CHAPTER 9

35 11 0
                                    

Napalunok ng malalim si Danica habang nakatitig sa kaibigan habang si Mikhail ay nakatitig sa kanya "Namiss kaya kita" sambit ng binatilyo.

"Anu pa kaya ako?" patanong na tono ni Danica tsaka humiga sa dibdib ng kaibigan "Nung gabi na dinala ako dito umiiyak ako at lagi ako nagdarasal na sana...walang manakit ule saiyo tulad ng mga hinayupak na mga kaklase mo"

"Tumaas ka" utos ni Mikhail sa dalaga

"Ha? Bakit?"

"Malamang hahalikan kita"

"Waaa" yumupyop na lang ang dalaga

"Masyadong straight forward eeh" ngumiti na lang si Mikhail at hinalikan na lang niya sa tuktok ng ulo.

"Feel ko ang bad ko" pag-iibang topic ng binatilyo.

"Ako din...eh teka" nagulat si Mikhail nang itinaas ni Danica ang kanyang katawan at pumantay sa kanya kaso sumubsob sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Ngumiti ang binatilyo at kinapitan ang dalaga sa likurang ulo nito habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa bewang ng dalaga.

"Tanda mo pa yung sumuntok saiyo na barkada ni Ann Drei?" tanong ni Mikhail na kung saan tumango lang si Danica "Patay na" nagutlang tumingin sa kanya ang dalaga.

"Binayaran ko yung sumagasa sa kanya para magmukhang aksidente"

"..."

Tahimik niyang pinakinggan ang sinabi ko na akala niya siguro nagbibiro ako "Hindi ako nagbibiro galit ako kaya ko ginawa yun" dagdag ko pa.

Seryoso ang mukha niya its either sasampalin niya ako sa ginawa ko or yung worst na mangyari...magkakalimutan kami.

"..." bumugtong hininga siya tsaka niya ako niyakap

"Tanggal ang utak?"

"..." ako ang nagutla "Ha?"

"Ano'ng ha? Sabe mo ikaw ang nagbayad dun sa sumagasa sa kanya nakita mo tanggal ang utak or mata or something sa katawan niya? Baka mamaya hindi pa pala patay"

"Nakiramay ako at bente lang ang ibinigay ko" napangiti siya sa sinabi ko

"Salamat" tangi niyang sinabi.

Matagal ko na rin ginawa yun nung ako'y grade 6 pinautos ko sa kuya kong pinsan kaya walang sasabit dahil bata ang nag-utos.

"Pero sana hindi mo na ginawa yun"

"So ayaw mo nung ginawa ko?"

Tumingin siya sa akin at naiyak siya "Paano kung bigla kang balikan nun?"

"You mean na para bang may barkada siya?" tanong ko tumango siya "Natatakot kang hindi mo na ako makita?"

"Hindi ba halata na natatakot ako? Kainis ka" balik subsob muli si Danica sa kanang bahagi naman ni Mikhail.

Ano ba ang pagmamahal o ang salitang love? Kapag mahal nyo lang ang isa't-isa na feel nyo forever happy? O ang ibigsabihin nun ay kakayanin mong mahalin ang pangit nung mismong minamahal mo?

Naramdaman ni Danica na humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Mikhail at hinayaan nya lang ito, tahimik sila ng ilang minuto at sa bawat paglipas ng oras na yakap nila ang isa't-isa ay walang umiistorbo mula sa pamilya ng dalaga.

Bumangon na si Danica "Ano'ng oras na?"

"15 minutes na lang?"

"Tara na kaya or huwag na tayong pumasok?" pagkatanong ng dalaga pinisil niya ang pisngi nito at hinihigit papalayo "Pasaway ka kaya ka walang natututunan sa math eh"

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon