part 28

1.1K 44 2
                                    

Freen's POV

Nandito ako ngayon sa study room ko. Days have past pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung babaeng kamukhang kamukha ni Becky. Tinawagan ko ang ospital to get some information buti na lang at kaibigan ko ang anak ng may ari.

"Hello Kelvin?" bungad ko nung sinagot niya ang tawag ko.

"Oy Freen, napatawag ka. Ano atin?" tanong nito.

"May ipapakuha lang sana akong information about sa isang patient niyo, kung pwede sana. Importante lang" tugon ko

"Sige bro sakto nandito ako sa hospital. Sino ba yun?" tanong muli nito.

"May patient ba kayo na Armstrong ang last name?" tanong ko sakanya

"Wait bro icheck ko lang" sambit nito. Maya maya lang ay nagsalita muli ito sa kabilang linya. "Ah bro, we only have 1 patient with a last name Armstrong" saad niya

"Ah is she still in the hospital?" tanong ko muli

"According to the records ay nakapagdischarge na sya kahapon pa" sagot nito

"May nakalagay bang address jan bro?" tanong ko

"Yes bro" tugon niya

"Bro pwede mo bang isend sakin yung details niya? I really need to know her more kasi. And it's very important" saad ko sakanya

"Sige bro, itetext ko na lang sayo" sagot niya

"Sige bro maraming salamat" pagkasabi ko ay ibinaba ko na ang tawag. Maya maya lamang ay nakareceive na ako ng text mula sakanya.

"Belinda Anna Armstrong. 25yrs old. 17 South Salvador St. Krus na Ligas, Quezon City"
(PS. gawa gawa ko lang yang address😅)

"Sino ka bang talaga Belinda Anna Armstrong. How come you look like Becky, and you share the same surname" sambit ko sa sarili at napapaisip pa rin ako about sa kung sino ang babaeng ito.

Itinuon ko muna ang sarili ko sa ilang paper works na ipinadala ni Reyes dahil importante daw ang mga ito. Habang binabasa ko ang mga papel ay pumasok si Becky.

"Babe?" bungad niya

"Yes babe, ano yun?" dumiretso siya sa tabi ng swivel chair ko. Hinila ko naman siya upang maupo sa kandungan ko.

"Akala ko ba family time? Eh bakit ka nagwowork?" malungkot nitong tanong

"Tapusin ko lang to babe, saglit na lang to. Then punta na ako sa room ng triplets" saad ko sakanya

"Hmm sige" tugon nito

"Ah nga pala babe may importante lang ako lalakarin bukas, saglit lang ako promise" paalam ko sakanya

"Sige babe. And pakibilhan na rin ng milk yung tatlo, pati na rin si Sky. Ang tatakaw kasi nila eh" saad niya

"Okay babe, don't worry. Bukas bibili ako. Tapusin ko lang to, then sunod ako sa room nila" sambit ko sakanya

"Sige babe" saad niya. Before she left I gave her a peck on her lips.

Binilisan ko na ang pagbabasa ng mga papeles dahil gusto ko nang makita ang mga anak ko. Nang matapos ako ay agad akong nagpunta sa kwarto ng triplets. Nadatnan kong nakahiga sa kama ang tatlo kong anak at nakaupo naman sa gilid si Becky. Si Sky naman ay tahimik na naglalaro sa carpet.

"Hello my baby boys" bungad ko. Una kong nilapitan si Sky at hinalikan ito sa ulo, at dumiretso ako sa kama upang tignan ang aking triplets. "How's my Uno, Jiro, and Thirdy? Mommy told me na ang tatakaw niyo daw ahh. Good yan. Para lumaki kayo agad, and then daddy will teach you how to-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Becky.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now