Author's POV
It has been half a year ever since Belinda past away. And every month ay dinadalaw ito ni Becky kasama ang mga anak niya. Ngayon nga ay narito sila sa sementeryo upang bisitahin muli si Belinda at ang papa nito, at ang parents ni Becky. Napagdesisyunan ni Becky na pagsamasamahin na silang lahat.
"Papa, Mama, Tito Richmond, insan. Nandito nanaman ako as promised na dadalawin ko kayo every month, and of course kasama ko itong mga makukulit na bata." sambit ni Becky sa puntod ng mga mahal sa buhay.
"Hello din po mama, papa, tito, and Belinda. Huwag niyo na pong alalahanin si Becky at ang mga bata. At gaya nang lagi kong pinapangako sainyo na hindi ko sila kailanman pababayaan" sambit din ni Freen
"Babe ano nga pala ang balak mo after ng inauguration mo? Syempre mas magiging busy ka na dahil ikaw na ang magiging CEO. Baka naman mawalan ka na nang oras samin nang mga anak natin?" tanong ni Becky sa asawa. Humarap naman si Freen kay Becky at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Wag kang mag aalala babe, that will never happen. Because even if I get busy to work. I will always find time to be with you and the kids. You and our kids is my strength" saad ni Freen
"Kailan nga ulit ang inauguration mo babe?" tanong muli nito
"This coming wednesday babe. And you and our kids will attend. I need you to be there" sambit nito sa asawa.
"Of course, hindi kami mawawala" tugon naman ni Becky.
Namalagi pa sila ng ilang oras sa puntod ng mga kaanak ni Becky at umalis na rin sila.
"Sky, where do you wanna go my son?" tanong ni Freen sa anak.
Buong araw na nakipaglaro si Freen sa mga anak.
Fastforward
Inauguration day
Kasalukuyang abala si Freen sa pakikipag usap sa kanilang mga business partners, habang si Becky naman ay nasa table kasama ang mga anak, si Hera, at ang mga yaya.
"Parang si Nop yun ah" sambit niya sa sarili ng makita niya ang isang pamilyar na lalaki. Naglalakad ito palapit sakanya kasama ang isang babae.
"Hi Pat, long time no see" bati ni Nop sakanya
"Uy Nop, sabi ko na nga ba ikaw yan eh. Kailan ka pa dumating?" ani ni Becky
"Kahapon lang. And I was invited by your company kaya we're here" tugon ni Nop
"Is she?" turo ni Becky sa kasamang babae ni Nop
"Yes, siya nga. Baby this is Rebecca Patricia Chankimha. Yung kinukwento ko sayo" pagpapakilala ni Nop kay Becky sa asawa niya.
"Hello Patricia, I'm Martina. Asawa nitong loko lokong to" pagbibiro ni Martina
"Hi Martina, nice meeting you. And yes, talagang loko loko yan" pag sang ayon ni Becky kay Martina
"Ay grabe naman kayo sakin. Nagbago naman na ako baby ah" sambit ni Nop
"Osya sige na nagbago ka na" pagtugon ni Martina kay Nop at napatawa na lang silang dalawa ni Becky.
"Ay oo nga pala this are my babies, this is Sky ang panganay ko. Siya yung pinagbubuntis ko nung nakita mo ako sa airport Nop. And this little kiddos, this is Uno, Jiro, and Thirdy. Ang mga bunso namin" pagpapakilala ni Becky sa mga anak niya
"Apat agad? Ang bilis niyo naman ni Freen" saad ni Nop
"Eh yung lalaking yun eh, gagawin ata akong baboy" sambit ni Becky
"Triplets sila?" tanong naman ni Martina
"Yes. Nagulat nga kami na triplets ang magiging babies namin eh. Kaya lang wala man lang nakalusot kahit isang babae. Kaya ayan apat na little Freen ang meron kami" saad ni Becky
"Oo nga eh, tignan mo ohh carbon copy ni Freen yung mga anak nila. Sana itong baby natin Nop eh kamukha mo din" ani ni Martina
"You're pregnant?" tanong ni Becky
"Yes, it's already 4months. Di pa ba halata?" tugon ni Martina at pinakita ang baby bump nito
"Grabe naman, hindi halata na buntis ka ah. Ako kasi nung nagbuntis eh halatang halata. Lalo na dito sa tatlo" saad ni Becky "ay bat nga pala tayo nakatayo, upo kayo dito" at naupo nga sila at nagkwentuhan pa. Maya maya nga lang ay dumating si Freen.
"Hi babe, how are you and the kids here?" tanong ni Freen kay Becky
"We're good naman babe. And behave silang apat. Siya nga pala babe, si Nop and his wife Martina" sambit ni Becky.
"Uy pre kumusta? Long time" bati ni Freen kay Nop at nagkamay ang dalawa
"Ayos lang pre. Asawa ko nga pala si Martina" pakilala ni Nop sa asawa. At nagkamay din si Freen at Martina
"I wanted to thank you pala pre. Nalamab ko from Irin na it was you who tipped us on Becky's whereabouts nung umalis siya. I owe you one" saad ni Freen kay Nop
"Wala yun pre. And kaibigan ko si Patricia" tugon naman ni Freen.
Masaya silang nagkukwentuhan, hanggang sa nag umpisa na ang ceremony. Napuno nang saya at emosyon ang naging inauguration ni Freen bilang bagong CEO ng kumpanya nila. Nang matapos ang party ay nag aya si Nop at Martina ng dinner kayat lumabas silang lahat. Tuwang tuwa si Nop at Martina sa kadaldalan ni Sky.
Matapos ang kanilang dinner ay nagsiuwi na din sila.
Freen's POV
"Babe matulog ka na, ako na lang magchecheck sa mga anak natin" saad ko
"Sure ka ba? Eh mas pagod ka kaysa sakin" tanong nito sakin
"Hindi ako pagod babe, okay lang. Ako na magcheck sa mga anak natin" saad ko at lumabas na sa kwarto para pumunta sa room ng mga anak namin.
Una kong pinuntahan si Sky. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nang makapasok ako ay nakita kong tulog na ito at si yaya mot, halatang pagod sa party kanina. Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ng triplets. Pagpasok ko sa kwarto ay tulog na si Uno at Thirdy. Si Jiro ay nasa lapag at naglalaro. Naggoodnight lamang ako dito at bumalik na sa kwarto namin.
Pagpasok ko ay nagbabasa nang libro si Becky, agad akong tumabi sakanya at niyakap siya.
Becky's POV
Nagbabasa ako ng libro nang pumasok na si Freenie sa kwarto namin. Agad itong tumabi sakin at yumakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa kanang braso ko habang hinihimas himas ang kaliwang braso ko.
"Hindi pwede" ang tanging nasabi ko na lang.
"Babe?" tugon naman nito
"Pagod ako. And hindi pwede." mariin kong sambit
"Hmmm okay. Tulog na lang tayo" saad niya
"Ayan ang maganda. Sige na goodnight loveyou" sambit ko
"Goodnight babe, love you too. Get ready for tomorrow" tugon niya.
"Manigas ka!" sambit ko at natulog na kami. Dahil bukas ay ang aming bakasyon grande, treat samin ito ni Freenie bago siya mag umpisa bilang CEO.

YOU ARE READING
LOVE IN MISTAKE
FanfictionTwo person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever?