part 5

2.3K 62 1
                                        

Becky’s POV

Pagbukas ng elevator ay mag isang nakasakay dito si Freenie. Nakatulala siya.

“hoy anyare sayo” pagkatanong ko ay bigla niyang nalaglag ang cellphone niya. Agad niya itong pinulot.

“ah wala may iniisip lang, btw bagay sayo yung look mo today. Sabi sayo eh mag ayos ka lang para di ka magmukhang manang” talagang kuhang kuha niya ang asar ko.

“che! Raulo!” sambit ko dito. Pagbukas ng elevator ay naglakad na kami papuntang office naminn. At syempre tulad kanina sa lobby pinagtitinginan ako. Nakakailang. Pagpasok namin ni Freenie sa office ay napatingin samin ang lahat ng kasama naming.

“Ah Mr. Chankimha hindi naman sa pinagbabawalan ka naming, pero you can’t just let any person enter our office ‘coz there are files kept here for confidentiality” nakakunot ang noo naming dalawa ni Freenie sa tinuran ng team leader namin. Naglakad na lang kami sa aming table at naupo.

“ano kaba maam, ako to si Patricia” napanganga siya at lumapit sakin na parang hindi makapaniwala.

“you sure you’re Patricia?” tanong nito

“oo naman maam” sagot ko sakanya

“well I didn’t recognize you ha. Naghalfday ka lang kahapon, nagglow up ka na agad. And you look good” pagpuri niya sakin, nakita ko namang nakangiti si Freenie. Proud na proud ang fairy godfather ko.

“thank you po maam” sagot ko sa pagpuri niya sakin.

“I told you diba, and by the way may lakad tayo mamayang dinner. Nag aaya kasi si Chloe. I need you there” bulong ni Freenie sakin.

“sige” maikli kong sagot.

“wag ka na magpalit bagay sayo yang suot mo” pagkasabi niya ay tumutok na kaming dalawa sa trabaho.

Masasabi kong for over a month na nagwowork si Freenie, he has changed. Well kasi nung first 2 weeks niya ay puros lang kami bangayan. Pero eventually nagiging close na din kami. Hindi naman pala siya mahirap maging friend at pakisamahan, dahil sometimes nag aadjust din siya. And there are times na kapag nakikita niyang pagod na ang team he will throw some jokes to lift up our energy.

Sa buong araw na to ang pinakaayaw ko ay ang lumabas sa office namin. Dahil everytime na lumalabas ako ay pinagtitinginan nila ako, like hello guys ako pa rin to si Patricia. Nagbago lang ng hairstyle at damit. Nakahinga na ako ng maluwag ng out na namin. Nag overtime na rin ang team namin dahil may event nanaman kaming kailangang ayusin.

“ano tara na?” aya sakin ni Freenie.

“wait magreretouch lang ako” saad ko sakanya

“sus may nalalaman ka nang retouch ngayon ah” pang aasar nito.

“he! Siraulo ka talaga” nagretouch nako then pagkatapos ay bumaba na kami sa parking para makapunta na sa resto na kakainan naming kasama ang ex niya.

After ng 20minutes ay narating namin ang resto. Pagpasok namin ay inassist na kami ng isang staff sa isang VIP room. Nagulat na lang ako ng pagpasok namin ay isang multo ng nakaraan ang nakita ko. Di ako makapaniwala na magkikita kaming dalawa sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na siya mahal. Pero yung sakit nandito pa rin. Habang nakatayo ako at hindi makagalaw ay naramdaman ko na lang ang kamay ni Freenie na nakahawak sa may bewang ko at inaaya ako papasok.

“Hon tara pasok na tayo” dahil sa pagsalita ni Freenie ay nabalik ako sa wisyo.

“good evening Freen” seductive at nakangiting bati ni Chloe kay Freenie.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now