Chapter 9

151 8 0
                                    

tw: death & suicide


We were once each other’s special someone, the other half or whatever you call it. We’re so deeply and madly in love with each other. We even promised and made sure that someday, when everything is settled, we’ll marry each other.

But some things happened that made our perfect love story into a mess. We fought, cursed, and hated each other because of a decision that ruined our almost perfect love story.


I can still feel the hatred that I felt that day. The anger, pain, the resentment, confusion and disappointments. All of it is still lingering in my mind. It’s been four years but the wounds are still as fresh as before.



It was Wednesday in the morning, the sun shines brightly symbolizing a good day. It was past 8 in the morning when my water broke. It means, malapit na naming makasama ang matagal na naming inaantay na nasa sinapupunan ko.


Our fairy is coming.


Halos hindi mapakali si Ken habang ipinagda-drive ako papunta sa hospital. Aligaga siya pagdating namin at halos madapa na sa mabilis na paglalakad at pagsunod sa mga nurse na dinadala ako sa ER.
Excited kasi siya at halos hindi na siya pumasok sa school para lang mabantayan kaming dalawa.


Kaya kahit na medyo masakit ay hindi ko mapigilang tumawa dahil sa kanya. Baby, I am hundred percent sure that your daddy will really take good care of you, mahinang pagkakausap ko sa anak ko sa isip ko.


Nang makarating kami sa ER ay hindi na pinapasok ng nurse si Ken. Tinanguan ko lang siya to make sure that everything is going to be okay. That’s the last scenario that I saw before they injected an anesthesia on me.




I woke up with a heavy eyes, sore body and I can feel a lump on my throat. Matagal bago ako nagsalita dahil ina-adjust ko pa ang mata ko sa liwanag, nabaling ang tingin ko sa lalaking nakayuko at magulo ang buhok na nasa upuan.


“Ken...” mahinang tawag ko sa pangalan niya, mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.


“I’m here babe, i’m here.” Paninigurado niya, inilibot ko ang tingin para hanapin ang anak ko na dapat ay sasalubong sa pagmulat ko ng mata.


“Where’s baby fairy?” Tanong ko rito, Fairy ang naisip naming nickname ng anak namin because her complete name is Ferielle. Biglang natahimik si Ken at nag-iwas ng tingin na siyang ikinapagtaka ko. Nang magsalita ito ay nabura ang malapad na ngiti sa labi ko.


“Our baby didn’t make it, Erin. I’m sorry.” Halos pabulong niyang sagot, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas pero agad akong napaupo mula sa hospital bed kahit na ramdam ko parin ang kirot mula sa tahi ko sa may bandang tyan.


“What do you mean?” Nanginginig at halos kinakabahan kong tanong, walang humpay na luha ang tumulo mula sa mga mata ko nang sagutin ako nito. Pakiramdam ko, para akong binagsakan ng malaking bato sa ulo.


Umiling ako at pilit pinapaniwala ang sarili na panaginip ang lahat ng ito. Paanong mangyayari yun? She’s doing good and everything is okay sabi ng doctor tuwing nagpapacheck up ako, papaanong she didn’t make it?!


Para akong mababaliw na hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Paanong nangyayari ang lahat ng ito?


“I need to make a choice. It’s either you, or our baby.” Sagot nya, napatakip ako sa bibig ko nang marinig ito. Malakas akong napahagulhol at akmang lalapitan niya ako pero umiling ako.



“No, no, don’t touch me.” Umiiyak kong sabi, umiiling din siya habang may luhang tumutulo mula sa mga mata niya. Bakas ang sakit at takot sa mukha ni Ken pero hindi ko ito binigyang pansin.



“You should have chosen her, Ken!” Sagot ko, pakiramdam ko napakawalang kwenta ko dahil sinakripisyo ang anak ko para lang mabuhay ako. Anong klaseng ina ako?



“You didn’t even let her see the beauty of the world.” Pabulong kong sabi, magkahalong sakit, pagsisisi, pangungulila at galit ang nararamdaman ko nang araw na iyon.



Hindi alintana ang pagluhod at pagmamakaawa ni Ken habang umiiyak at humihingi ng tawad sa naging desisyon niya. I shoove him away. I told him that I want to break up with him. That I wanted to end everything between us like how he ended our daughter’s life without even telling me.


I cried the whole day. I even told the nurses that I don’t want to see someone, kaya hanggang sa may labas lang ng room ko si Ken hanggang sa nadischarge ako. Dumiretso ako sa lugar kung saan sinabi ni Ken nakalibing ang anak ko.
Hindi ko mapigilang mapahagulhol nang makita ito.


“Anak...” hindi ko man lang nahawakan ang anak ko. Hindi ko man lang nasulyapan kung gaano kaganda ang anghel na siyam na buwan kong dinala sa sinapupunan ko. Hinaplos ko ang lapida nito bago lumuhod sa harapan niya.


Halos ipagdikit ko ang mukha ko sa lapida niya nang lumuhod ko. Walang paki sa dumi at putik na kumakapit sa damit ko. Walang wala ang kirot ng tahi ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.





“Anak, nandito na si Mama...”




“Gising na anak ko.” Pagkakausap ko rito habang hinahaplos ang lapida. Tila sumabay at nakiramay pa ang panahon dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko ito inalintana at nanatiling nakaupo sa harapan ng prinsesa ko.

Pagod na pagod na ako at nakakaramdam na rin ako ng hilo pero tiniis ko ito. Natatakot kasi akong umalis, paano na lang ang anak ko kapag umalis ako? Baka matakot siya dahil iniwan siya ng Mama. Ayaw kong mangyari yun, ayaw kong makaramdam ng takot ang anak ko.

“Anak... Mahal na mahal ka ni mama.” Paulit-ulit kong bulong habang marahan na hinahaplos ang lapida nito.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo at kung paano ako nakauwi. Para akong robot na humihinga pero walang buhay sa loob-loob niya.





Nagising ako pagkaumaga na mataas na ang sikat ng araw. Akmang tatayo ako pero agad ding napatigil nang marealize na hindi na gaya ng dati. Napahawak ako sa tyan ko at unti-unti na namang tumulo ang mga luha.



Wala ng laman. Wala na. Wala na ang anak ko.



Magkahalong pagod, kirot ng sugat, sakit at pangungulila, hindi ko maiwasang mag-isip ng negatibo. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginusto kong isuko ang buhay ko. Hawak ang matulis na kutsilyo, mabilis ko itong itinusok sa may palapulsuhan ko.



Tila isa akong manhid, mas diniin ko pa ito nang wala akong maramdamang sakit. Nahimasmasan ako sa ginagawa ko nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa mga kamay ko.



Magulo ang buhok at mugto ang mga mata habang nakaupo ako sa sulok ng aking kwarto. Idagdag mo pa ang magulo ring gamit sa loob, halos mabaliw ako sa kakaisip sa ginawa ko pero wala akong choice. Halos panggigilan ko ang buhok ko saka sinabunutan ang sarili bago sinusuntok ang ulo.


Sa ganung posisyon ako inabutan ni Ken. Mabilis niyang binitawan ang kanyang bag at tumakbo palapit sa akin saka ako niyakap.


“Sssh, nandito na ako.” Pagpapakalma niya habang hinahalik-halikan ang ulo ko, mas lalong lumakas ang paghagulhol ko dahil sa ginawa niya. Ilang minuto rin kaming nanatiling ganun bago siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.


“Putangina, Erin! Anong ginawa mo?!” Mahahalata ang bakas ng takot at kaba sa boses ni Ken pero hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko at kagat ang aking labi upang mapigilan ang sarili sa paghikbi.


Ramdam ko ang hapdi at sakit ng labi ko dahil sa pagpigil sa aking hikbi pati na rin ang mahigpit na hawak ni Ken sa braso ko. Galit siya. He is mad. I understand where is he coming from. Sino ba namang matutuwa kung malalaman mo na gustong mawala ng taong pinili mong mabuhay kapalit ng anak mo.


Tiningnan ko siya sa mata bago sinabi ang ilang salita na ikinatigil niya.




“Ken, ayaw ko na. Let’s break up. Let’s end this.”


BUWANWhere stories live. Discover now