CHAPTER 3

27 22 0
                                    

Matapos nung field trip namin medyo mainggay ang klase namin ukol sa mga nakita nila sa zoo, mall at sa parke hindi naman ako masyadong nag-enjoy sa parke kasi hindi ko na nakita si M.J. nung bumalik ang guro namin tsaka lang nagtahimikan ang mga kaklase ko. Kinamusta lang kami ng guro namin tsaka siya nagturo akala ko matatahimik na ang pakikinig ko kaso...si Ann Drei ule.

Nasa harapan ko ang gasumot na papel na kung saan nang binuksan ko may nakasulat doon na 'kire mabuntis ka sana', 'pangit kamukha mo kabayo', 'feeling maganda bobo naman'. Hindi ko alam kung bakit sila galit sa akin? Dahil ba ayaw nilang magkaruon ako ng kaibigan?

Matapos ng klase hindi na lang ako umalis sa kina-uupuan ko tutal baka magalit si Ann Drei.

Wala ng tao sa loob ng kalsrum ni Danica at nagbabasa na lang siya mula sa kanyang kuwaderno na nakalapag sa kanyang lamesa na kung saan nasa dulo nakapuwesto ang kanyang lamesa at upuan, at yari ito sa kahoy na dalawang bata ang pwedeng umupo na ang inuupuan niyang yari din sa kahoy ay may lamesa na nakadisenyo sa likuran.

Tumingin si Danica sa bintana habang hinahayaan niyang lumipas ang oras at hindi na niya pinansin kung ano mang inggay ang nadidinig niya na ilang minuto pa ang lumipas, nang may tumakip sa kanyang mga mata medyo kabado siya inaakala niya si Ann Drei o tropa nito na kapag kinapitan niya ay baka may gawin sa kanya.

"Halatang kabado ka?" boses lalaki na tanong na agad niyang kinapitan ang kamay nito na nakatakip sa kanyang mga mata.

"M.J.?" hinayaan niyang kapitan ni Danica ang kamay niya at nakangiti sila pareho pero kay Danica halatang may kahulugan

"Kumain ka na?"

Umiling lang si Danica

"Bakit?"

"Baka...si Ann Drei..."

Hindi din nagsalita si M.J. at niyakap na lang niya ang kaibigan mula sa likuran "Akala ko ako lang ang naasar...ikaw din pala" nasabi na lang nito.

"May baon ka?" tanong ni Danica na ibinaba sa lamesa niya at tumabi sa kanya ang kaibigan na jollibee pa ang balot nito.

"Paano ka nakabili?"

"Pinabili ko kay titser Joy tapos yung isang meal sa kanya"

"Bale apat na meal ang pinabili mo?"

"Tatlo lang tig-iisa tayong tatlo" sagot niya at siya mismo ang naghahanda na kung saan pareha sila ng pagkain: spaghetti at chicken. At bitbit niya ang cokefloat at kumain sila habang may konting kuwentuhan. Dahil spaghetti laging nakaantabay si Danica sa amos ng kaibigan na lagi siya ang nagpupunas.

"Hayaan mo nagmumukha kang katulong"

"Bayaan mo na" ngiting sambit ni Danica.

Limang minuto na lang ang natitira bago matapos ang break nang dumating ang iba pang kaklase ni Danica pero maige at wala pa si Ann Drei.

"Balik ka na limang minuto na lang oh baka malate ka"

Ayako siyang madamay...kahit...ako na lang.

"Huwag kang mag-alala panglaki-laki ko babawasan ko na ang kain"

"Teka ano'ng kinalaman nyan sa sinabi ko?"

"Wala pero magpapalakas ako para maprotektahan kita sa kanya" ngumiti na lang si Danica "As long na okay ka okay na ako"

Matapos sabihin ni Danica inimis na ni M.J. ang kanilang pinagkainan at nakangiting kumakaway kay Danica na ganito din ito sa kanya, kahit medyo kabado na siya dahilan ang mga pumasok na kaklase ay barkada ni Ann Drei. Inantay ni Danica na hindi na niya makita si M.J. tsaka siya pumasok sa loob na saktong dating ng kinakatakutan niya, at agad nahablot ang kanyang buhok.

"Kire kitang-kita kita"

"May gusto ka ba kay-"

"Guwapo ang hanap ko hindi baboy!" hiyaw nito na patulak papaunahan.

Nagtawanan ang mga kaklase na may ilang kaklase na umiwas na lang at hindi siya pinansin para siguradong hindi sila damay. Nanggigigil na si Ann Drei at masama na ang tingin ng mga kaibigan niya sa kanya na tanging nagawa na lamang ni Danica ay yumuko at tumitig sa lapag.

Kinabukasan nagdesisyon na lang si Danica na hindi pumasok dahil nananakit pa ang suntok ng titibo-tibong kaibigan ni Ann Drei sa kanyang kaliwang itaas ng dibdib. Hindi alam ng tito at tiya niya ang ukol doon na ngayon ay naging panibagong rason ay maninirahan na siya sa kanyang lola na sapilitan siyang mapapalipat sa ibang paaralan.

Medyo malungkot si Danica dahil hindi siya nakapagpaalam kay M.J. habang kasama niya ang kanyang tita na ihahatid siya sa kanyang lola. Nang makadating sa bahay andun nakatira ang kanyang ate, nang nakita siya ay agad siyang niyakap at ibinaba na ng tita nila ang gamit ni Danica na kung saan nagpaalam na din ang tita nito.

"Andito ka pala kay lola?" tanong ni Danica at tumango na lang ang ate niya

"Nasaan ang anak mo?" tanong muli nito

"Na-na..." tsaka umiyak ang ate niya na ikinatataka niya kung bakit na niyakap siya ng lola nito

"Naagasan ang ate mo" tangi niyang sinabi na hindi ko alam ang ibig sabihin.

Habang naiyak pa ang ate niya ay kinuha niya ang kanyang mga gamit at tumigil sa bago magpintuan ng kuwarto "Lola? Saan po kuwarto ko?"

Tumingin ang matanda sa kanya at nakaturo sa kaliwang bahagi "Tabi ng banyo" sambit niya

Ipinasok ni Danica ang kanyang mga gamit ng solo dahilan at naiyak pa rin ang kanyang ate habang pinapatahan ito ng kanilang lola. Maliit lang ang kuwarto at sakto sa isahan naupo muna siya sa single bed na wala pang pobrekama at iisa lang ang unan na wala pa ding punda.

Pagbisita ni M.J. sa kuwarto ni Danica si Ann Drei na kung saan napansin agad siya ng mga kaklase ng dalaga at Ann Drei mismo ang lumapit "Walang feeds dito"

"...si Danica?" tanong ni M.J.

"Ewan baka patay na hindi pumasok"

"..."

"Alis na at wala ang mga kamag-anak mong baboy dito" dagdag pa nito na umalis na lang si M.J. pero hindi siya masyado pang nakakalayo nang natigil siya sa nadinig.

Hindi kaya gawa nung nasuntok ko siya sa kaliwang dibdib?

Hindi yun

Paano kung magsumbong siya kay Ma'am?

Ed suntukin mo ule problema ba yun tapos tutulungan kita dun sa c.r. ng mga babae natin gawin para tayo-tayo lang ang makakaalam

"..."

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・м χ т є я ι є υ χ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon