special part

2.7K 76 6
                                        

Freen's POV

Mahimbing ang tulog ko ngayon dito sa bahay namin. Yeah nandito na kami sa US. Naalimpungatan ako nang marinig kong sumisigaw si Becky.

"Lord please no!, iligtas mo po kami please!" ginising ko ito bigla dahil nananaginip ito.

"Hey babe! Babe wake up!" saad ko habang niyugyogyog ko siya mabuti na lang at nagising siya. Pagmulat niya ng mata ay bigla na lang siyang yumakap ng mahigpit. "Bakit babe? What's the problem? Anong napanaginipan mo? Sigaw ka ng sigaw eh" tanong ko rito

"Napanaginipan ko kasi na nagcrash daw yung plane na sinasakyan natin" tugon niya.

"Pagod ka lang babe sa biyahe kaya ganyan. Epekto lang yan ng jetlag. Ang haba kasi ng biyahe natin" usal ko sakanya

"Yung mga bata?" tanong niya

"Nasa kwarto na nila, nagpapahinga din. Tulog na lang ulit tayo babe, tignan mo oh 2:13 pa lang ng madaling araw. Pero kung ayaw mong matulog pwede rin naman. Tutal malamig dito, baka gusto mong magpainit" sambit ko agad naman niya akong hinampas ng unan sa mukha.

"Manigas ka. Matutulog na lang ulit ako" pagkasabi niya ay nagtalukbong ito ng kumot at natulog na nga. Malas naman kelan ba makakascore yung tao.

Morning

Paggising ko ay 9 na pala ng umaga. Nauna akong bumaba at nakita kong gising na rin ang mga anak ko. Agad akong lumapit at umupo sa tabi nila habang sila ay naglalaro.

"Good morning my little Freenies." sambit ko at isa isang hinalikan sa noo.

"Sir napakalamig naman dito. Hindi umuubra yung mga dala naming jacket" saad ni yaya mot

"Don't worry yaya bibili tayo mamaya ng makakapal na jackets para sainyo" I said

"Nako salamat sir" saad naman niya

"Mika, ikaw na gumising kay Becky. Para hindi magalit hehe" utos ko kay Mika. Ito na ang inutusan kong gumising kay Becky dahil alam kong hindi ito nagagalit kapag si Mika ang gigising sakanya pero kapag ako, akala mo lahi ng dragon, bumubuga ng apoy.

"Sige po sir" tugon naman niya at kaagad na umakyat para gisingin si Becky.

"After natin kumain magbihis na kayo and gagala na tayo. May almusal na po ba tayo?" ani ko

"Yes sir nakapagluto na po si Mika" tugon ni Mela

"Okay sige tara na sa dining nang makakain na" pag aaya ko sakanila at nagtungo na kami sa mesa.

Maya maya nga lang ang nandito na rin si Becky at Mika. Agad na naupo sa tabi ko si Becky na medyo inaantok pa. See, sabi sainyo hindi magagalit to kung si Mika ang manggigising.

"Good morning my boys. Good morning po yaya mot, yaya bang, Mika, Mela, Nika" paggreet ni Becky saaming lahat at halatang excited.

Habang nag aagahan kami ay masaya kaming nagkukuwentuhan. Nakakatuwang pagmasdan yung ganito. Yung marami kayo sa pamilya. Dahil ako ngayon ko lang naeexperience to dahil only son ako, saka si mommy and daddy are always busy sa company. Si yaya mot lang ang palagi kong kasama pati pag attend ng PTA meeting o kahit anong meeting sa school siya ang pumupunta. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na kahit busy ako sa company ay hahanap at hahanap ng oras para sa mga anak ko.

Fastforward

Nandito kami ngayon sa golden gate bridge. They were taking pictures. Syemlre nakikisali ako. Hindi rin kami nagtagal dahil gusto na daw magshopping ni Becky.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now