bang tayong dalawa ay patuloy paring nagmamahalan"Hindi ako nagbitaw ng tingin lalo na nung tinitigan ako ni Ken habang binabanggit ang huling linya. My hands feel cold, kinakabahan ako.
"Oh Diyos ko, pakiusap dinggin mo ang aking hinaing!"
Malakas at halos pasigaw na pagkanta ang ginawa niya rito, na para bang nakikiusap sa Diyos at nagmamakaawa. Kinuha nito ang mic sa stand saka sya tumayo, ibinuka nito ang kanyang kamay bago pumikit at sinasabayan ang beat ng kanta.
“Oh Diyos ko, pakiusap dinggin mo ang aking hinaing!
Luluhod sa mga tala, aabutin ang buwan para lang ikaw ay mahagkan
Kaya pakiusap, Diyos ko dinggin mo ang aking hinaing
Naway pagtingin at nararamdaman sa akin niya ibaling"Pumalakpak at nagtilian ang mga tao habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Akala ko ay tapos na pero inilapit nyang muli sa bibig niya ang mic bago nagsalita ng pabulong habang nakapikit.
“Oh Diyos ko, pakiusap dinggin mo ang aking hinaing!
Naway pakinggan ng buwan ang aking hiling!”While listening to his song, a sudden flashback of us came inside my mind.
"Huh, why are you giving me a crescent moon stuff toy Ken?"
"Ikaw ang buwan sa madilim na kalangitan. Erin, you made my darkest days bright. Sa tuwing nasa dilim ako at nagbabadyang mawala sa landas, lagi kang nandyan at nagbibigay ng liwanag. Lagi mo tong tandaan, kahit gaano karaming makinang na bituin sa paligid, liwanag mo parin ang paulit-ulit kong hahanapin."
Nagpalakpakan ang lahat habang ako ay nakatitig lang sa kanya hanggang sa nagpaalam ito. Nakaalis na siya sa stage pero ang tingin ko ay nasa pwesto parin niya kanina. Kaya halos atakehin ako sa puso nang bigla akong tinapik ni Elle.
“Are you okay? Pwede tayong umuwi na if you’re nog feeling well.” Bulong niya, nginitian ko lang siya ng tipid bago sumagot.
“Ayos lang ako, Elle.” Mahinang sabi ko, pero nabura ang ngiti ko nang abutan ako ni Harper ng tissue at tinapik ni Becca ang balikat ko.
“You’re crying Erin...” puno ng pag-alalang sabi niya. Mabilis ko itong pinunasan bago tumawa ng pilit at pabirong hinampas si Becca.
“Ang ganda kasi ng song, grabe!” Natatawang sabi ko kaya tumango lang sila lalo na nang ngitian ko ang mga kaibigan ko. Assuring them that everything is fine and I am feeling well. When the truth is, I badly want to cry because of the pain that I tried to forget.