“Leche ka Harper!” Ayan ang bumugad sa akin nang pumasok ako sa opisina ni Harper. Nagbabangayan sila ni Rebecca habang si Elle ay kumakain ng chichirya at may suot na headphones.“Bruha ka talaga! Ako na ngang gumagawa ng paraan eh. Akal ko ba type mo yung lalaking yun?!” Parang nanay na litanya ni Harper, pinukpok pa niya ng folder si Becca kaya napailing ako at nilapitan si Elle para itanong kung anong pinag-aawayan nung dalawang engot.
“Remember Josh? Type siya ni Becca and nalaman ni Harper yun. And that bitch, made a move. Sinet-up niya yung dalawa kahapon.” Explain niya, tiningnan ko yung dalawa na nagpapalitan ng masamang tingin.
“Eh akala ko ba type niya? Bakit parang ayaw niya? Diba dapat magthank you siya kasi ginawan ni Harper ng paraan?” Nagtatakang tanong ko, nagkibit balikat si Elle habang si Harper ay tumango, pero biglang tumayo si Becca at idinuro si Harper na tila aping-aping siya.
“Gago, mukha akong engot nung pinakilala niya ako! Ano na lang sasabihin sa akin ni Josh? Na weird ako?! Baka na turn off na yun! Edi paano siya aamin nun? Paano magiging kami? Paanong—”
”Tama na Becca, tama na.” Naiiling na sabi ko kaya inirapan niya ako at sumalampak sa may sofa. Inilapag ni Elle ang tatlong ticket para sa concert na pupuntahan namin bukas ng gabi.
“What if ibigay ko na lang sa fan nila tong ticket?” Tanong ko, sinamaan nila akong tatlo ng tingin kaya ngumiwi na lang ako. Kapag nakakamatay ang tingin, siguro nakahilata na ako sa sahig.
“Sayang kasi, hindi naman ako fan nila. Hindi ko nga sila kilala pero nandun ako, and wow” bilib na sabi ko bago itinaas ang ticket. “Talagang VIP pa ha.”
“Kelangan mo ring lumabas Erin, masyado ka ng busy sa trabaho. Best Architect ka parin naman para sa amin eh.” Pang-uuto ni Elle kaya inirapan ko siya. Wala akong choice.
Tinitigan ko ang ticket na hawak ko, walang picture ng mga members tanging logo lang ng grupo nila. SB19. As far as I know, member sila Josh neto pero may isa pa. Yung rapper nila, ayun yung hinahanap ni Elle the night she held her welcome party.
The four of us decided to go to the salon and pamper ourselves. I dyed my hair into ash gray with a pink highlight, I even cut it into a bob cut.
After that, nagpamanicure kami and our last stop is starbucks.Nag-usap lang kami kung anong oras at kung saan kami magkikita bukas ng gabi bago umuwi sa kaniya-kanya naming bahay. Nakauwi ako around 7, since meron ng laman ang kusina ko, nagluto na lang ako ng dinner.
“Congratulations on your new project, Architect Buenavista.” Bati nila, tumango ako bago tinanggap ang alok nilang handshake ganun din ang mga kasama ko. Kakatapos lang ng meeting and we received a new project near Laguna.
A new condominium building. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon, sa wakas may pera na ako ulit. Kinuha ko ang phone ko nang patuloy ito sa pagtunog, and suddenly stopped when I saw the notification bar. A message from Ken.
Erin, I am sorry but can we move our schedule next week? I have something to do this evening and I need to prepare.
Hindi na ako nag-abalang magreply. Idol things. I can’t stop myself from thinking kung gaano kabusy at paanong namamanage nila ang oras nila. Samantalang si Elle ay chill na chill lang dito, na akala mo ay walang tinakbuhang fashion show sa Italy.
The whole day went well. Natapos ko ang lahat ng pwedeng tapusin sa office at inihanda ang mga dapat at maaaring gamitin para sa bagong project na ibinigay sa akin at sa team. Umalis ako sa work around 5 at dumiretso na ng uwi.
My friends and I decided to meet at exactly 7:30 since 8:30 ang simula ng concert. Nagbabad ako sa bath tub habang nagbabasa ng libro. Alas sais na nung naisipan ko ng tumayo at maligo bago nagbihis. Mabilis kong kinuha ang isang damit na nasa may pinakagilid. Bahala na, bagay naman ata to para suotin sa isang concert, ano? VIP naman yung ibinigay sa akin ni Elle so hindi ko na kelangan makipagsiksikan pa sa ibang fan.
Mabilis akong nag-apply ng light make up bago kinuha ang purse. For the last time, tumingin ako sa salamin bago umikot-ikot dito. Shet, ganda ko talaga.
I arrived late at our meeting place because of the traffic. Lumipat kami sa kotse ni Elle para isahan na lang at hindi hassle. Pagkarating namin sa venue ay marami ng tao at mahaba na ang pila.
Mabuti na lang at iba ang pila ng mga nasa VIP seat. Hindi rin nakaligtas sa camera si Elle kaya naman ay nakayuko kami halos na pumasok. Sinenyasan pa siya ni Rebecca na sasabunutan siya, dahil ayaw na ayaw ni Becca ng atensyon.
Nang makaupo ako sa may pinakaharap, unti-unti ng napupuno ang place. Ganun din sa may stage na busy mag set-up and finalize ang mga staff. They are all busy and the fans are excited. The whole place became wild when someone from the backstage spoke.
“Are you ready, ATINS?” Tumili yung mga katabi ko pati narin ang iba kaya pabiro kong binira ang buhok nila.
“Teh, ang lakas ng tili mo, nabibingi ako.” Suway ko pero inirapan lang ako nila Rebecca bago tumayo pa at may kinuhang banner sa bag niya. Halos tingnan ko siya ng parang tinubuan ng sampung mata nung nakita ang nakalagay.
May nakasulat na “JOSH, ANAKAN MO AKO” kaya humagalpak ng tawa sina Harper at talagang kinukunan pa nila ng video habang nagtitili ang gaga.
Minutes later, the lights turn off and tanging mga led lights and spot light na lang ang natira sa stage. Everyone started yelling and cheering habang may limang kalalakihan na unti-unti lumalabas sa stage while singing one of their songs.
Tumayo ako and pumalakpak nang makitang nakatayo na sila sa harap. Pero napatigil ako nang maaninag ang isa sa kanila. I saw a familiar face in front. Wait he said he needs to prepare for tonight, so ito ang tinutukoy niya?
“Ken is a SB19 member?” Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango si Elle bago ako tiningnan na nagtataka bakit ko kilala si Ken.
“Yes, he’s their rapper and main dancer. Siya yung hinahanap ko nung party ko na sana ipapakilala ko rin sainyo. Kilala mo siya?” Diretsong tanong niya pero hindi na ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa may stage at hindi alintana ang nakakasilaw na mga liwanag sa taas.
He looks so different on stage, the way he flips his mic, his aura and vibe on stage.