“Who owns this?” Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang iba pang request ng owner. Tumango ako habang tinitingnan ito, this is easy since some of the designs and requests of the client are the ones that I am good at. Plus, some of the designs are familiar, yung mga gusto kong design para ‘rin sa gusto kong bahay. Noon.
“A celebrity friend of mine. I’ll let you meet him once he is free. Busy si idol eh.” Natatawang sabi niya kaya tumango na lang ako.
Engineer Andrade bid his goodbye kaya naman naiwan akong mag-isa sa office until 5 PM. Inabutan ako ng ulan sa daan kaya naman kahit gustuhin kong makauwi ng maaga, wala akong choice. I am stuck here in the middle of the heavy traffic due to rain. Sumandal ako sa upuan bago tumingin sa labas, at saktong nasa may gilid ko ang isang led na naglalaman ng ads.
Nanunood na lang ako rito para malibang ang sarili nang biglang may ipinakitang isang familiar na likod. An artist producing a new song, at ipinapalabas ngayon ang teaser shoot. Nakatingin lang ako habang seryosong pinapanood ang artista.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang marinig ang pamilyar na lyrics mula rito. Pero akala ko ‘iyon na, mas lalong nanlamig ang kamay ko nang makita ang preview ng isang buwan.
Buwan.
Napaayos ako nang upo nang marinig ang busina ng sasakyan sa likuran ko kaya dumiretso na ako. Iwinaksi ko lang sa isipan ko ang nakita kanina at umaktong parang wala lang.
Papasok na dapat ako ng elevator nang may marinig akong batang babae na umiiyak. May hawak itong laruan at humihikbi pa habang palinga-linga sa paligid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan ko ito.
“Hey, nasan ang kasama mo?” Malumanay kong tanong, pero imbes na sumagot ang bata ay mas lalo lamang pumalahaw ito sa pag-iyak.
Mabilis kong tinapik ang ulo nito upang patahanin siya, humihikbi siyang tumingin sa akin bago nagsalita.
“M-mama” mahinang sabi niya na halos putol-putol dahil na rin sa patuloy niyang paghikbi.
Umupo ako sa harapan niya upang magpantay ang mukha naming dalawa saka siya hinawakan sa magkabilang balikat.
“Sama ka sa akin, let’s find your mom.” Nakangiting sabi ko pero umiling ang bata na siyang ikinataka ko.
“Stranger. Don’t talk and come to a stranger.” Sabi niya sa maliit na boses. Napangiti ako dahil doon saka tinanguan siya. Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan ang security personnel sa ibaba upang matulungan ang bata.
“Let’s just stay here then and wait for the staff and security personnel to get you, okay? They’ll help you find your mom.” Paninigurado ko, tumango ang bata bago pinunasan ang luha gamit ang palad niya.
Mabilis kong inilabas ang panyo mula sa bulsa ko at pinunasan ang mukha niya. Saktong inaayos ko ang magulong buhok ng bata nang dumating ang dalawang staff at isang security personnel. Tumayo ako saka sila nginitian at iniharap ang bata.
“Thank you for your concern ma’am.” Sabi ng isang staff bago hinarap ang bata, inabot naman nito ang kanyang kamay na masaya niyang tinanggap. Nagpaalam ako sa kanila at pumasok na sa elevator papunta sa unit ko. Makalipas ang ilang minuto, maririnig mula sa isang speaker na nakalagay sa bawat hallway ang announcement patungkol sa batang naliligaw. Napangiti na lang ako dahil doon bago pumasok sa loob.
It’s 8 PM in the evening, friday night and it’s Elle’s welcome party pero nasa kama ko pa ako. Nakatalukbong ako ng kumot nang biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko ito pinansin pero ilang beses itong nagpaulit-ulit hanggang sa narindi na ako.
“Wala si Erin, nalunod sa sabaw.” Diretsong sabi ko nang sinagot ang tawag na hindi man lang tinitingnan kung sino ito. Nakarinig ako ng pagtawa mula sa kabilang linya kaya agad nakilala kung sino ito.
“Nasan ka na? Ikaw na lang ang wala rito. Pucha ka, andaming pogi!” Inilayo ko sa tenga ko ang telepono nang tumili si Rebecca sa kabilang linya. Nang masiguro kong tumahimik na ito ay ibinalik ko ito bago sumagot.
“Pwede bang di na ko pumunta? Magkikita at magkikita parin naman kami ni Elle eh.” Tamad kong sabi, pero nakarinig ako ng kaunting kaluskos mula sa kabila bago nagsalita ang isang bago pang boses.
“Pumunta ka na rito Erinedielle o ako mismo ang susundo sayo diyan sa unit mo?” Nananakot na sabi ng isa pang kaibigan ko. Napairap ako dahil dito saka bumangon sa pagkakahiga. Alam kong gagawin at gagawin niya talaga ang banta niya, may saltik at sa demonyo ang babaeng ito eh.
“Leche ka, Harper. Eto na pupunta na!” Inis kong sabi bago dumiretso sa may closet at kumuha ng damit. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos, tama na ang lipgloss at konting blush on.
Dumiretso ako sa venue ng party, magaalas dyes na nang nakarating ako. Natagalan pa sa pagpark dahil halos wala ng bakante, gaano ba karami ang inimbita ng babaeng yun? Pagkarating ko sa lugar ay bumungad sa akin ang maingay at puno ng iba’t-ibang kulay ng lights sa loob. Napahilot ako sa sentido ko dahil dito, hindi pa ako umiinom pero pakiramdam ko ay lasing na ako.
“Let us welcome, our very own best architect of the year, Erin Buenavista!” Pumalakpak ang apat na bruha sa may table nung banggitin iyon ni Rebecca. Naghiyawan din ang ilang naroroon kaya naman nakayuko akong naglakad palapit sa kanila.
“Tanginamo” mahinang sabi ko bago ko hinila ang buhok niya. Imbes na awatin kami ay nagtawanan lang ang iba pa naming mga kaibigan. Inabutan ako ng isang shot ng tequila kaya naman tinanggap ko ito.
“Buti naisipan mo pang umuwi?” Tanong ko kay Elle. Tumungga muna sya ng alak mula sa bote bago ako sinagot.
“May bago akong project dito eh.” Taas baba nyang sagot. Elle is a model in Italy but before that, she was also an actress here in the Philippines. Magsasalita pa sana sya pero natigil ito nang may kinawayan siya mula sa may entrance.
“Dun muna ako sa mga papi ha.” Paalam niya bago umalis, nagkibit balikat lang ako pero si Rebecca ay sinundan siya ng tingin.
“Shet, papi nga.” Maharot niyang sabi kaya pareho na sila ni Harper na nakatingin doon. Napailing ako sa inasta ng dalawa bago nagpatuloy sa pag-inom ng alak.
Nagpaalam akong pupunta muna ako ng restroom pero tila walang narinig ang dalawa dahil abala sila sa paramihan ng maiinom na alak. Bwisit talaga tong mga to.
Pagkatapos mag-ayos ay naisipan ko munang lumabas para magpahangin. May isang balkonahe sa may right side at tanaw nito ang buong syudad. Pagkatapos kong makahanap ng pwesto ay binuksan ko ang can in beer na kinuha ko kanina bago umakyat dito. Sinindihan ko rin ang isang stick ng sigarilyo na dala ko.
I was alone and enjoying my loneliness when I heard someone’s voice. He’s not talking to me tho, because he is on his phone arguing with someone. Bigla itong tumahimik kaya I assume the call has already ended.
“I’m sorry, did I disturb you here?” Paghingi niya ng paumanhin, I don’t want to be rude kaya naman humarap ako sa kanya. And there, I saw someone that I didn’t expect na makikita ko sa lugar na to. I was about to ask what he’s doing here but then realized that Elle and him are in the same industry. Right, he’s now an idol.
“Ken...”