Becky's POV
After an hour of drive ay narating na namin ang bahay nila Freen. Pinagbuksan naman kami ng gate ng isang gwardya then nagpark na siya. Pagbaba niya ay tumakbo siya agad sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.
"Looks like they're already here. Don't be nervous okay? I got you" pagkasabi niya ay inaya na niya ako sa loob.
Pagpasok namin ay nasa sala sila maam Hera, Sir Helios, Chloe and her parents. Nagkukwentuhan sila. Napansin naman ni Maam Hera ang pagdating namin.
"Oh hello son, anjan ka na pala. Akala ko naman kung sino na yung sinasabi mong susunduin mo, si Ms. Armstrong pala. Come let's go straight to the dining area" saad ni maam Hera.
Nagpunta na kaming lahat sa dining at nakaready na rin ang foods. Pinaghila naman ako ni Freen ng upuan. Bale ang position namin is nasa magkabilang center table si Sir Helios at ang daddy ni chloe, si maam hera sa right side ni Sir Helios, katabi ang mommy ni chloe, at napapagitnaan namin ni Chloe si Freen.
"I'm glad na pinaunlakan niyo ang imbitasyon namin for dinner Mr. Bermudez" sambit ng ni Sir Helios sa kay Mr. Bermudez.
"Of course, we're business partners after all. And maybe our Chloe and your Freen in the future" napatawa si Mr. Bermudez sakanyang sinabi.
"Oh ahm sorry for late introduction everyone. This is the girl who caught my heart, Rebecca Patricia Armstrong. Nililigawan ko po. And baka sagutin nako nito mamaya" pag iintroduce niya sakin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ng parents ni Chloe.
"Is that real Ms. Armstrong?" tanong sakin ni Maam Hera
"Just call me Patricia na lang po maam Hera. And opo, nanliligaw po yung anak niyo sakin" sagot ko naman kay Maam Hera.
"Then my wish has come true. I know that you are a good girl. The fact na unti unting nagbabago si Freen ever since he worked under you. And anak you're being too formal. Just call us tito and tita" masayang sabi ni Maam Hera.
"Ah ehh sige po Tita" nahihiya kong sagot.
"So you're already courting someone na pala Freen. I thought magkakabalikan pa kayo nitong princess namin. Sayang naman" halata sa boses ni Mr. Bermudez ang pagkadismaya. Nako sir kung alam mo lang na hindi naman totoong nanliligaw sakin to.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Tahimik lang akong kumakain dahil di naman ako makakarelate sa mga pinag uusapan nila dahil about ito sa mga businesses nila. After namin kumain ay inaya kami nila Maam Hera sa may sala para doon ituloy ang kwentuhan. Ngunit sa palagay ko ay ito na ang tamang oras para kausapin si Freen about sa anak namin.
"Let's talk somewhere quiet. I need to tell you something" bulong ko kay Freen.
"Okay let's go to the garden" pagkasabi niya ay nagpaalam din siya sa dad and mom niya pati na kila chloe "Ahm mom, dad, tito, tita, chloe. Punta muna po kami sa garden may sasabihin daw si Becky, mukhang sasagutin nako" pagbibiro pa nito.
"Okay son go ahead" pagpayag naman ni Maam Hera.
Dinala niya ako sa garden nila at naupo kaming dalawa. Binuksan ko ang bag ko then inabot sakanya ang picture ng ultrasound. Pagkakuha niya ay napakunot ang noo nito.
"And what's this?" Taka niyang tanong.
"Ahm Freen remember when we were at the resort. When you beat Nop because he was about to do something to me?" I started.
"Did I do that? Wala na kasi akong maalala, sa sobrang kalasingan ko na din siguro. Continue" sambit niya. So wala talaga siyang naalala about that night.
YOU ARE READING
LOVE IN MISTAKE
FanfictionTwo person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever?