2 months later
Author's POV
Freen is inside his hotel room, prepping for their special day. Because today is their second wedding. Kasama niya sa room ang kanyang parents at mga kaibigan niya.
"Grabe naman talaga ang groom na to oh. Kung gwapo ka last year. Aba mas gwapo ka ngayon" sambit ni Nam
"Syempre sino ba namang hindi guguwapo kung nasa tamang tao ka na. Tignan mo si Heng nagmukhang tao nung naging kayo, dati kasi mukha lang siyang kutsilyong araw araw na hinahasa." pagbibiro ni Freen sa kaibigang si Heng at Nam
"Wag ka namang ganyan. Gwapo kaya ang baby ko na yan kahit masakit matusok ng baba niya" pagbibiro din ni Nam sa kasntahang si Heng nagtawanan silang lahat dahil nagtatampo na si Heng
"Ah ganyanan pala ha" sambit ni Heng
"Syempre joke lang naman baby ko" panunuyo ni Nam. At dahil sa mahal neto ang jowa ay naggive in agad siya.
"Tama na nga kayong dalawa. Nakakaasiwa kayo tignan" saad ni Kade
"Wala ka lang jowa kaya ganyan ka kabitter" pang aasar ni Noey kay Kade
"Eh kung sampalin kita kaya kita sa harap ng dalawang libo tatlong daan at tatlumpot dalawang tao ng matauhan ka. Excuse me may suitor ako" saad ni Kade
"Wow ha may nagkamaling manligaw sayo" singit ni Freen.
"Hoy anong nagkamali. Ako na to no, swerte niya if mapasagot niya ako" sambit ni Kade.
Lumapit si Helios sa anak na si Freen at tinulungan itong isuot ang kanyang suit at inayos din ito.
"Anak. Alagaan mong mabuti ang mag iina mo ha. Remember that you should always treat your wife like a queen. Wag mong laging iniinis si Patricia nang hindi ka natutulog sa sala. Nakakaawa ka kasi masyado" pagbibilin n Helios sa anak na nagpatawa sa kanilang lahat
"Dad naman bat pati pagtulog ko sa sala sinabi mo." reklamo ni Freen
"Pre wala ka pala kaya Pat eh. Member ka pala ng UDS eh" biro ni Heng
"Anong UDS pinagsasasabi mo jan?" tanong ni Freen
"UDS. Under De Saya" sambit nito at nagtawanan silang lahat "Tiklop na tiklop ka kay Patricia pre bat natutulog ka sa sala" dugtong pa nito.
"Sige wag kang mag alala baby, dahil mamaya sa sala ka din matutulog nang maranasan mo" singit ni Nam at nabaling ang tawanan nila kay Heng
"Baby naman" sambit ni Heng
"Sa sala ka mamaya. End of discussion. Period" natahimik na lang si Heng dahil kapag sinabi na ni Nam ang kaniyang magic word na 'period' ay kailangan na niyang manahimik.
"Ikaw din pala Heng ay miyembro ng UDS eh" biro ni Helios
"Oo, at ikaw ang presidente" singit naman ni Hera at nagtawanan silang lahat. Lumapit naman si Hera sa anak at hinawakan ang mga kamay nito.
"Freen anak. I'm so proud of you. I still can't imagine na yung anak kong pasaway sa lahat ng pasaway has become this responsible man. Love your family with all your heart. Wag mo silang pababayaan. Make them happy, okay?" pagbibilin ni Hera kay Freen
"Copy that mom" tugon naman ni Freen
Nagpatuloy sila sa kwentuhan. Puros mga tawanan ang bumalot sa loob ng hotel room ni Freen. Ilang saglit lang ay may nagdoorbell. Lumapit naman si Kade at pinagbuksan ito.

YOU ARE READING
LOVE IN MISTAKE
Fiksi PenggemarTwo person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever?