Becky's POV
Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan ni Irin. About sa buhay buhay. Yung times na sobrang hirap na hirap kaming dalawa. At yung mga times na para na kaming mga timang dahil dinadaan na lang namin sa tawa ang lahat. Sa sobrang sarap ng kwentuhan namin ay hindi na namin namalayan ang oras.
"Pano ba yan fren uwi nako tignan mo oh inabot nako ng 10 pm dito sainyo. Halos ayaw mo na akong pauwiin. Kita na lang tayo sa office bukas" pagpapaalam sakin ni Irin.
"Sige fren. Papahatid na lang kita kay Mike. Para di ka na magtaxi. Anong oras na delikado kung magtataxi ka pa. Sandali lang tatawagin ko lang si Mike" saambit ko at pinuntahan si Mike sa quarters.
Pagdating ko ay kumatok muna ako para naman magbigay galang sakanya. Maya maya lang ay pinagbuksan na niya ako ng pinto.
"Ano po yun maam?" tanong niya sakin
"Ah pwede ba makisuyo? Kung hindi ka naman naiistorbo Mike" tanong ko rin
"Sige po maam. Ano po ba yun?" tugon niya
"Ipapahatid ko sana yung kaibigan ko. Anong oras na kasi baka mapano siya kapag nagtaxi pa" saad ko
"Sige po maam wala pong problema. Sunod na lang po ako sa garahe" aniya at bumalik nako sa sala.
"Fren tara na sa garahe hahatid ka na ni Mike" aya ko sakanya.
"Wait lang di pa ako nagpapaalam kay Sky" saad niya.
"Nako tulog na yun anong oras na" sambit ko naman.
"Sa susunod na nga lang, tara na sa labas" aya nito. Paglabas namin ay sakto namang naroon na si Mike na naghihintay.
"Oh fren ingat ha. Magtext ka sakin if nasa bahay ka na. See you tomorrow" paalam ko sakanya
"See you tomorrow fren" paalam din niya at sumakay na sa kotse at umalis na sila.
Pumasok na ako sa bahay at umakyat sa taas. Nagpunta muna ako sa kwarto ni Sky para icheck if mahimbing na ang tulog nito. Pagpasok ko ay natutulog na silang dalawa ng kanyang yaya, at nakayakap ito sakanya. Sobrang close din nang dalawang ito. Kaya hindi ako nagdadalawang isip na iwanan sakanya si Sky if my out of town work kami ni Freenie.
Lumapit ako para bigyan sana ng goodnight kiss si Sky ngunit biglang nagising ang yaya niya.
"Kayo po pala maam. Ano po yun?" tanong niya
"Ah ichecheck ko lang sana if tulog na si Sky and a goodnight kiss" sambit ko. Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ni Sky sakanya at tumayo para bigyang daan ako.
Pag upo ko ay biglang nagising ang anak ko at umiyak wala kong ibang nagawa kundi padedehin muna siya para makatulog ulit. Habang busy ang anak ko sa paggagatas ay pumasok naman si Freenie.
"Babe bat ang tagal mo naman?" tanong niya.
"Nagising kasi si Sky. Padedehin ko lang saka sunod nako sa kwarto, sige na mauna ka na" saad ko sakanya.
"Sige basta mamaya ako rin susunod jan" napalaki na lang ang mata ko sa sinabi niya, at si yaya naman ay nagpipigil nang tawa. Dinampot ko ang isang unan at binato sakanya.
"Manahimik ka nga kung ano anong lumalabas sa bibig mo. Bilis na dun ka na sa kwarto" pagtataboy ko sakanya at umalis din ito.
Ilang saglit lang ang lumipas ay mahimbing nang muli ang tulog ng anak ko kayat dahan dahan akon tumayo at hinalikan ito sa ulo. Agad namang nahiga sa tabi nito ang yaya niya upang hindi ito magising. Dahil hindi ito sanay na walang katabi.

YOU ARE READING
LOVE IN MISTAKE
FanfictionTwo person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever?