CHAPTER 13

15 11 0
                                    

Hinalikan ni Mikhail ang noo ng dalaga "Kahit hindi mo hawak ang kamay ko lagi lang ako nasa tabi mo...dahil ang pinakamahal ko ay ikaw"

"Dahil ang pinakamahal ko ay ikaw" panabay nilang sinabi na nagtawanan lang ang dalawa "Gaya-gaya ka talaga"

"Malamang mahal kita"

"Grabeh hindi kaya langgamin si duktor sa inyo?" tanong ni ate Onie na napangiti lang ang dalawa.

"Pero maigi at ayos ka na" tanging nasambit ni Mikhail at tumingin sa pinsan ng dalaga "Tawagan nyo na lang ako kapag makakalabas na si Danica" kinapitan agad ng dalaga ang kamay niya ng mahigpit nang nadinig niya ang ngalan niya mula sa fiance.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Danica.

Tumingin muna si Mikhail sa kanya "May aasikasuhin muna ako"

"Nananaginip ba ako?"

"Ija hindi ka"

Doon lang binitawan ni Danica ang kamay ni Mikhail "Akala ko...nakaalis na ako"

"..." kinapitan muli ni Mikhail ang kamay ni Danica tsaka hinalikan "Nakaalis ka sa mundong yun...may...ginawa ako kay Ann Drei" pabulong niyang sambit na yumuko si Danica at hinayaan lang ng duktor niya ang kanilang pag-uusap.

"Huwag mong papatayin si Ann Drei" sambit ni Danica na tumingin lang si Mikhail sa kanya sabay sabing "Bakit? After ng ginawa niya saiyo?"

Tumingin si Danica at alam niya na galit ito na ikinaregret niya hindi niya ito napatay agad, matapos kunan ng dapat kunin ng nurse at doktor sa kanya ay umalis na ang nurse pero ang doktor "Bayaran nyo na yung bill at pwede na siyang makalabas kaso hinay-hinay lang muna sa mga hard work para makarecover siya ng mabilis"

"Salamat doktor" sambit ni Mikhail at pagkaalis nito sabay paalam ng mga kaanakan na bago umalis si Onie ay "Kunin ko lang yun bill ni Danica para makalarga na"

"Salamat ate" sambit ni Mikhail at bumalik tingin kay Danica na nakatitig lang sa kanya.

Umalis na din si Onie kasama ng ilang mga bata

"Hindi sa ayaw kong patayin mo siya" panimula ni Danica "Lagi kang nauuna bakit hindi mo ako antayin?"

"Danica"

"Hindi ako nagbibiro M.J. gusto kong mamatay si Ann Drei pero hindi mabilisan"

Nagkatitigan silang dalawa ng ilang segundo

"...ano'ng...ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Mikhail.

Hinalikan ni Danica ang fiance sa noo "Kapag nakalabas na ako tsaka mo malalaman"

Niyakap ni Mikhail si Danica naghalong takot at galit ang nagsasama sa loob ng binatilyo.

Ilang buwan ang nagdaan magkasama na silang dalawa sa iisang bubong matagal nagpagaling si Danica dahilan at ngayon lang siya makakalabas ng bahay. Nakasuot ng face mask silang pareha na kulay purong itim na walang kahit ano'ng disenyo.

"Handa ka na?" tanong ni Mikhail kay Danica at kinapitan ang kamay

Ngumiti si Danica "As long na naandyan ka oo naman" sagot niya

Hindi kalakihan ang bahay nilang dalawa pero mayroong taniman kung gugustuhin nila hindi masyadong malayo sa bahay ang isa pang bahay na kung saan dito nakahandusay ang mga dating katawan na pinagpapapatay ni Mikhail noong na koma ang dalaga hanggang sa nagpapagaling ito.

Pagbukas ng mga alagad ni Mikhail ng bakal na pintuan ng lugar kasama ang dalawa pang pinsang babae at si Ann Drei na nakataling may damit pa nakatali at may mga piring ang mga mata.

Inalis muna ng dalaga ang piring ng dating kaklase sabay "Hi Ann Drei" pagbati niya na mula sa likuran ng kanyang face mask ang ngisi na maigi ay hindi makikita ng kaklase.

"Da-danica?"

"Namiss mo ako?" tanong nito

Nakatitig lang si Mikhail sa kanila nakangisi din mula sa likuran ng face mask sumilip si Danica sa kasintahan na lumingon ito sa kanya, doon sabay tango ng dalaga agad sumenyas si Mikhail na bitbit ang mga balde ng mga tauhan na kung ano mang nakalagay doon ay nakita na lang ni Ann Drei ang likidong malapot na humihiyaw sa sakit ang dalawang pinsan niya; agad siyang gumapang papataas makalayo sa dalawang pinsan.

"Para kang uod na umaasang hindi ka mamamatay" sambit ni Danica

Mula sa kaliwa at kanan ng dalagang mga kamay dumukot mula sa maliit niyang bag na panay maliliit na kutsilyo may ilan na iniitcha niya at tinitingnan niya kung ano ang irereaksyon ng kaklase. Hindi tinamaan sa pagkakaitcha niya ng kutsilyo na kung saan kinukuha ito ng alagad ni Mikhail at baka manglaban pa ang babaeng pinaka-aayawan nilang dalawa.

"May dalawang klase ng mga taong nabubully Ann Drei yung unang klase ay yung mga taong hinayaang kainin sila ng negatibo o kadiliman at ang solusyon ay wakasan ang buhay nila" pagkasabi niya pag itcha niya ng apat na beses tumama ang dalawa sa hita at sa braso, na kung saan napahinto ang kaklase sa sakit na nararamdaman.

"Ang pangalawang klase ay ang mga taong kinain mismo nila ang negatibo o kadiliman at ang solusyon ay patayin ang mismong bully nila" natigil si Ann Drei

"Alam ko nagkamali ako wala ba akong second chance?" tanong ngkaklase na tumingin si Danica kay Mikhail

"Ano'ng sa tingin mo mahal ko?" tanong ni Danica na humarap kay Mikhail.

"Kung sa akin magsisisi ako kung mabubuhay ang kupal na yan"

Bumalik harap kay Ann Drei "Hindi mo ba alam na si Mikhail na crush mo ay ang sinabihan mo na umalis na at walang kamag-anak na baboy" medyo nagutla si Ann Drei at tumingin kay Mikhail hindi niya aakalain na ang laki ng pinagbago ng matabang batang sinabihan niya ng masasakit na salita, na kinadidirihan niya, na may nagmamay-ari na din pala.

Sa huling dalawang itcha ni Danica ng kutsilyo at sumakto ito sa kaliwang dibdib at sa noo dahilan at nakaharap si Ann Drei sa kanya.

Matapos at bumalik na si Danica isinandal na niya ang kanyang katawan sa binatilyo at niyakap siya nito "Satisfied?" tanong ni Mikhail

"Oo naman eh ikaw?"

"Oo naman" nakangiti si Mikhail mula sa likuran ng kanyang face mask.

"Eto yung sinasabi kong mamamatay ng hindi mabilisan"

"For short torture"

"Eh eh mas nakakasatisfy kaya yun!"

"Oo na"

"Sunugin natin sa grasa para mabilis yung tipong walang matitirang kahit ano" sewestyon ng dalaga.

"Kung ano'ng gusto mo eh yun ang masusunod" inalis nila pareha ang kanilang face mask at doon hinalikan ni Mikhail si Danica sa labi.


---WAKAS--- 

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・м χ т є я ι є υ χ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon