Freen's POV
It's sunday and nagpromise ako kay Becky na pupunta kami sa beach, so eto kami ngayon at on the way na sa beach.
"Babe, why are you smiling?" tanong ko sakanya.
"Naaalala ko kasi yung pag akyat mo kahapon sa puno ng mangga HAHAHAHAHAHA" at tumawa siya ng malakas.
~Throwback~
"Babe aakyat ba talaga ako? Nakakahiya oh ang daming tao." saad ko sakanya.
"Edi wag! Halika na uwi na tayo!" at ayun nagtatampo nanaman.
"Eto na babe aakyat na" lumingon siya nang nakangiti. "Pano ba to hmmm"
Sinimulan ko nang umakyat. Nang makaakyat ako ay nakita kong nagvivideo na si Becky at sobrang lapad ng ngiti niya.
"Ano babe okay na ba?" tanong ko sakanya
"Wait lang, yakapin mo yang sanga dali!" excited niyang sabi and syempre wala akong choice kundi yakapin ang sanga. Maya maya lang ay may biglang kumagat sa braso ko. Pagtingin ko ay may maraming antik na papalapit na sakin kayat dali dali akong bumaba. "Babe napakadaming antik!" saad ko at si Becky naman ay walang tigil na tumatawa.
Pagbaba ko ay nagtatatalon ako habang pinapagpagan ang sarili. Si Becky naman ay patuloy pa rin akong vinivideohan. Nang mapansin kong wala nang mga antik sa damit ko ay lumapit ako sakanya.
"Oh ayan babe nakaakyat na ako, nakagat pa nang antik" sambit ko.
"Tara uwi na tayo" pag aaya niya.
Habang naglalakad kami ay biglang may naramdaman ako kumakagat sa ilalalim ng short ko.
"Babe parang meron sa loob ng shorts ko" saad ko
"Huh?!" saad ni becky na nagpipigil ng tawa.
"Ahhhh Babe meron nga! ahh ouch!" nagtatatalon ako habang sapo ko si junjun.
"Wait babe" pinatigil ako ni Becky and pinaharap sakanya. Ng walang ano ano ay tinuhod niya ako. Napaluhod ako.
"Ah, ahhhh! Babe bat mo naman tinuhod si junjun?!" saad ko habang tumatalon at namimilipit sa sakin.
"Relax babe, tignan mo patay na yung antik jan" umupo ako saglit, maya maya lang ay nawala na rin yung sakit. Then inaya ko na siya sa sasakyan para makauwi na kami.
Grabeng kahihiyan inabot ko dito. Pagpasok namin sa sasakyan ay hinubad ko ang shorts ko at nagulat si Becky.
"Hoy bat ka naghubad?!" saad nito habang nakalingon sa ibang direksyon.
"Sus palingon lingon ka pa jan eh ilang beses mo na kayong nagkita ni junjun. Tatanggalin ko lang yung antik" nang mahanap ko yung kumagat sakin ay kinuha ko ito at tinapon. "Bwi**t na yun, kinagat na nga ako, natuhod pa" tumatawa naman si Becky.
Pag uwi namin sa bahay ay iika ika akong pumasok. Nadatnan namin sila mom and dad sa may sala.
"Oh anak bat iika ika ka?" tanong ni Mommy.
"Si becky kasi. Tinuhod ba naman ako" saad ko.
"Eh kasi mommy kung diko ginawa yun edi hindi mamamatay yung antik na pumasok sa loob ng shorts niya" sambit ni becky habang natatawa, at tumawa din sila mommy at daddy.
"Nakakatawa ba yun? Pinaakyat nako sa puno tapos pinagpiyestahan pa ng antik, tapos natuhod pa" reklamo ko.
"Sige na umakyat na kayo. At ikaw Freen maligo ka. Ang dungis dungis mo" natatawang sabi ni Mommy.

YOU ARE READING
LOVE IN MISTAKE
FanfictionTwo person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever?